II

25 4 0
                                    

Kabanata 2


Tok tok tok

"Bakit!" sigaw ko.

Ang aga-aga panira ng umaga. First time ito, hindi naman ako ginigising sa bahay. Tsaka ang aga pa. Ano bang meron ngayon?


"Baka nakakalimutan mong aalis tayo, EA."


"EA? Walang EA dito? Sino ka ba!" sigaw ko.


Nabigla ako ng bumukas ang pinto ng k'warto ko at pumasok ang isang lalaki. Ay wala pala ako sa bahay, hindi pa rin talaga ako nakakaadjust kahit nakatulog na ako kagabi. Akala ko talaga nasa bahay pa ako. Hindi pala panaginip yun.


"R-Ranz?"


Naalala ko wala pala ako sa bahay, dapat masanay na ako. Masanay ka na Eya na may napakag'wapong manira sa buhay mo. Na hindi siya mukhang guardian angel, si kapahamakan ata siya.


"Sorry, akala ko nasa k'warto ko pa ako. Akala ko nasa bahay pa namin ako. Namiss ko tuloy ang room ko, sana nandoon pa ako. Nga pala sinong EA?" tanong ko.


"E-ya, A-lexa." tipid ba sabi nito.


"Ay wow, ganda tapos itatawag ko sayo is RC, hehehe. Ganyan ka rin ba sa mga nakikilala mo? RC mukhang soft drinks diba?" Hindi man lang siya natawa, bulok kasi info na ibinigay ko siguro.


"Bilisan mo na magbreakfast na sa baba, gutom na ko." Ang sungit niya talaga, nagtatanong lang naman ako nilayasan agad ako. "Nagsusingit-sungitan lang ata siya mas mukha siyang demonyo.


Bumaba na rin ito matapos ako ayain na bumaba na. Matapos kong maghilamos ay bumaba na rin ako. Nakita ko na may fried rice, hotdog, bacon, at egg. In Fairness marunong pala siya magluto.


"Marunong ka pala magluto?"


Nagkibit-balikat lang ito. Umupo na ako at nagsimulang kumain dahil sa gutom ako at masarap naman ang pagkain na nakahain. Akala ko gugutomin ako rito.


Mahiyain ba siya or masungit o emotionless lang talaga siya. In fairness ang gwapo niya, tama lang ang puti niya medyo chinito at-



"You're drooling, stop starring." Nakakahiya ka self, tumigil ka kasi napapahamak ako sa sarili kong katangahan eh.


G'wapo sana masungit nga lang. "Sungit mo, alam mo gusto ko lang na maging friends tayo. Kailangan natin ng closure, hindi naman porket may issue na tayo ay susungitan mo ako." Dapat makipagkaibigan ako sa kan'ya baka doon may chance pa.


Wala man lang siyang sagot. Ang saya nito kausap sarap sipain papalabas. "Ilang taon ka na ba? Please pasagot naman."


"18"


Syempre natuwa naman ako. "Close ako sa kuya ko kaya mamimiss ko talaga siya pero ngayon hindi na. May bago na naman akong kuya."


"Why?"


"Mas matanda ka sa akin, turning 17 years old pa lang ako so tatawag ko na sayo is kuya. Oh, no,no oppa RC na lang pala."


"The hell!" sigaw nito, nainis ko ata siya pero ayos lang. Mainis ka pa please hahaha para lalong masaya .


Nakakatawa talaga yung mukha niya parang hindi na maipinta, hahaha. "Oppa RC, ganda kaya."


Dahil sa inasar ko siya ako ang pinaghugas niya ng pinggan. Nagdadabog pa ako habang naghuhugas dahil sa inis. Marunong naman ako maghugas prro mas gusto ko pa rin yung kusang loob. Mas masaya maghugas ng pinggan kapag kusang loob hindi yung pinag-uutusan.


"Pag may nabasag dyan ikaw ang magluluto, maglilinis, at maghuhugas ng one week." Pagbabanta nito.


"Hindi na po magdadabog, oppa. Aayusin ko na ang paghuhugas."


Nang matapos ako sa paghuhugas ay nag-vacuum muna ako, sipag akong bata eh. Inayos ko rin ang mga libro, papel, at basurang nagkalat sa sala. Hindi ako sanay ng makalat.


"Oppa, kapag may mga gawain ka d'yan mo sa kwarto gawin. Kapag ako maglilinis hindi ko alam kung kailangan pa ba o basura na eh, umayos ka may kasama ka na dito ah!" sigaw ko sa tapat ng kwarto niya. "May kasama ka na rito."


"Ang ingay po! Umayos ka na po, aalis po tayo!" sigaw niya, ang cute niya hahaha "po" sana ol magalang.


"Oppa, mas matanda ka sa akin kaya huwag mo akong ni-po po."


Tawang-tawa ako ng pumunta ako sa k'warto ko. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang kwarto ko dahil nga pagod ako kagabi at umiyak pa ako. Black,white at pink ang theme ng color, black ang comforter at pink ang mga pillows. White at black ang pintura sa pader, pink ang mini sofa at black naman ang study table. Black ang mini bookshelves, white naman ang theme ng cr.

"Grabe ang ganda naman, as in wow. Never ko ni-expect na ganito ang magiging room ko dito."


Nawili ako sa pagmamasid sa mga kagamitan sa k'warto ko kaya galit na naman si oppa, dali dali akong naligo at nag-ayos sabi kina tita lang naman pupunta so nag white-shorts lang ako then black v-neck shirt at black flat shoes.


Halos umusok na ang mukha ni oppa ng lumabas ako sa k'warto ko dahil sa kanina pa daw siya naghihintay. Nawili kasi ako magliwaliw, nakalimot ako.


"Ang mga babae talaga ang bagal-bagal kumilos." Dinig kong sabi nito bago lumabas.


Dapat ba ako magsorry? Ako yung tipong hindi mabagal kumilos. Sa bahay ako lagi ang nauuna. Sadyang siya kanina pa tapos kaya malamang mauuna siya. Hindi na nakakatuwa.

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon