Chapter XII

1.8K 51 2
                                    

♬♬Heart beats fast, colors and promises..
How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone, all of my doubt suddenly goes away somehow..

One step closer..

I have died everyday waiting for you.
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years, I love you for a thousand more.♬♬

'Unang kita ko sayo, kinabahan ngunit natuwa ang puso ko. Hindi ko alam, bakit?'

'Minsan kitang binalewala, ngunit tingin mo'y nananabik. Gusto ka ng isip ko, ngunit ayaw ng puso ko.'

♬♬Time stand still, beauty in all she is
I will be brave, I will not let anything take away
But standing in front of me, every breath, every hour has come to this.

One step closer..♬♬

'Mahirap isipin, mahirap. Nakilala kita sa panahong ang alam ko lang ay kasiyahan..'

'Sino ka bang talaga?'

'Bakit ganon ako makaramdam sayo?'

'Sino ba sa akala mo ang sarili mo?'

'Oo't hindi ka tao.. pero hindi rin ikaw ang mate ko..'

♬♬I have died everyday waiting for you, darling don't be afraid I have loved you for a thousand years, I love you for a thousand more.♬♬

"Hinding hindi ako aalis sa tabi mo, papatunayan kong ako ang kabiyak mo."

♬♬And all alone I believe I would find you
Time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years.
I love you for a thousand more...♬♬

'Hindi.. nagkakamali ka.'

'Magkaiba tayo. Hindi pwede, hindi maaari. Hindi ikaw.. wala akong pananabik na nararamdaman, hindi ikaw..'

"Ikaw si Ellena.. ikaw ang mate ko"

♬♬One step closer..
One step closer...♬♬

♬♬I have died everyday waiting for you, darling don't be afraid I have loved you for a thousand years
I love you for a thousand more.♬♬

♬♬And all along believed I would find you.
Time has brought your heart to me,
I have loved you for a thoysand years,
I love you for a thousand more..♬♬

ELLENA'S POV.

Napahigpit ang hawak ko sa kumot, nakatulog pala ako.

Pero ano'ng ibig sabihin ng napanaginipan ko?! Bakit hindi ko makita ang anyo ng lalaki? Nandun ako, nakatingin sa kanilang dawala. Hindi man bumubuka ang mga labi nila ay alam kong naguusap sila, ang lahat ng nasa isip nila ay nasa isip ko, nababasa ko.

Makahulugan ang lahat.

Mahirap intindihin pagkat hindi ko alam. Wala akong alam..

Hindi ako ang babae, pero tinawag nya ito sa pangalan ko..

"Prinsesa? Anong iniisip mo? Bakit ka nakadilat, kunot ang noo at mahigpit na nakahawak sa kumot habang nakahiga?" Nagitla ako sa nagsalita. Tumabi sya sakin at naupo sa gilid ko.

"Cassey.. nagpapatugtog ka ba?" Tanong ko pagkat may saliw ng tugtog ang panaginip ko, doon.. nagsasayaw sila. Sila lang dalawa sa malaking espasyo ng hardin sa ilalim ng maliwanag na buwan habang ang mga alitaptap ay makinang nasa paligid, kandilang romantiko sa bawat sulok. Nakatalikod sakin ang babae, ngunit.. ngunit lahat ng nararamdaman nya ay nararamdaman ko rin.

Gulong gulo at pilit lumalaban.

"Ahh.. o-oo, naabala ba kita? Humimbing kasi ang tulog mo nung patugtugin ko iyon, hindi ko alam na magugustuhan mo ang paborito ni Ellena." Sabi nya sakin at napatingin ako sa kanya.

"H-hindi ko paborito yan" sagot ko at napahinto sya.

"I-Ibang Ellena.. a-ang tinutukoy ko ay ang kapatid mo." Lalong naguluhan ang sistema ko. Anong kapatid ko? Sinong kapatid ko?

"Wala akong kapatid." Sabi ko pero umiling sya.

"H-Hindi mo pa pala alam.. patawad sa pangunguna sa iyong ama ngunit dahil narinig mo na rin.. Prinsesa, si Prinsesa Ellena Cleira ay iyong nakatatandang kapatid. Sya ay ang unang anak ng iyong ama sa una nitong asawa, ngunit nung maipanganak sya ay namatay ang kanyang ina, sa lumipas na dalawang taon ay nakilala ng hari ang iyong ina, si Reyna Elissa kapangalan ng ina ni Ellena Cleira, ang kanyang ina ay kamukhang kamukha ng iyong ina. At ikaw.. ay kamukhang kamukha ng kapatid mo." Mahabang pagkwento nya. Magulo ngunit naiintindihan ko. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila. May pamilya pa ako..

"Nasan na sya ngayon?" Wala sa sariling tanong ko. Tumingin sakin si Cassey ng humihingi ng tawad ang mga mata.

"Patay na sya. 7 taon na nakakalipas." Sa narinig ko'y tumaas ang balahibo ko. Parang nasaktan ang puso ko ngunit wala akong emosyong kayang ilabas. Naguguluhan parin ako.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" Mahinang tanong ko habang naramdaman ko na ang panggigilid ng luha.

"Patawad." Siya at napayuko. Tumulo ang luha ko.

"Ni hindi ko manlang sya nakita.." mapaklang sabi ko sa hangin. Tiningnan ko si Cassey at ayun nanaman ang nanghihinging tawad nyang tingin.

"Hindi kayo pwedeng magkita. Magkalapit ma'y hindi maaari. Ang kapangyarihan nyang malakas, sa sobrang lakas ay naghihigop na sya ng kapangyarihan ng iba.. at kung magkikita kayo ay hindi isang magandang bagay. Papatayin ng kapangyarihan mo ang kapangyarihan nya, ngunit kasabay non ay hihigupin ng katawan nya ang iyo, pareho kayong mamamatay." Nakakatindig balahibo ang sinabi ni Cassey. Hindi ko lubos maisip, hindi ko lubos maunawaan. Bakit kami ganoon? Bakit ganito ang uri namin?

"Bakit nasakin ang kwintas ng reyna ng wolves? Bakit hindi ito nasakanya?" Tanong ko.

"Magkaiba kayo ng ina." Sagot nya pero hindi eh! Magkamukha ang ina nya at ang aking ina.

"Pero maaaring magkapatid din sila pagkat pareho sila ng mukha!" Medyo tumaas ang aking tono at batid kong ikinagulat ni Cassey iyon.

"Hindi sila magkadugo. Iba sila. Lahing Lycan ang iyong ina, at lahing demonya ang kanyang ina" papahinang sambit ni Cassey na ikinagulat ng buong sistema ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko na alam ang dapat tumakbo sa isip ko. Hindi ko narin maramdaman ang dapat kong maramdaman.

"Sya ang kaluluwa ko." Tumulo muli ang luha ko sa sinabi ko. Napatayo si Cassey at alam kong batid na nya ang ibig kong sabihin.

"The prophecy..N-Natupad ang propesiya..." simpleng tugon nya na may halong pagkagulat, takot at pagkabalisa.

"Oo at magsisilang ako ng tatapos sa lahat." Mapaklang tugon ko habang dahan dahang pinupunasan ang luha ko. Wala akong emosyong ipinakita. Nakatitig lang sakin si Cassey at ganon rin ako. Nang bigla'y bumukas ang pinto at iniluwa doon ang umiiyak na mata ni..

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon