Tiningnan ni Ellena si Cassey na syang hindi makatayo sa sakit na nararamdaman at unti unti'y biglang nawawala ang dilaw nitong mga matang pusa at unti unti na ring napapalitan ang puting buhok ng itim na kulay..
"W-What happened?!" Naguguluhang tanong ni Ellena kay Cassey. Hirap syang tiningnan ni Cassey tapos ay biglang nagtatakang itinuro naman ni Cassey ang umiilaw na itim na bagay sa dibdib na natatago sa damit ni Ellena
Humarap si Ellena sa salamin upang tingnan kung ano iyon pero laking gulat nya ng malaman iyon..
"Ang kwintas ko?" She grumbled. Hinawakan nya iyon at inilabas nya mula sa damit nya. Malakas ang pagkakailaw ng itim nyang kwintas. Pabilog ito at dyamanteng itim ang bato noon.
"Prinsesa bakit nasa iyo yan?" Nagulat na tanong ni Cassey nung makita nya yung kwintas ni Ellena. Hindi nya alam kung bakit pero seryoso ang pagkakatanong ni Cassey sa kanya. Muli nya itong tiningnan mula sa repleksyon ng salamin at sinakop ng palad nya.
"This is Nana's gift" sagot nya. Napatingin sa kanya si Cassey ng wari'y di pa nagsisink-in sa kanya at sinabi nya pero bigla nalang itong nanlalaki ang matang ngumiti at sabay namang lumuhod sa harapan nya..
"Hey, what are you doing?" Tanong ni Ellena kay Cassey na ngayon ay nakaluhod parin at yumuko na. May mga sinasabi ito pero hindi nya maintindihan.
"Vierra est je dulem ci. Wolfina teda quinta cum reyna!" Sabi nito at hindi iyon maintindihan ni Ellena. Kunot na kunot ang noo nyang tinitingnan ang ginagawa ni Cassey ngayon. Masasabi lang nya na ang weird at creepy nito dahil doon ay huminto ang pagilaw ng kanyang kwintas.
"Prinsesa! Gumana! Gumana! Bumalik na Prinsesa! Maraming Salamat po!" Umiiyak na sagot nito habang nakangiti sa kanya. Lalo syang naguluhan, anong gumana? Anong bumalik na? Bakit sya nagpapasalamat?
"Prinsesa Ellena, ikaw.. ikaw ang kasagutan! Ang iyong kwintas ay ang kwintas ng reyna ng mga Lobo!" sabi ni Cassey na nakangiti na sa kanya pero sya? Gulong gulo parin, hindi nya alam kung anong ibig sabihin ni Cassey. Hindi nya alam. Gulong gulo sya. Wala sya ni isa mang ideya sa pinagsasabi ni Cassey ngayon.
"Ang BlackWolf ay na sa iyo. Ang kwintas na bato na kayang pumigil ng kahit anong kapangyarihan. Prinsesa, hindi nyo ba napapansin.. bumalik na ang anyo ko! Bumalik na sya prinsesa! Dahil sa iyo at sa iyong kwintas.." nagpapasalamat parin ang mga mata ni Cassey habang titig na titig kay Ellena. Unti unti'y naiintindihan na nya..
"Kaya nitong pigilin ang kapangyarihan? Kahit ano?" Tanong ni Ellena kay Cassey at masaya naman itong tumango sa kanya. Natigil sya sa sandaling iyon..
Pumipigil..
Nagpapahinto..
Kapangyarihan..
Ang pumipigil sa kapangyarihan nya..
"Ang sagot Cassey! Ang sagot ay ang kwintas." Sabi nalang nya habang hinahaplos ang kwintas nya..
Malalaman nya kaya ang uri nya sa oras na hubarin nya ang kwintas na iyon?
* * * *
"Daddy.." Sambit ni Ellena. 2 weeks ago simula ng matuklasan nya ang kapangyahiran ng kwintas nya. Ang BlackWolf. Pero hindi nya iyon sinasabi pa kahit kanino, silang dalawa ni Cassey ay ginawa itong isang sikreto, hindi pa sya handa. Naghanap sya ng inpormasyon tungkol don at nalaman nyang iyon ay ang traditional necklace ng reyna ng mga werewolves, ibig sabihin na kapag napunta ito sayo, ikaw ay hihirangin bilang reyna.. sa mga unang babaeng apo lamang ito ibinibigay at hindi sa anak ng mapagbibigyan nito, tulad ngayon, sa unang magiging apong babae nya ito ipapasa.
"Yes, honey?" Tanong ng Daddy nya. Tumingin sya ng seryoso sa Daddy nya at bumuntong hininga.
"Have you been heard about the circled black legendary necklace of the Queens of Wolves? And the BlackWolf power?" Tanong nito na ikinaseryoso ng Daddy nya.
"Yes. And that necklace is missing. How'd you know 'bout that?" Tanong ng Daddy nya habang itinigil ang pagbabasa.
"Uhm.. I just read it on my random books and.." sabi ni Ellena at huminto muna saglit, tiningnan nya ang ama at inilitaw nya ang kwintas. Sa loob ng dalawang linggo ay doon nya pinagisipang mabuti kung ililihim na lang nya ba ito o ipapaalam sa ama. Naisip nyang huwag na lamang itong itago. Ama nya iyon, mahal sya ng kanyang ama.
"E-Ellena.." kasabay ng makita ng kanyang ama ang kwintas, kasabay din ito ng pagtanggal nya sa katawan. Bigla syang nanghina, sumakit ang ulo, lumagutok ang mga buto at unti-unti'y naging isang malaking puting werewolf.
"Grrrrr!!" Sigaw ng werewolf na umalingaw-ngaw sa buong lugar kaya't biglang naglabasan ang mga bampira.
"SANDALI! WAG!" sigaw ng kanyang ama nang muntik ng sugurin ng mga bampira ang lobong puti na si Ellena o isang Lycantrope
"Paano nakapasok ang lycan? Ubos na ang lahi nyan!" Sigaw ni Mico at akmang susugurin nanaman si Ellena ngunit pinigilan ni Cassey.. kadadating lang nya.
"Sya ang prinsesa!" Sigaw nito na ikinagulat ng lahat.
"Ang Prinsesa Ellena.. ay isang Vamp-wolf!" Hihingal-hingal si Cassey habang sinasabi iyon.
"Ang kwintas na ito (kuha sa kwintas ni Ellena) ay kwintas ng mga hinihirang na Reyna ng mga werewolves at samakatuwid, ang ina ni Prinsesa Ellena ay isang lycan." Mahabang tugon ni Cassey. Sa loob ng 2 linggo ay nagbigay oras din sya upang malaman ang identity ng ina ni Ellena, kasama niya si Ellena sa pagtuklas niyon at iyon nga ang nakuha nila, sa una ay nagulat sya dahil pinagbabawal iyon, at ayon sa propesiya ang Vamp-Wolf ang uubos sa kanikanilang lahi.
"Dapat syang patayin!" sigaw ng isang bampira ngunit mabilis na napunta sa harap nya ang ama ni Ellena at sinakal sya.
"Anak ko ang gusto mong patayin!" Nakakatakot na sambit nito at inilabas ang mahahabang pangil.
"Tama na po" suway sa kanya ni Adrian at humarap sa lahat.
"Ang nakasaad sa propesiya ay pwedeng mabago. Pwedeng maging daan ang prinsesa Ellena upang magkaayos ang bawat lahi." Sabi nya at agad na natahimik ang lahat. Ngunit biglang lumagutok muli ang buto ni Ellena na nasa anyong Werewolf at naging tao muli.
Pero pinagtaka ng mga bampira doon kung bakit sya biglang niyakap ni Cassey.
"Ang prinsesa ay walang saplot. Ayaw nyo namang sigurong magalit sa inyo ang prinsesa. Dapat syang irespeto." Mahinahong pahayag ni Cassey kaya't lumapit si Mico at mabilis itong dinala sa kwarto. Alam naman ng lahat na hindi nakakakita si Mico kaya't walang malisya doon.
Matapos bihisan ni Cassey si Ellena ay nagising na ito. Ang kwintas ay hindi nya suot at nasa table lang ng katabing kama iyon.
Mapulang mapula ang mga mata ni Ellena at pilyong nakatingin kay Cassey.
"Gusto ko ang lakas ng katawan ko ngayon." Medyo lumaki ang boses ni Ellena nun magsalita sya. Pero bigla syang nawala dahil tumakbo sya upang kumuha ng tubig.
Sa kusina pumunta amg dalaga, sinundan sya ni Cassey at nakitang inom ng inom ng tubig si Ellena ngunit parang hindi nawawala ang uhaw nito. Lumapit si Cassey sa ref at kumuha ng isang boteng dugo.
"Drink this" sabi ni Cassey at nang makita iyon ni Ellena ay parang tutang nilapitan nya iyon at inubos. Tumingin sa labas si Ellena at umamoy ng umamoy. Masama syang tumitingin at inilalabas ang pangil.
"Bloodlust. Pigilan mo yan Prinsesa, baka mkapatay ka." Paalala ni Cassey at biglang sinuot kay Ellena ang kwintas. Dali dali namang humiyaw si Ellena sa sakit ngunit naging itim na muli ang mga mata, senyales na nasa anyong tao na ito.
"Astig!" Komento ni Cassey matapos magsusuka si Ellena nang malasahan pa nya sa labi nya ang ininom na dugo.
"Ngayong alam ko na kung anong nilalang ako, at meron akong gamit upang pigilin ito, gusto ko na muling mamuhay sa syudad. Babalik na ko don upang tapusin ang naiwan ko at mamumuhay na ako ayon sa nakasanayan ko. Hindi naman ito pipigilan ng aking ama, diba? Isang Ellena Carly ay magbabalik, ngunit malaki ang pagbabago." Sabi nya kay Cassey at ngingiti-ngiti naman si Cassey.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Mate
VampireI am a Human. I know I am a human, but my blood stated I am a pureblood. I'd never wanted this, nor wished to be. It just happened without any preparedness. My name's Ellena and I have this kind of life where I am obligated to compete my life to be...