Chapter VII

2.2K 64 0
                                        


"You're not a human, not even a vampire yet. Kahit kami hindi namin alam kung bakit di ka pa ganap."

Paulit-ulit sa utak nya ang sinabi ng kanyang ama. Nasa mala-palasyong mansion parin sya at tumutuloy sa sinabing silid daw nya na limang beses ang laki at luwang sa kwarto nya sa mansion nya. May kama itong mas malaki pa sa queen size na sumisigaw sa kulay na Maroon, may mamahaling mabalahibong carpet na kulay itim, night stand na itim, may chandelier sa gitna na pinaiikutan ng ilaw, para ba itong malaking bilog at nasa gitna ang chandelier na umiilaw ng dilaw. May elegante couch din ito na kulay maroon, kaharap ang isang plasma tv, DVD player, speakers at may mataas na CD racks na punong puno at isang grand piano na may nakapatong na Violin dun sa kanang bahagi ng kanyang kwarto. Nakita rin nya na may tatlo pang pinto, binuksan nya ang isa at nakitang isa itong malaking palikuran, ang isa naman ay punong puno ng mga mamahaling damit, bag at sapatos pambabae, may isang malaking salamin at table kung saan nanduon ang isang napakagandang jewelry box at nang buksan nya ito ay punong-puno ng alahas, may mga eleganteng pangkolorete sa mukha. Lumabas sya at tinahak na natitirang pinto, pagpasok nya ay sumalubong ang nakapaikot na bookshelve, ito ang mini library, may study table. Nanatili sya doon dahil may gusto syang malaman.

Kumuha sya ng apat na libro at hinanap ang klase ng nilalang kagaya nya, puro Vampira, Witches, Rogues, Lycans, Alpha, Werewolf, Hybrid, Supernatural, at kung anu ano pa ang nakita nya ngunit ni wala doon ang senyales ng kanyang uri.

"Damn! Eh anong uri ba ako?!" Sigaw nya sa sobrang pagkafrustrate. Naiiyak narin sya, dahil kahit anong hanap nya sa mga librong tungkol sa bampira o anuman na nasa silid nya ay wala syang makuhang impormasyon.

Sinubukan nyang alamin ang sarili nya. Ang sabi ng kanyang ama, isa daw syang half-human pero ang lumabas daw na amoy ng dugo nya ay isang pure blood vampire. Nagtataka ang lahat kung bakit ganon na lamang ang nangyari sakanya, iniisip nilang isang bampira ang kanyang ina ngunit sigurado daw silang tao ito, nang isilang daw sya ng kanyang ina ay maraming nagtangkang patayin sya kaya't binuhay sya sa mundo ng mga tao. Namatay ang kanyang ina noong maaksidente ito. Buong buhay ni Ellena, inakala nyang nagiisa nalang sya ngunit heto, kasama nya ang kanyang ama, isang hari ng mga pure blood vampire, ngunit hindi nya manlang masabing kauri nya.

Lahat ng librong sa tingin nya'y makakatulong ay binasa nya ngunit wala syang makuhang kasagutan.

Lumabas si Ellena nang may kumatok sa labas ng kwarto nya, binuksan nya iyon at nakita ang isang nakaitim na lalaki na nagbigay galang muna sa kanya bago magsalita.

"Kayo po ay pinapatawag ng inyong Ama." Tugon nito kaya't tumango si Ellena at sinundan ang lalaki.

"Sit here, princess" sabi sa kanya ng kanyang ama na ngayon ay prenteng nakaupo sa isang mamahaling sofa sa loob ng library room ng bahay. Sinunod nga nya ang sinabi ng ama at naupo sya.

"Sino nga pala yung namggugulo sayong bampira?" Tanong ng kanyang Ama at sa oras na iyon, isa lang ang pumasok sa isip nya.. Si Daryll.

"Si Daryll" sagot nya, nakita nyang nalukot ang noo ng kanyang ama.

"That bastard!" Bulong ng kanyang ama na narinig naman nya at nahalata nyang nagiba ang kulay ng itim na mata nito.

"D-Daddy!" Natatakot na sambit ni Ellena. Bigla namang bumalik sa itim na kulay ang mata ng kanyang ama.

"He's a vampire, Princess. A very traitor one. I have to protect you from the traitors." Seryosong sabi ng kanyang Ama na nagiwan ng kilabot sa kanya.

A traitor one..

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon