"You're so brilliant, Ellena!" Muli ay may narinig ulit sya sa kanyang isipan, tumingin sya sa binata na seryoso paring nakatingin sa kanya at medyo umiling sya.
"S-STOP!" Muli nyang sigaw at biglang tumakbo. Lahat ay nagulat, parang takot na takot kasi ang dalaga, tinawag ang kanyang pangalan ng ilang beses para pabalikin ngunit dirediretso lamang ito at parang walang balak lumingon, ang binata naman ay seryosong nakatanaw lang din kay Ellena.
"Run, Ellena.. RUN." Mensahe ng binata sa utak ni Ellena kaya't medyo napahinto si Ellena.
"You'll be mine soon, mate." Bulong ni Daryll at tulad ni Ellena ay lumisan narin.
...
"Nalalapit na.. Dadating na sya.. Dadating na!" Sabi ng isang babaeng nakasuot ng puro puti, mahimbig na nananaginip sa isang higaan at mag-isa lamang sa kwarto na balot na balot ng kulay puti.
...
"Aswang?! So lame! Vampires are really different with them.. " sabi ni Ellena sa alaga nyang pusang puti. Naguguluhan na sya. Nagsearch na sya about Vampires at aswangs pero lalo lang nito pinagulo ang utak nya.
"I think, urban legends are real. I have witnessed the changing of color of Daryll's eye. And I'm pretty sure, Vampire's around me!" Mahaba at seryosong sabi ni Ellena sa hangin habang hinahaplos ang madudulas at magagandang balahibo ni Casey (Alagang pusa nya).
...
Kinabukasan, papunta na sana si Ellena sa taping, bagama't natatakot sya kay Daryll, di nya parin iyon ipapahalata. Ellena Carly is absolutely a pretender, isinantabi muna nya lahat ng takot, kasama ang emosyon.
"Anong nangyari sayo kahapon? Ba-Bakit parang t-takot na takot k-ka?" Tanong ni Sayuri na nauutal pa. Tiningnan sya ng maigi ni Ellena sa talukap ng mata kaya't napaatras sya ng konti.
"Nothing.." malamig at mabagal na sagot ni Ellena bago layasan si Sayuri na noo'y tumaas ang balahibo sa takot.
Naupo si Ellena sa harap ng salamin at prenteng nagpaayos. Tulad ng dati ay nakapikit lamang sya.
"Ellena.." napadilat sya at napalingon dahil narinig nya ang boses ni Adrian. Sinimulan na syang kabahan, luminga linga sya. Gusto nyang ingatan si Adrian, dahil siguro'y nadala sa nangyari kay Lord.
"Why are you here?" Seryosong tanong ni Ellena kay Adrian nang makalapit ito.
"Just that, I'm one of the actor here! The role of Theo, your boyfriend!" Pilyong sabi ni Adrian habang natatawa pa. Di alam ni Ellena ang mararamdaman nya. Halo-halong emosyon.
"Who the hell is he, Ellena?" bigla na lamang sya tumingin sa pinto, at nakumpirma nya nga.. nandito na ang bampira!
Di na sya mapakali, pero ayaw nyang ipahalata iyon, sa twing lalapit sa kanya si Adrian ay naririnig nya ang nakakapangilabot na tinig ng bampira, sinasabing..
"You're mine Ellena! Only mine!"
* * * *
"Ellena, bakit ba ganon nalang makatingin yung leading actor? May gusto ba sayo yun?!" Inis na tanong ni Adrian kay Ellena. Na-alarma naman ang dalaga, malakas ang pandinig ng bampira kaya't malamang ay narinig nya ang sinabi ni Adrian. Tiningnan nya ito ng masama at naningkit ang tingin ni Adrian. Nababaliw na sya. Hindi na nya makontrol ang sarili nya.
"Adrian! Stop talking about that!" Sabi ni Ellena, umiwas ng tingin at idinapo kay Daryll na sya ding nakatingin sa kanya.
"Ellena ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Adrian na parang naiinis na sa kinikilos ng dalaga. Tumingin naman sa kanya si Ellena.
"Gusto mong malaman?" Simpleng bagay, ngunit naging dahilan upang tumigil sya at tumahimik nalang. Alam nyang magsasalita lamang ng tagalog si Ellena kapag sobrang bothered, natatakot at nagagalit. Lahat ng iyon ay katangian ng dalaga na minsan lamang nya makita, ngunit ngayon, eto na't nakikita na nya. Ang problema ni Ellena, alam nyang di yon basta-basta.
Sa pagkakatahimik ay kanina pa pala sya nilayasan ng dalaga, tumingin sya kay Ellena at nakitang kausap ni Daryll, tumalim ang tingin nya sa Daryll na iyon at biglang lumingon si Daryll na may ngiti sa labi, wari'y nang-aasar.
Tiningnan ni Adrian ito nang mabuti. Nagtataka sya sa itsura nito. Bigla syang kinabahan.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Mate
VampireI am a Human. I know I am a human, but my blood stated I am a pureblood. I'd never wanted this, nor wished to be. It just happened without any preparedness. My name's Ellena and I have this kind of life where I am obligated to compete my life to be...