"Alright! We need you to look to your left!" Umayos ng angulo ang cameraman habang nagbibigay ito ng instructions sa kaniyang modelo. Flaunting her tall and toned figure, ngumisi si Alyssa habang nagpopose sa harap ng camera, na talaga nga naman nagpapakita ng confidence.
Kahit saan ka lumingon makikita mo ang mukha nito sa bawat magazine, isang sight na pinapakita sa publiko. To be more exact, "he" was a supermodel, not her.
Alyxander Valdez ang pangalan na kilala ng lahat. Hindi Alyssa Valdez. "He" was the sole heir ng Caymo-Valdez Enterprise, isang billionaire company na merong mahabang pinagmulan sa kanilang pangalan. Not forgetting the fact that "he" was blessed with stunning features, "he" had become the dream boy halos sa buong mundo.
'Alyxander Valdez is living the dream!' Halos lahat ay kinikilig at nututuwa sa tuwing nakikita ang mukha nito sa bawat billboard. Pero hindi siya. Dahil wala naman talagang Alyxander Valdez, isang Alyssa lang, isang babae na pwinersa mag panggap bilang ibang tao na hindi naman siya. Kinailangan ng magulang niya ang isang lalakeng taga pagmana sa kanilang pangalan, dahil kung sino ang unang manganganak ng lalake ay siyang mag-aari ng lahat ng mana sa kumpanya.
Subalit, nagsilang si Ruel at Pablita Valdez sa isang magandang babae, at hindi na sila pwede na kunin ang mana. Isinumpa nila ang kalangitan sa pagbigay sa kanila ng isang bad luck bago dumulog sa santong paspasan dahil ang pera ay masyadong mahalaga sa kanila para mawala, their daughter would just have to be a son. Si Alyssa ay naging si Alyxander, a son not a daughter. Natuto siyang maglaro ng iba't-ibang sports, nakipaglandian sa iba't-ibang babae at nagsuot ng binders. Tinuruan siyang magsalita ng low voice at naglagay rin siya ng facial hair para mas magmukhang lalake. And she did it perfectly.
Si Alyssa Valdez ay namumuhay bilang normal high school girl na galing sa isang average household habang si Alyxander Valdez naman ay namumuhay bilang isang billionaire son. Everything was fine, okay lang kay Alyssa na magpanggap bilang isang lalake dahil nagagawa niyang makipag make out sa kahit sinong babae na gusto niya at nakukuha niya ang lahat sa isang ngiti lang. Ngunit nag iba ito kung hindi lang dahil kay Dennise Lazaro.
Si Dennise ang best friend ni Alyssa. Nagclick agad sila pagtapos magkakila noong highschool pa lamang sila. Alyssa liked Dennise. Malambing si Dennise at lagi niyang chinicheer up si Alyssa gamit ang kaniyang mga yakap, kilala niya si Alyssa inside out at nababasa siya agad nito na parang open book. Subalit, she was straight. Mula kay Myco hanggang sa isang lalake sa football team, kinailangan ni Alyssa magpuyat gabi-gabi para lang marinig kung gaano kadreamy sila at minsan naman ay ikocomfort niya si Dennise sa tuwing things didn't work out for them. Natanggap na niya ang katotohanan na hindi niya na makukuha ang dalaga kailan man, hanggang sa dumating ang isang araw... kung saan nagkaroon ng tyansa si Alyssa. To be more specific, Alyxander Valdez.
"Alyssa! Tignan mo 'to, isn't he so hot!" Tumitiling sabi ni Dennise habang halos ingudngod niya na ang phone screen nito sa mukha ni Alyssa. Napa bungisngis na lamang si Alyssa habang tinutulak niya palayo ang cellphone nito tsaka tinignan ang picture, nanlaki ang mga mata niya habang tinititigan ang litrato niya or rather, ni Alyxander Valdez.
"Talaga ba Den? Nakita mo na ba siya dati?" tumatawang sabi ni Alyssa habang umiiling na sabi ni Dennise "Narinig ko na noon ang pangalan niya pero di ko naman akalain na ganito siya kagwapo! Look at his jaw and his eyes! Kasing ganda nung sayo!" Mabilis at excited na sabi ni Dennise habang hinapit siya papalapit ni Alyssa sa kaniya. "Does that mean you find me hot?" bulong nito sa tenga ni Den bago lumayo, napangisi siya nang makita ang namumulang mga pisngi ni Dennise.
"Stop teasing me! You're hot, at alam ng buong school yun!" humahalakhak na sabi ni Dennise habang umuupo sa kandungan ni Alyssa,"Besides, technically pareho kayo ng apelyido ni Alyxander Valdez! Maybe mag long lost siblings kayo!" napatawa na lamang si Alyssa sa mga sinasabi ni Dennise, kung alam niya lang siguro.