Chapter VIII

2.2K 62 0
                                        




Nagising nalang ang dalaga dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya. Sa totoo lamang ay marami syang appointments na dapat puntahan ngayon na naiwan nya ngunit sa kundisyon nya ay malabong payagan sya ng kanyang ama.

Tumayo na sya at dumiretso agad sa silid palikuran upang buksan ang hot spring, pagkaraan ay humarap sa salamin, nagsipilyo at naghilamos. Sa sandaling iyon ay tinuonan nya ng oras ang pagtitig sa sarili nya, mahaba ang buhok, maputi at pula ang labi. Tinanggal nya ang damit nya at tinitigan din iyon sa harap ng salamin na tanging ang kwintas na hindi nya kailanman tinatanggal ang nakasuot sa kanya. Ang kwintas na iyon ay bigay pa ng kanyang lola sa kanyang ina, lihim itong ibinigay sa kanya kaya't kahit sino ang hindi ito napapansin at walang nakakaalam.

Umalis sya sa harap ng salamin at lumumlob sa hot spring, nakaramdam ng ginhawa ang dalaga nang dumikit sa alagang balat nya sa mainit init na tubig na ngayon ay dinadama ng kanyang katawan.

Nakapikit sya habang nakababad, hindi dahil sa antok pa sya ngunit mas nakakarelax iyon.

"Ellena.." nagulat sya at mas pinailalim ang katawan sa tubig nang may marinig syang boses ng lalaki na ngayon ay kitang kita nyang nakahubad din sa harap nya.

Gulat na gulat ang dalaga kaya't kahit anong salita ay wala manlang lumabas sa bibig nya. Sinusundan lamang nya ng tingin ang lalaking di naman nya kilala ngunit ngayo'y nakikisalo sa palikuran nya. Oo nga't gwapo ang lalaki, matatalim ngunit makisig ang mga singkit na mata nito, matangos ang ilong, itim na buhok, pulang labi at maputing lalaki, sobrang manly ng dating nya, kanina ay nasilayan nya ang hubad nitong katawan ngunit dahil rin sa gulat ay hindi nya iyon binigyang pansin. Mas inaalala nya kung sino ang lalaking iyon, bakit biglang lumitaw at pareho silang walang damit ngayon.

"I'm Mico Lee, you're protector." Sabi nito at di inaalis ang tingin sa dalaga, diretso lamang iyon ngunit parang walang nakikita.

Kinaway nya ang kanyang kamay ngunit walang reaksyon ang lalaki..

"You're blind, aren't you?" Tanong ni Ellena at ngimiti lama ng ang binata. Nagtataka sya kung paano biglang lumitaw ang lalaki sa harap gayong bulag naman pala ito.

"I can read your mind. Don't underestimate your protector Princess, I can not see you but I can read you, feel you and even protect you." Sabi nito at mas inilubog ang sarili sa tubig.

"At wag ka ring mag-alala, di kita nakikitaan. You're body's safe!" Natatawang sambit nito kaya winalsikan sya ni Ellena ng tubig.

"Loco!" Slang nitong sabi at napangiti. Ewan nya kung bakit, ngunit magaan naman ang loob nya sa binatang iyon.

"Bakit ka ba nandito?!" masungit na tanong ni Ellena sa tumatawang si Mico.

"Para magpakilala.. di mo pa kasi ko kilala at hindi mo manlang ata ako napansin sa sofa sa kwarto mo. Buti nalang at naisipan kong konektahan ang isip mo at nabasa kong gising ka na.." mahabang utas nito at kumuha ng Vanilla Rose na perfume bath ni Ellena at nagsimulang itapon sa tubig.

"Dahan dahan sa pagdampot! Mamaya, muriatic acid na yang binubuhos mo sa tubig!" Asik ni Ellena at tumawa ulit si Mico.

"Hindi naman diba?" Nakangisi nitong sagot kaya't binatukal ni Ellena ito ng bote ng sabon.

"Siguradong magseselos ang asawa ko kapag nakita nyang kasabay kita maligo." Sambit nito nang bigla na lamang ikinahinto ni Ellena.

"Hala! You're married?!" Gulat na tanong ni Ellena at bigla nalamang nawala si Mico.

* * * *

Habang naglalakad si Ellena sa hardin ng kanyang ama, di nya maiwasan mamitas ng mga paboritong mga bulaklak.. naiinip sya, namimiss na nya ang trabaho nya, lalo na ang alagang si Cassey na naiwan nya sa bahay. Siguradong nagugutom na iyon at baka gumala na.

"Prinsesa!" Halos mapatalon sya sa gulat nang may humawak sa balikat nya. Nilingon nya ito at isang babaeng walang damit, maputi pati ang buhok, maganda, at rosas ang labi na may nakakwintas sa leeg na itim na bow katulad ng binili nya kay...

"Cassey?!" Sabi nya nang mapansin nyang sa alagang pusa ang suot nitong kwintas. Ngumiti naman ang babae at biglang naging isang pusa... si Cassey.

"Mahal na prinsesa Ellena! Ako ito." sabi ng kanyang mahal na alagang si Cassey na ngayon ay nasa anyong pusa na. Naglalambing ito sa binti ni Ellena at gulat na gulat naman si Ellena sa nakita nya.

"What?! Holy geez!" Napabuntong hininga na lamang sya. Halos mabaliw na ang utak nya kakaisip kung paano pero bigla nalamang nyang naalala na pinalilibutan sya ng mga hindi ordinaryong nilalang kaya..

"Vampires.. are weird but I think you're beyond!" Sabi nya at binuhat ang pusang si Cassey.

"Bibihisan kita. Hindi iyong hubad ka kapag nagaanyong tao ka!" Sabi nito sa alagang pusa at dinala sa kwarto nya.

"Hihihihi!" Tawa ng pusa kaya't napatigil sya.

"Stop giggling when you're a cat! You're scary!" Reklamo nito at pinagpatuloy ang pagpunta sa silid.

"Paano ka napunta dito?" Tanong ni Ellena sa sumasampa sa sofang si Cassey.

"Sinundo ako ng asawa ko!" Sabi nito ng masaya.. asawa? Bigla syang may naalala..

"Sino?" Tanong nya kahit may nabubuong ideya sa isip nya.

"Si Mico Lee, isa sa mga protector ng Carly.." sagot nya at hindi na nagtaka..

"So, you're husband is Mico? My protector?" Tanong ni Ellena nang malamang may asawa na si Cassey at iyon ay si Mico na nakausap nya kaninang protector nya.

"Yes, princess. Did I surprised you?" Malambing na sabi ni Cassey habang nasa sofa at suot suot ang puting cotton dress ni Ellena.

"Hindi na nakakagulat. Wala na kong dapat ikagulat. -.-" sarkastikong sagot ni Ellena kaya't tumawa lamang si Cassey.

"Tagalog. Marunong ka pala Prinsesa!" Ani Cassey sa tonong pang-aasar. "Akala ko alam mo na, hindi pala sinabi ng iyong protector!" Sabi ni Cassey at nilalaro ang bolang laruan talaga ng pusang si Cassey.

"Si Mico?" Tanong ni Ellena ngunit umiling si Cassey.

"Si Adrian!" Sagot nito at bigla nyang naalalang protector din nya si Adrian.

"Teka! Ilan bang protector ko? Napakadami naman ata?" Sa sitwasyong iyon ay nawala na ang pagiging cold at english speaker ni Ellena. Kumportable kasi sya sa mga kasama nya di tulad kapag nakaharap sya sa ibang tao.

"Ang buong Carly Clan ay binubuo ng kalahati ng bampira sa buong mundo kaya't dapat na doble nito ang bilang ng protector. Ganong kadami ang protector ng pamilya niyo, dahil napalaking kawalan sa amin mga isinumpang pusa at bampira ang dugo niyo, kapag kayo ay naubos.. ubos din kami." Saglit na naging interesado si Ellenang malaman ang history ng pamilya ngunit hindi makakatakas sa pandinig nya ang sinabi ng alaga..

"Isinumpang pusa?" Tanong ni Ellena sa tumatangong si Cassey. Lalo na syang naguluhan, bakit sila isinumpa?

"Marami kami Prinsesa Ellena, nagtatago kami dahil takot na ubusin ng mga mangkukulam. Kami ay mga salamangkera, kalahi ng mga mangkukulam ngunit sa di inaasahan, nawala ang aklat ng mga mangkukulam, ang Terificus, ninuno daw namin ang nagnakaw nito at dahil humihina ang kapangyarihan ng mga mangkukulam, nagbuwis sila ng daang buhay upang isumpa lahat ng salamangkero't salamangkera maging mga pusa, na hanggang ngayon ay walang makagamot o makahanap man lang ng solusyon upang mawala ang sumpa...at nandito ako sa puder nyo, dahil ako na lamang ang nagiisang dugong bughaw na naglakas loob hanapin ang solusyon sa sumpa namin. Ako nalang Prinsesa ang lumalaban.." malungkot na kwento ni Cassey kay Ellena na ngayon ay nararamdaman kung gaano kalungkot ang pinagdadaanan ng alaga o maaaring tawaging.. Kaibigan.

"Don't worry Cassey. I am here, I'll help you" sabi ni Ellena at niyakap ang kaibigan, subalit biglang..

"ARAAAAAAYYYY!!!!"

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon