Continuation..

839 19 1
                                    


I badly need to see Seyo. Sya lang ang pag-asa ko ngayon.

Maaga akong gumising para sadyain si Seyo. Tulog pa si Aleeza at di pa sumisikat ang araw ay nagpunta na ako sa tapat ng dorm nila Miko. Katapat kasi ng dorm nila ay ang dorm ni Seyo.

Nakatayo lang ako doon. May ilang bampira ang nagugulat na nakita nila ako don' but I didn't mind them at all.

"Ang aga mo sa inaasahan ko." Sabi ng isang estrangherong bampirang sumandal pa sa pader sa gilid ko.

"Who the hell are you?" I coldly replied. He laughed a little then faced his body to me.

"I saw you last night. Your plans. You must go now before Seyo decided to show up." Sabi nya but I just ignore him. Hindi sa wala akong pakialam. Nagtataka rin ako sa pinagsasabi nya.

"Di ako bampira tulad ng iniisip mo. Isa akong lahing demonyo tulad mo. Pero linawin ko sayo. Ang uri natin ay hindi yung demonyong nakakatakot. Sa gwapo at ganda nating to! Hindi tayo Satan's. We are far from being evil. We are a demon of light. Tandaan mo yan" doon ako napalingon sa kanya. Demon of light?

"What are you saying?" Confusion are written all over my face. At sa sandaling ito ay naagaw nya ang pansin ko.

"Na hindi ka nagiisa at wag masyadong masama ang tingin mo sa tulad natin. Tandaan mo, we are demon's of light." Sabi nya at lumakad na palayo.

Demons of light? Meron ba nun?

"S-Sandali!" Tawag ko at nilingon nya ko nang may ngisi sa labi. Di ko ipagkakaila ang pagiging maamo ng kanyang mukha.

"Yuan. Yuan Castrence" sabi nya at bigla syang naglaho. Ilang segundo na ang lumipas ngunit nakatitig parin ako sa dinaanan nya. Napapaisip.

"What are you doing here?" Doon ay nakita ko si Seyo at bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ako nandirito.

"Kailangan kita makausap." Sabi ko.

----------------------------------------------

"Sinasabi mo bang—" I cut him off.

"Oo Seyo. Alam nilang ikaw ang pumatay sa Lycan" sabi ko at ngumisi lang sya.

"Cool." Pagka-mangha ang matotonohan sya boses nya.

"Di ko alam ang sasabihin ko." Sabi ko nalang at tiningnan naman ako ng seryoso ni Seyo.

"Ngunit para saan ang pagpunta mo dito?" Tanong nya sakin kaya napatingin ako sa mga mata nya. Blanko. Isang blankong mga mata.

"Di ko alam." Sagot ko. "Siguro ay masyado lamang akong nadala sa pagaalala sayo" sabi ko at ngumisi sya.

"Kanino ka naniniwala?" Tanong nya habang lumalapit sakin. Di ko alam ngunit ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Sayo ngunit.. nakita din kita nung mga oras na yun" sabi ko at napahinto sya. Ang mata ko ay itinuon ko lamang sa kanya. Iwas ang mga matang nawala ang pagngisi sa labi nya.

"Siguro nga'y ako iyon.." sabi nya. Isang kwestiyon nanaman ang nasa isip ko. Ngunit bago ko pa mapigil ay kusang lumabas sa bibig ko..

"Pero bakit?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa gawi ko ngunit lagpas sa katauhan ko. Ang malalim nyang pagtitig ay nakakapanibago. Tumagal ito ng 3 segundo bago nya tuluyang iniwas at tumitig sa sumisikat na araw.

"Wala ka na 'don." Di ko inaasahan ang sagot nyang iyon. Bigla nalang syang umalis sa harap ko at ako naman ay nanatiling nakatayo at di makaimik dahil sa pagkagulat. Ano iyon?

Habang naglalakad pabalik sa dorm namin ni Aleeza, naabutan ko ang ilang estudyante ang masama ang titig sakin. Siguro ay buong akala nilang ako nga ang pumatay sa Lycan.

"Oh well, ang aga mo ata ngayon Ellena?" Ellena Patrisse Carly ang babaeng may kakayahan daw isumpa ang mundo. Sa ganoong sitwasyon ay batid kong isa syang bampira ngunit lahing mangkukulam.

"Yes, I am. Half blooded vampire and enchantress." She, obviously, had read my mind. I inspect her from her toe up to her eyes.

"I don't remember someone like you interested to someone like me, enchantress" Sabi ko at napangisi naman sya. Sa ganong sitwasyon ay sinadya kong isipin ang pagiging mangkukulam nya dahil batid kong binabasa nya ang isip ko.

"You cannot deprive the fact that I have the chances to be the Vampire's Mate, dear. Therefore, I am not gonna make it happen to be it's you whom will be the mate." Sabi nya at hindi ko maintindihan kung bakit kakumpitensya ang turing nya sakin ngunit ganon pa man..

"We all know you cannot defeat me." Sabi ko at ginamit ang kapangyarihan ko upang hawiin sya sa daraanan ko. Lahat doon ay namangha, ang ilan ay natakot pa.

"Bitch!" Rinig kong angil ng katunggali ko. Lihim akong napangiti.

Kung ganoon naman palang walang gustong magpatalo, sino ba naman ako para hayaang matalo ang sarili ko? I'm not a saint para makipagbaitan. I am a vampire that's willing to risk everything, even my life, makamit lang gusto ko.

Obviously, ako ang magiging Vampire's Mate at nakakatawang kulang ang nalalaman kong impormasyon at detalye tungkol doon.

----------------------------------------------------------------

"Saan ka galing, Ellena?" Tanong ni Aleeza habang nasa harap ng salamin at iginuhuhit ang nakasanayang make-up sa mata.

"Sa labas, nagpahangin ako." Tugon ko at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa gilid at robang bagong laba.

"May liham dyan para sayo." Sabi nito kaya bago tumungo sa palikuran ay ibinaling ko ang paningin sa kama ko. Doon ay natagpuan ko ang puting sobre na may magandang pagkakasulat ng aking pangalan.

"Kanino galing?" Takang tanong ko.

"Ewan. Basta nasa labas lang yan kanina. Di mo siguro napansin, o baka kalalagay lang nung makita ko." Sagot nya at ipinagpatuloy ang ginagawa..

Kinuha ko iyon at binuksan..

Ellena Cleora Carly

Batid ko ang iyong pagtataka ngunit nais ko sanang iparating sayo na masaya akong makita ka dito. Siguro ay nagagalak ka sa bawat pangyayari ngayon sayo dito ngunit wag kang masyadong mapalagay, marami ang nagtatangka sa buhay mo. Ngunit iingatan kita, wag kang mabahala. Ang katulad natin ang gagawa ng katahimikan. Sumama ka sa amin.

Demon of Light..

Walang anuma'y tumawa ako ng malakas. Umalingawngaw iyon sa buong kwarto kaya't napahinto si Aleeza upang bigyan ako ng isang patanong na titig.

"Demon of Light. Don't make a shit." Sabi ko sa hangin at ngumisi nalang sa litong litong si Aleeza bago ipagpatuloy ang pagligo.

Yuan Castrence, sino ka ba talaga?

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon