XI

15 2 0
                                    

Kabanata 11


Nasa may gilid kami ng soccer field ngayon kasama si Cristine, wala naman kasi kaming teacher ngayon kaya napagdesisyonan namin na tumambay. Ayoko naman magstay sa room kasi mukhang palengke sa ingay.


"Malapit na ang foundation day natin. I'm so excited," masiglang nitong sabi sa akin.


"Kailan ba yun?"


"Sa next, next week daw. Baka next week magprepared na tayo para doon, may mga booths din na naka-assign sa bawat section."


"Nakakapagod yan for sure. Nga pala saturday naman na bukas punta tayong mall tsaka may bibilhin ako."


"Aalis ako bukas girl. May family gathering kasi kami. Nakakasad naman gusto kita makasama kaso ayaw nila akong iwan, kainis."



"Sayang naman, si Ethan nalang isasama ko."


"Lagi naman yung may time for you eh, alam mo ang sweet ng pinsan mo na yun sayo. Sana all may pinsan na ganoon, kuya ko nga nakainis na wala man lang pakialam sa akin. Ang gwapo ni Ethan friend, single ba talaga yon?"


"Hindi ko alam, ayaw ko magtanong sa kan'ya eh."


Tinawanan ko lang siya, maswerte nga ako na may mga kapatid ako na sobrang caring tapos pati mga pinsan ko mababait sa akin.


Bumalik din naman agad kami sa room, ni-announce na rin naman ng adviser ang mga dapat naming gagawin.


Hinintay ko si oppa sa labas ng room niya kasi nga kakausapin ko si Ethan. Nang magsilabasan na sila ay agad akong nilapitan ni Ethan at agaran na niyakap.


"Thang, mall tayo bukas."


"Hindi naman kita mahindi-an ah, ikaw kaya ang favorite pinsan ko, remember."


Bigla kaming napatingin kay oppa ng bigla itong tumikhim, nakita ko rin na nasa tabi niya si Kath, at sa kabila si Chris.


"Usapang magpinsan 'to, wala na kayo doon. Right my favorite cousin?"


Tumango ako sa kanya bago kami maglakad papuntang parking lot. Nang makarating kami sa condo ay hindi pa rin ako pinapansin ni oppa, ang sungit na naman niya.



Nang makapagpalit na ako ng pambahay ay pumunta ako sa kwarto ni oppa. Feeling ko kasi galit or nagtatampo na namam ang mahal na hari.


"Oppa, papasok ako ah."


Hindi sumagot si oppa kaya pumasok na ako, nasa cr ata siya kaya humilata nalang ako sa kama niya tumalikod ako sa pinto ng cr dahil baka bigla siyang lumabas ng nakatapis ganoon kasi naliligo ata siya eh.


"Oppa, andito ako sa kwarto mo!" sigaw ko.

"Bakit na naman? Lumabas ka nga!" sabi nito habang nasa loob siya ng cr. Highblood siguro meron to ngayon kaya super sungit.


"Ayoko."

Hinintay ko si oppa, naligo pala siya buti nalang at hindi ako nakaharap sa pinto ng cr niya. Naramdaman ko na umupo si oppa sa kama kaya humarap na ako sa kan'ya.


"Oppa, galit ka ba? Galit ka ba sa akin?" Tumigin ito sa akin na tila nagtatanong. "Hindi mo ako pinapansin, may nagawa ba akong mali?"


"Wala." Maikling sagot niya.


Naupo na ako at hinawakan ko ang braso niya. "Oppa naman eh, bakit ka nga galit? Alam mo hindi ako makakatulog sa kaiisip sa tuwing may taong feeling ko galit sa akin, hindi kasi ako sanay eh kaya sabihin mo na ang problema." Hindi ko naman kasi alam kung bakit siya galit at hindi ako pinapansin.


"Oppa, bakit indi mo ako ni-papansin, pansinin mo ako."

"Tsk, para kang bata!"


"Okay, hindi ko alam kung bakit hindi mo ako ni-papansin pero bukas babawi ako ililibre kita. Sama ka sa amin ni Ethan sa mall bukas."


Napatingin ito sa akin bago napangiti. "Yehey, bati na tayo." Ginulo ko ang buhok niya.


"Gusto ng baby ko na lagi ko siyang ni-papansin, gusto niya na lagi ko siyang ni-papansin." Nanlamig ako sa sinabi niya kaya agad na akong nagpaalam at bumalik na ako sa kwarto ko.


Feeling ko nagbago na sa pakikitungo sa akin si Ranz, baby daw ow sister zone ako ganoon hahaha. Dagdag listahan ng kuya.

Natatawa ako sa pinag-iisip ko, kamusta kaya silang tatlo. Si Ethan ay Kath kaya anyari na sa relationship nila kung mayroon man, pano si Ranz? Ay bahala na nga, bahala na sila.

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon