Eto na yung pangatlong araw sa linggong ito na natagpuan ni Dennise ang isang rosas sa harap ng pintuan. Matingkad na pula ang rosas at may kasama itong maliit na card at as usual, pinulot ito ni Dennise at binasa ang mensahe.
Ngunit sa araw na 'to hindi isang mensahe ang nakasulat rito, ang nakalagay ay isang drawing ng maliit na puso na may kasamang pangalan ni Dennise sa gitna. Hindi niya maintidihan, sinong nagpapadala sa kaniya ng mga rosas? Isa lang ba 'tong prank? She wanted answers.
Kinuha ni Dennise ang rosas at luminga-linga, nang wala siyang makitang tao ay pumasok na siya sa loob ng dorm. Pumunta siya sa loob ng kusina at nilagay ang rosas sa isang vase kasama ang dalawa pang rosas na nakuha niya nung dalawang nakaraang araw.
"Meron ka na namang bagong rose?" Lumingon si Dennise at tumango kay Ella na naka sandal sa pader. "I bet they're from Alyssa, ang daming roses na pakalat-kalat sa desk sa office nya eh."
"Bakit niya naman ako padadalhan ng mga bulaklak?" napairap si Dennise pero hindi naman sa ayaw nya sa idea na iyon. Ibinalik niya ang atensyon sa mga rosas para maitago ang ngiti na meron siya mula sa isipin na si Alyssa nga ang nagbibigay sa kaniya nito.
"Palagi ka niyang nilalandi nonstop, it's obvious it's from her" this time si Ella na yung napairap bago siya umalis ng kusina at iniwan si Dennise, na nakatingin pa rin sa mga rosas.
Nagkibit balikat na lamang si Dennise at pumunta na sa kaniyang kwarto para magpalit ng damit. Meron siyang trabaho sa umaga at gusto na niyang magpahinga, pero subalit natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa kama at iniisip si Alyssa.
----------
Dali-daling binuksan ni Dennise ang pintuan at magmamadali na dapat siya papunta sa pinapasukang café nang mapansing may rosas na naman sa may pintuan. Pinulot niya ito at tumingin sa paligid at as usual walang katao-tao.
She was still confused pero naisip niya kung anong sinabi ng kaibigan at mas nagmadaling pumunta sa café, pumunta siya sa opisina ni Alyssa na may ngiti sa mga labi.
Swertihan pa nandun si Alyssa at napangiti agad ito ng makita si Dennise na nakatayo sa harap ng pintuan niya at hawak-hawak pa rin ang rosas.
"I suppose you're the one giving me those?" tanong ni Dennise habang nakatingin sa desk nito na walang kahit anong rosas, nagsinungaling lang ba si Ella sa kaniya?
Binigyan siya ni Alyssa ng nalilitong tingin at tsaka nagpakawala ng mahinang tawa. "Actually, wala akong idea kung kanino galing 'yan but I'm innocent here. Kung alam 'ko lang na gusto mo pala ng ganyan then I would gladly send them to you but it wasn't me this time"
"Pero..." tumingin si Dennise sa hawak niyang rosas at ibinalik ang tingin kay Alyssa. "Sabi ni Ella... meron 'kang roses sa desk mo... you're flirting with me... who else would it be? It wouldn't make sense if not..."
Tumayo si Alyssa sa upuan niya at naglakad sa harap ng desk niya at tumingin kay Dennise na hindi maintindihan ang nangyayari. Kung hindi si Alyssa, sino? Pero hindi rin nagtagal bago niya ito naisip at nagpakawala siya ng buntong hininga.
"LA, of course" napairap na lamang siya. "I can't believe I thought... iniisip niya siguro na magkakabalikan pa kami pero hindi na ako interesado sa kaniya dahil interesado na..." napatigil siya nang makita si Alyssa at tinakpan ang bibig gamit ang kamay niya. "I talk to much, I should just shut up and-"
Aalis na dapat si Dennise sa opisina ni Alyssa nang hinawakan ni Alyssa ang kamay niya at hinila ito pabalik sa loob at isinara ang pintuan sa likuran niya.
"Dennise, maybe you should stop running away from your feelings and just accept them" sabi ni Alyssa habang hinahaplos ng kamay niya ang braso nito pababa sa kamay. "Sabihin mo sa kaniya na tantanan ka na kung hindi mo gusto, kailangan mong maging honest sa kaniya or he will believe you still have feelings for him"
"Pwede bang 'wag natin siyang pag-usapan?" pagsasuggest ni Dennise at tumingin pababa sa mga paa niya. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya sa kaniyang dibdib at umiinit na ang kaniyang mga pisngi.
Nakatayo malapit sa kaniya si Alyssa at inangat nito ang kaniyang baba gamit ang kaniyang kamay tsaka inipit ang nakaharang na buhok ng dalaga sa likuran ng tenga nito at marahang hinaplos ang pisngi niya gamit ang kaniyang hinlalaki.
"I really thought they were from you" bulong ni Dennise. "I was kinda hoping they were from you because-"
"You like me" Alyssa cut her off and took a step back from her. "I like you too but I understand if you feel confused and there's a lot going on in your head right now but it's okay. I won't force you to do anything you're not comfortable with, take your time"
Tumango si Dennise at kinagat ang kaniyang labi. Bago pa siya makapag-isip ng kung ano hinapit niya ang ulo ni Alyssa at pinagdikit ang mga labi nila. She felt a warm feeling running through her body habang hinahalikan siya pabalik ni Alyssa at hinawakan siya sa may bewang, she smiled against her lips.
Nang maglayo sila sa isa't-isa ay ipinagdikit naman nila ang kanilang mga noo at parehong naghahabol ng hininga. Tumingin si Dennise sa mga mata ni Alyssa at marahang ngumiti. She had never felt anything like that before in her life. It was new to her but she liked it, she loved it.
"You're a great kisser" sabi ni Alyssa at kumindat sa kaniya.
"Shut up and kiss me, again" sabi ni Dennise habang humahagikhik at nagdikit muli ang kanilang mga labi.
Siguro hindi nga kay Alyssa galing ang mga rosas at siguro hindi siya ang secret admirer nito, pero si Alyssa ang tanging kailangan niya. Alyssa was good enough just the way she was and Dennise couldn't ask for someone better than her.
----------
Hope y'all are safe
babies. Always wash
your hands!!!