Thunderstorms

2.2K 10 0
                                    

Eto na yung pangatlong apartment niya simula nung lumipat siya dito sa Manila para sa kaniyang PhD. Maganda ang ibinigay na experience sa kaniya ng Batangas, pero matagal na niyang gusto lumipat sa mas malaking siyudad. Isang lugar na buhay na buhay, na kahit sa gabi o sa madaling araw, maipapakita nito ang tunay nitong ganda. Masaya siya sa magandang view na meron ang kaniyang living room. Halos ubusin niya ang oras niya sa pagtitig sa labas ng bintana. She loves this city at any time of the year.

Kahit masyadong mainit para lumabas ng bahay, kahit tumawid sa kalsada at makipag patintero sa mga buryong na tao at turista sa LRT/MRT. Or kapag masyadong malamig. Kapag nagsimula na ang -ber months na kung saan mas gugustuhin mong manatili lang sa bahay, bumalik siya sa pagkakaupo niya sa upuan na malapit sa may bintana at inenjoy na lang ang view. Maybe masyado niya ng minahal ang Manila, pero who could blame her? She even loved the rainstorms, katulad ng nangyayari ngayon.

Nakaupo na siya sa kaniyang couch, nagbabasa ng libro na appropriate sa ganitong klase ng weather, inienjoy ang tunog ng ulan na tumatama sa bintanan at ang mga mumunting kulog  sa di kalayuan, ng may biglang kumatok sa pintuan ng apartment niya. Hindi niya akalain na kung sino man sa mga kaibigan niya ay susuungin ang ganitong klase ng panahon para lang bisitahin siya, kaya kunot noo niyang inisip kung sino man ‘yon. She threw the book aside at naglakad papunta sa pintuan, looking through the peephole to check the other side. Mahal niya ang Manila, pero aware siya sa mga loko-loko na pagala-gala sa paligid na naghahanap ng gulo.

“Hello?” binuksan ni Alyssa ang pintuan, nakita niya ang isang nanginginig na babae, na naka suot lamang ng nightgown at robe sa ibabaw nito. Pamilyar ang babaeng ito. Nakita na niya ito sa lobby at nakasalubong sa may hallway, pero hindi naman niya maipakilala ang sarili ng maayos, kahit na gustong-gusto talaga niy. She was gorgeous.

“Hi. I am so sorry to bother you so late at night pero kasi...” Bigla itong napatalon sa tunog ng isang malakas na kulog, na yumanig ang bintana sa may dulo ng hallway sa lakas. “Meron ka ba diyan na kandila na pwede ‘kong mahiram? Nawalan kasi ng kuryente yung kwarto ko tapos hindi ko makita yung generator.” She rubbed her arms up and down, halatang giniginaw.

“I believe nasa may basement yun, for security reasons, pero sa tingin ko hindi magandang idea na bumaba ngayon, risking it will go out again.” Alyssa stepped aside and welcomed her in. “Bakit hindi ka muna pumasok? Meron ako ditong spare bedroom. Bukas ng umaga, kausapin natin yung doorman about don.”

“Ayokong makaabala pa. Pwede ko naman na itulog na lang ‘to.” Pumasok ang babae sa loob, sighing in relief at the warmth of the apartment. “Baka may mga plano ka and nakaka interrupt na ako.”

“Please, ‘wag ka na mag-alala pa. Bakit hindi ka muna umupo? Kuha lang kita ng.. uhm.. a cup of tea? Or maybe gusto mo ng hot milk?” Dinala niya ang babae sa kaniyang couch at nilahad nito ang kaniyang kamay, for her to take. “I am Alyssa.”

“Tea would be fine, salamat. Vegan ako, kaya I don’t eat or drink any dairy product.” Kinuha nito ang kamay na nakalahad sa harap niya and marahang pinisil. “I am Dennise and I just moved here from the States.”

“So, bale hindi ka sanay sa mga ganitong Philippine rainstorms noh?” She smiled gently at lumakad papunta sa kaniyang kusina, kumuha siya ng isa pang mug para sa kaniyang bisita. She poured some hot water and dipped a vanilla tea filter inside, carrying it back sa nilalamig na dalaga.

“Filipino parents ko pero I grew up in the States and besides sa mga malalang winters, we don’t have these kind of storms. Is it a recurring event?” Bahagya siyang napatalon ng marinig ang isa pang malakas na kulog. “Gosh, nakakahiya. Mukha na akong scared little girl.”

“Wala ka dapat ikahiya, naiintindihan kita.” Tumabi si Alyssa sa kaniya at kinuha ang kaniyang mug, taking a long gulp. “Noong maliit pa ako, I used to be scared of thunders too, so ‘yung mama ko tried to take my mind off it, by letting me braid her hair or kinukwentuhan niya ako. So, maybe we can get to know each other? Lagi kitang nakikita pero I never got the chance to properly introduce myself.” She smiled at humarap ng bahagya sa dalaga.

AD SHOTSWhere stories live. Discover now