Nagtipon ang isang grupo sa basement ng isang hindi gaanong kilalang bar na nag-aallow ng party space rentals na pwedeng bayaran with cash, at kung saan ang tanging tanong lamang ng may-ari ay: ‘gusto niyo ba dalhan ko kayo ng beer jan?’ o ‘gusto nyo ba subukan yung nachos?’
Hindi masyadong maliwanag sa loob ng kwarto, ang buong sahig ay natatakpan ng isang rug na amoy natapon na beer at ang tanging pag-asa lang para takpan ang amoy na iyon ay gamit ang isang canned air spray. Ang mga pader naman ay may pintura ng kulay pula, halos kakulay ng dugo, at unti-unting nagtutuklapan sa iba’t-ibang parte. Sa gitna ng kwarto ay isang pool table na paminsan-minsanan ay ginagawang kainan, at isang wheeled corkboard na puno ng kopya ng mga blueprint at litrato ng mga building. Sa itaas nito ay may nakataling tarpaulin para takpan ang board kung sakaling may biglang pumasok sa kalagitnaan ng kanilang meeting.
Umupo si Dennise sa kaniyang plush armchair, isang pistol ang nakapatong sa kaniyang kandungan. Habang hinihintay ang bagong kasamahan na dumating, nilinis niya muna ang kaniyang baril gamit ang isang basahan na may oil polish. Kasama niyang nandon ay si Bea De Leon, along with Deanna Wong. The tall chinita was one of the gunners, and the small chinita was the safe-cracker. Binansagan sila ni Dennise bilang her regulars for heists.
Si Victonara Galang ay isa rin sa mga gunner, na ngayon ay nakikipaglaro ng darts kay Gretchen. Naglalaro sila ng darts at umiinom ng beer na nagpapanggap na para bang nasa isang frat party sila. Initially, nakilala ni Dennise si Vic bilang isang getaway car driver, ngunit pagkatapos ng isang insidente sa isang delivery man, nagdesisyon siyang itigil na ang pagmamaneho ng isang-daang milya kada oras at mas pinili ang pagiging gunner. Hindi man siya kasing galing ni Bea na isang sharpshooter, pero mas maganda naman ang kill-death ratio niya kesa sa lahat ng pulis na nabaril niya.
Si Gretchen Ho naman ang inside man. Isa siyang banker, the suit and tie kind. Dahil sa pagiging polite at kind sa mga katrabaho, well-liked siya sa kumpanya, especially sa mga IT, she assured Dennise, na inatasan siya na pasukin at alamin ang cash depot ng Royal Bank of Manila noong una silang magkakilala, roughly a year ago. Hanggang ngayon ay winawaldas pa rin nila ang nakuha nila sa previous heist, pero of course, si Dennise pa rin ang nagpepredict at nagsasabi ng susunod na gagawin sa plano.
“This isn’t everyone,” pagrereklamo ni Dennise na minu-minutong tinitignan ang kaniyang phone para sa oras. “Diba sabi mo nakahanap ka na ng bago nating getaway driver?” Nakasimangot niyang sabi kay Deanna. “Ano? Asan na siya?”
“Sorry I’m late,” another person announced her presence as she took the steps down to the basement room. “May namiss ba ako?”
“Wala, pero the fact that you’re late didn’t gave you a good first impression.” Tumayo si Dennise sa upuan at inilagay ang baril niya sa kaniyang likuran. “Are you Alyssa?”
“The one and only. Tsaka, five minutes lang akong late.”
“You’re the getaway driver,” Dennise said, irritated na. “Hindi ka ba nakahanap ng lulusutan para maavoid mo yung traffic or whatever your reason is for being late?”
“I took the LRT.”
“Great, isang getaway driver na hindi marunong magdrive.” Napahawak na lamang si Dennise sa kaniyang sentido at napasandal sa pool table.
“Relax, hindi ako malelate when the day of the heist rolls around.”
Dennise glared at her. “Anyway, magsimula na tayo. Gretch, talk to us about point of entry and all that.”
Lumapit ito at minasahe ang mga balikat ni Dennise upang pakalmahin ito. “Hey, I’m Gretchen,” mostly nagsalita lang siya kay Alyssa na nag-iisang newcomer sa grupo. “Nagtrabaho ako sa RBM for a year, getting to know the place inside and out, nakipag-close ako sa mga IT at mga sekyu. Alam nila ang mga passcodes at kung paano maaaccess ang mga cameras. Ang tanging problema ay yung security sa depot vaults ay third-party.”