XX

13 2 0
                                    

Kabanata 20

Isipin na ng iba ang gusto nilang isipin, pero for me I made the right choice. If he loves her then go and I will not mending with their problem.

Takang taka sina tito at tita ng dumating kami ni Ethan na dala ang mga gamit ko pero si Ethan na ang nagpaliwanag sa lahat.

Habang inaayos ng kasambahay ang gamit ko ay nakita ko si kuya Edmund na papasok sa kwarto na ibinigay sa akin nina tito at tita.

"May ginagawa si Ethan tsaka sila na rin magsasabi kina tito at tita sa nangyari. Ayos ka lang?" Tumango ako. "Alam ko na hindi kahit tumago ka pa dyan."


"2 months pa lang yun kuya, tapos na agad. Extra lang naman kasi ako sa Love story nila eh," alungkot na sabi ko.


Ang bilis lang ng pangyayari eh. Pagsiguro sobrang bilis ganito talaga. Madali lang din matapos.


"Suntokin ko yun para sayo eh, joke lang. Hindi ka uuwi sa inyo?"

"Dito na lang ako, tsaka may friend na ako dito kaya dito pa rin ako."


Hinaplos ni kuya ang buhok ko. "Kapag may problema lagi mong sasabihin sa amin ni Ethan, huwag mong itatago. Magmove on ka na lang, si kuya Enzo mo na ang gagawa ng paraan para pag-usapan ang mga nangyari between sa inyo. Matitigil na rin naman ang engagement na yon ng hindi ikaw ang kikilos tsaka ayaw na rin ipagpatuloy ng mommy at daddy mo." Tumango na lang ako kay kuya at yumakap.


Natulog din ako kaagad at ng magkita kami ni Cristine at sinabi ko sa kan'ya ang nangyari dinaig pa ang lasing na gustong magwala.


"Suot mo pa yang bracelet na yan?" masungit na tanong ni Cristine at napansin ko na rin ang bracelet.

"Hindi naman ito galing sa kanya, galing to sa kapatid ko kaya isusuot ko pa rin ito."

"Bwesit na Ranz yon, akala mo kung sinong gwapo!"


Inaya ko na lang mag-mall si Cristine para maalis ang badtrip niya, ayoko pag-usapan ang nangyari. Pinipilit kong magpakatatag at magkunwari na okay lang ang lahat pero masakit pa din, hindi ko lang pinapakita.

Matapos mag-mall ay umiwi ako, wala daw sina tito at tita dahil may business trip na inaasikaso. Naunang dumating si kuya Edmund bago si Ethan. Kami lang tatlo ang sabay na sabay na kumain. Matapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto at nagreview dahil malapit na rin ang exam namin, excited na rin ako umuwi.


Lumipas ang mga araw, pansin ko na iniiwasan ni Ethan ang dalawa at lagi ko rin nakikita na ang sweet-sweet nila.

"Eya, sabay ka na sa akin later." Tumango lang ako kay Ethan bago siya tumalikod.

"Ang lungkot nyo naman, bakas sa mga mata nyo. Pareho kayo nagamit, pucha sila." Medyo natawa ako sa sinabi ni Cristine, tama siya nagamit kami ng pinsan ko.


Matapos ang exam ay todo siksik lagi itong si Cristine kaya pinagtatawanan ko na lang.

"Promise me na dito ka mag-aral next year, Eya naman kasi sumagot! Lagi ka lang tumatawa sa tuwing tatanungin kita!"

"Oo nga, wala naman ng bwesit sa buhay ko no, dito ako magtatapos. Huwag ka na kasi makulit."

"Promise?"

"Promise."

Dumating na nga ang pagtatapos ng klase, wala akong honor.  Pinagtawanan lang ako ni Edzel habang kausap ko si sa chat kasi siya daw meron kaya may regalo siya kina ate at kuya. Nakakainis naman eh, hindi naman kasi ako kasingtalino nila.

"Kainis!"

"Eya?"

"Po kuya?"

"Ano nangyari sayo?"

"Pinagtitripan ako ni Edzel sa chat, may honor lang siya pinagyayabang na niya. Maduga sila!"

"Halika na aalis na tayo, nauna na sina Ethan, mommy, at daddy doon kaya bilis."

"Hala! Sorry kuya!"

Ngayon ang graduation nila Ethan ayoko sana umattend kaso nakakahiya naman, special day to ng pinsan ko kaya dapat nandoon din ako kasi sa bahay nila ako nakatira.

Nang makarating kami sa school ay umakbay sa akin si kuya Edmund habang lumilinga linga, naghanap kami ng mauupuan pagkarating namin sa venue.

After ng ceremony at kung anu-ano pa ay sa wakas natapos din, wala akonh pakialam sa mga sinasabi ni Ranz kanina kasi siya ang Valedictorian. Matapos ay nilapitan kami ni Ethan at syempre nakipagpicture siya sa akin then kay kuya. Lumapit din si Chris sa amin at niyakap ko siya then nagpicture din kami, nakita ko na magkasama si Ranz at Kath, napatingin sa akin si tita kaya nag-iwas tingin ako.


Lumabas muna ako saglit kasi tatawagan ko si Edzel, magtatampo na naman yon.

"Hey, sup?"

"Ate, uwi ka na."

"Malapit na."

"Miss you, regalo ko?"

"May nabili na ako, congrats ikaw na matalino."

"Huwag kang sarcastic dyan, ikaw naman ang favorite pinsan ng lahat."

"Inggit ka?"

"Hindi ah, love ako ng favorite nila eh."

"Ang corny mo, sige. See you, congratulations and I love you."

"I love you too, ate. Thank you, bye."

Nang ibinaba ko na ang cellphone ko ay nagulat ako ng nasa likuran ko pala si Ranz. Tinaasan ko siya  ng kilat at aalis na sana nang bigla niya akong pigilan.

"Can we talk? Just a few minutes, please."

"Ano?"

"Pwede huwag dito?"

"Kung anong sasabihin mo, sabihin mo na. Hindi ako aalis dito kasi hahanapin ako ni kuya Edmund, uuwi na kami so split it already!"

"Eya, I'm sorry-" hindi ko na siya pinatapos pa.

"Okay na, huwag ka na lang manggulo, you're happy with her so I'm happy for the both of you."

Nahagip ng mata ko si kuya Edmund kaya agad ko na siyang tinalikuran. Ayoko na, I'm tired.
Nang makapasok ako sa sasakyan ni kuya ay tahimik lang ako, mukhang  alam ni kuya ang dahilan kaya hindi na ito nagtanong pa ng kung anu-ano. Basta ang gusto ko lang ngayon ay umuwi kami, umuwi sa dati naming tirahan.

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon