Dreams

1.4K 12 0
                                    

I love you too Dennise...” Unti-unti itong lumalapit sakin. Grabe ang kabog ng aking dibdib.  Napapikit na ko dahil sobra na niyang lapit sakin... Ito na. Magki-kiss na kami!

“Students wake up!” Bigla akong napamigwas ng bangon. Habol-habol ko pa ang hininga ko. Kainis naman kasi eh! Ba’t kasi ‘pag nasa dorm ka may ganan pang sisigaw sayo! Bwisit eh!

Pero medyo nakakadiri yung panaginip ko ha?! Si Alyssa hahalikan ako?! Eeww!

Pero ba’t hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko... Para bang totoo yung mga halik niya.

Napatingin ako sa kabilang kama. Mukhang nakaalis na si Alyssa. Si Aly ay roommate ko. She's a lesbian. Alyssa Caymo Valdez ang totoo niyang name. At ako naman si Dennise Michelle Garcia Lazaro.

Graduating na kami ngayon. Actually, this year ko lang naging roommate ‘yan si Aly. Nagpalipat kasi ako ng room gawa nung isa ‘kong kasama eh, laging naghihilik! Hindi ako makatulog.

Napatingin ako sa phone ko. 7 am na, mamayang 9 am pa naman ang class ko. I decided na maligo na, gusto kong mag-ikot ikot sa campus.

Nakaka-ilang kuha na ko ng picture sa paligid. Nakatingin ako sa lense ng camera ko, ganun na lang ang gulat ko ng makita kong nakatingin sakin si Aly!

“Ano ka ba naman! Bat ka ba nanggugulat?!” Sigaw ko.

“Oy di ako nanggulat ah. Kuhanan mo nga ako dali.” Napataas ang kilay ko.

“Ano ka chix?” Sabi ko sabay irap dito. Pero sinasabi ko lang yun para pagtakpan 'tong napakabilis kong tibok ng puso.

“Anong sabi mo? Chix? Sino ang chix huh?” Nagulat ako ng lumalapit ito sakin.

“Ano ba...” Sabi ko na halos magdikit na ang katawan namin.

“Ano? Sino ngayon ang chix?” Bigla itong nagsmirk.

“Baka halikan kita diyan.” Dahil sa sinabi niya eh, bumaling ako sa gilid ko.

“Hahahahaha! Anong akala mo hahalikan talaga kita? Hahahaha!” Sinamaan ko 'to ng tingin. Bwisit! Paasa!

Hindi pa rin 'to tumigil sa kakatawa. Kaya kinuhanan ko 'to.

“Oy! Idelete mo yan!” Sabi nito pero binelatan ko lang siya.

“Buti nga sayo! I-upload ko'to sa Facebook! Tignan natin kung 'di ka pagtawanan!” Sabi ko. Hahablutin na sana nito ang camera ko buti na lang at nailag ko.

“Bleeeh! Habulin mo ko!” Pang-aasar ko. Tumakbo agad ako. Takbo lang ako ng takbo. Paglingon ko malapit na agad siya saakin. Shit! Nakalimutan ko, football player nga pala siya!

Sa kakalingon ko sa kaniya di ko napansin na may bato pala, dahilan para madapa ako.

Shit. Pagtingin ko sa tuhod ko dumudugo 'to!

“Ayos ka lang?!” Sabi ni Aly. Umiling ako, ewan ko lang sa sarili ko kung bakit ako umiiyak.

“Shhh tahan na. Dadalhin kita sa clinic.” Nabigla ako ng binuhat ako nito. Yung buhat pangkasal. Di ko maiwasang mapatingin sa mukha ni Aly.

Hindi na ito mukhang babae. Para na ngang lalaki si Aly eh.

Sa loob ng 5 months na magkasama kami sa dorm. Ngayon ko lang 'to naramdaman.

Dati naman lagi kaming nagkukulitan pero di bumibilis ang tibok ng puso ko, di gaya ngayon.

Para bang slow-mo lang.

Pagkadala niya sakin sa clinic, dinala niya ako sa room namin.

“S-salamat..” Nahihiya kong sabi.

“Wala yun. Ikaw kasi. Takbo-takbo ka pang nalalaman. Nakalimutan mo bang future Lionel Messi ang hinamon mo?” Hinampas ko 'to.

“Ang hambog mo!”

“Tignan mo. Nadapa ka na't lahat-lahat sadista ka pa din.”

“Tse! Manahimik ka nga!” Tinawanan lang ako nito.

“Oo nga pala—” magsasalita pa lang sana ako ng makita kong hawak hawak ni Alyssa ang camera ko. Shit! Tatayo na sana ako kaso masakit pa rin ang tuhod ko. Hindi niya pwedeng makita yon!

Tumingin 'to saakin.

“A-ano 'to?” Napayuko ako. Umupo si Aly sa gilid ng kama ko. Tahimik lang kami. Sa 5 months na yun.. Siguro nga nagkagusto ako sa kanya.

“'Wag kang mag-alala. Mawawala din ‘tong feelings ko.” Masakit man sabihin yun, wala akong magawa.

Tumingin ito sakin, nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko.

“No need. Wag mo ng kalimutan ang feelings mo saakin.” Napakunot ang noo ko.

“Huh?”

“I like you too Dennise...” Shit! Parang ganito yung sa panaginip ko! Unti-unti itong lumapit sakin... Napapikit ako.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko...

Napamulat kami pareho. Kainis naman eh! Bakit ba kasi lagi na lang ‘di natutuloy?! Nagkatinginan kami ni Aly at nagtawanan. Bigla ako nitong hinalikan nang mabilis.

Napatigil ako sa kakatawa.

“I love you..” Sabi ko.

“I love you too Dennise...”

Hey! Sorry for the late update!
Eto na muna hehe

AD SHOTSWhere stories live. Discover now