Chapter V

2.4K 73 0
                                    


Nakaraan ang dalawang araw na wala silang taping, ngunit di parin mapakali si Ellena pagka't nakikita nya madalas sa labas ng bahay nya si Daryll. Naka-disguise iyon pero kumpirmadong kumpirmado nya dahil madalas ay nagkakatinginan sila sa mata na nuo'y nagiiba ulit ang itim na mata ng binata. Hindi sya makalabas ng bahay dahil doon, ni hindi rin nya pinapupunta si Adrian dahil sa takot na maabutan ng binata. Kung takot lamang ang paguusapan, nakakaramdam na si Ellena.

"I know you're here." Matapang na sambit ni Ellena. Nasa garden sya sa tabi ng pool, nakatayo at seryoso.

"My dear mate. How was your day?" Pilyong sabi ng kalilitaw lamang na bampira na nuo'y nasa tabi na nya at nakapamulsa pa.

"I'm not your mate. Stop calling me your mate!" Sigaw ni Ellena at matalim na tumingin sa bampira. Ngunit parang hindi iyon nagustuhan ng binata dahil mahigpit nitong hinawakan ang magkabilang braso ni Ellena.

"YOU. ARE. MY. MATE! YOU'RE. MINE. ONLY, MINE!!!" sigaw ni Daryll kay Ellena habang napapangiwi ang dalaga dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Daryll sa balikat nya at lalo pang humihigpit bawat salitang lalabas sa bibig nito.

"N-no! Leave me alone!" Nagtapang-tapangan muli ang dalaga at pilit na tinanggal ang pagkakahawak sa balikat nya, namula iyon at parang magkakapasa pa.

"Ellena.. don't be so rude. Tsk! You bad girl!" Nakangiting sambit ni Daryll sa kanya. Galit na ang dalaga ngunit natatakot rin sya. Di nya alam kung ano ang dapat nyang gawin, alam nyang di sya makakatakas. Pero gustong gusto nyang umalis.

Tumingin nalang ang dalaga sa bampira nang puno ng galit, suklam at panggagalaiti, ngunit ang pilyong bampira ay sya lamang ngumiti pagkatapos ay bigla nalang ulit naglaho. Sa paglaho ng bampira ay biglang tumulo ang kauna-unahang luha ni Ellena sa takot. Kung sa galit? Matagal na iyong tumutulo.

****

Nasa isang bar si Ellena, umiinom ngunit kahit nakakarami na sya ay di man lang sya tablan ng alak. Di sya nalalasing, ganon kataas ang tolerance nya sa alak.

Maraming nagsasayawan.. pero nababaduyan si Ellena sa mga ganon kaya tahimik lang syang umiinom. May mga lumalapit sa kanya pero pinapaalis lang nya yun.

"Hi miss.."

"Get lost!"

"Ellena Carly.."

"Shut up!"

"Hey"

"....."

Ganyan lagi ang eksena. Pinapa-alis nya yung mga lumalapit sa kanya hanggang sa kusa ngang  umalis nalang ito.

Bigla naman syang nakaramdam na para bang sawang sawa na sya sa bar na iyon kaya't naisipan nyang umuwi na.

Lalabas na sana sya ng bar dahil sa pagka inip ay may sumanggi sa balikat nya..

"Sorry Miss.." paumanhin nito. Lalaki ito na itim na itim ang suot, matangkad at maputi. Nagtinginan ang dalawa, di alam ni Ellena kung bakit.. kung bakit di nya matanggal ang mga mata nyang nakatitig sa ma mata ng lalaki at ramdam nya ang mabilis na pagtibok ng puso.

'What is happening to me?!' Sa isip ng dalaga..

Parang unti unti syang nanghihina sa mga titig na iyon, ngunit parang tuwang tuwa ang kanyang puso nung makita ang lalaking yon. Di nya maintindihan. Naguguluhan sya. Sino ba yung lalaki na yan at wagas makareact ang puso nya?

Nagtagal ng ilang minuto bago may may salita sa kanila..

"M-MATE.."

Na biglang ikinatakot ni Ellena..

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon