XVII

16 2 0
                                    

Kabanata 17


Hindi ko alam ang dapat kong gawin, gulong gulo na rin ang sa mga pangyayari. Bakit ba kailangan niyang itanong sa akin ang bagay na yun?

Matapos siyang makaakyat ay naupo lang ako at nakinig ng music sa phone ko, mabuti na rin at hindi niya ako kinakausap kasi hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.


Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa upuan ngunit ng magising ako ay wala na si oppa. Inayos ko ang sarili ko bago ako bumaba. Natanaw ko si oppa na nakaupo sa isang upuan malapit sa puno. Nagtama din ang aming paningin ng pababa na ako.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko dito bago ako tumabi sa kanya sa isang upuan.

"Hindi naman, im just relaxing and enjoying the view."

"Bakit hindi sa taas?"

"Are you mad at me?" Pag-iiba nito sa usapan.

"No, bakit naman ako magagalit?" Hindi naman talaga ako galit nagulat lang siguro ako ng dahil sa sinabi niya kanina.

"Because of what i said-"

"Im not mad, im just shock because of what you said to me. Are you serious? Do you want me to be your girlfriend? I mean magfiancee na tayo kahit hindi pa naman talaga inaannounce nila diba?"

"I know, pero gusto ko na magsimula tayo, gusto ko ikasal ka sa taong mahal mo talaga. Alam ko na kahit kunti may nararamdaman na ako for you, ayoko magsinungalin."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Sa limang buwan na magkasama kami ay nagiging komportable na rin kami sa isa't isa. Hindi malabo na magkagusto kami sa isa't isa.


Gusto ko siya pagbigyan pero err, hindi ko talaga alam.

"Huwag kang ma-stress, hindi naman ako nagmamadali. Just please, sabihan mo ako. Ayoko na naglilihim ka sa akin Eya, kung may mahal ka sabihin mo sa akin, gusto ko na updated ako sa nararamdaman mo."

Hindi ko alam ang sasabihin tila nawala lahat ng gusto kong sabihin, i know that life being husband and wife is very difficult but I have this feeling na gusto kong subukan.

Inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya. "Ranz, ayos na muna sa akin ang ganito. Bawal ka lumandi, mangbabae or so whatever. " mataray na sabi ko.


"Basta ba bawal ka din manglalaki, ayos lang. Hindi ako babaero para lang sa impormasyon mo." Natawa na lang ako dahil halata naman kasi na hindi siya babaero talagang may mga babae na papansin pero hindi naman niya pinapansin.

Naging casual lang para sa amin ang lahat, dumating na rin ang araw ng pasko kaya masyadong busy ang lahat. Lagi naman kaming nag-aasaran ng bunso kong kapatid kaso lagi siyang talo dahil walang mahanap na kakampi, lagi atang kampi sa akin si Ranz.


Naging masaya ang aming noche buena, nagsimba, nagregalo sa bawat isa, nagkasiyahan at marami pang iba. Nakuha kong gift galing kay Ranz is limang wattpad book, kay mommy at daddy is laptop, bracelet naman galing kay bunso at kay ate at kuya naman is shoes and human size teddy bear. May mga regalo din ako sa kanilang lahat kaso no need to mention na.


Kinaumagahan nalaman ko ay kailangan na pala nilang umalis mamayang 3pm at isasama na daw nila si Ranz dahil sa may mga family gathering sila na dadaluhan. Pumunta muna ako sa garden para magpahangin ng makita ko na nandoon si oppa na may kausap sa phone.


"Akala mo nakalimutan ko? Hahaha naalala ko kaya pag-uwi namin d'yan ibibigay ko. Stop it sweetheart."

---

"I know, yeah."

---

" See you soon when I get there. Bye."

Wengyang lalaki to sweetheart? Eww akala ko bawal mangbabae pero ito siya at nangbabae, like the hell! May sweetheart, sweetheart pang nalalaman ang gag*.


Naupo ako sa isang upuan bago niya ako napansin.


"Bakit ka nakasimangot dyan?" Malamang sino ba naman ang matutuwa?

Sarap niyang ihambalos "Pakialam mo ba kung gusto ko sumimangot, kapal ng mukha mo."

"Kanina ka pa?"

"Hindi, hindi ko nga narinig na may kausap ka na sweetheart mo pala kaya hindi ngayon lang ako dito, kadarating ko lang." Ngumiti ako ng slight lang bago ulit sumimangot. Tumawa ito ng nakakaloka. "Anong nakakatawa?"


"Are you jealous?"

Jealous, seriously? Ako nagseselos? Walang hiya talaga itong lalaking ito.


"At bakit naman ako magseselos?"


"Kung nagseselos ka nga talaga, magsasaya pa ako." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pinagsasabi niyang walang hiya siya. Ang saya pa talaga ah? Napakawalang hiya talaga.


"Baka kung anu-ano na naman pinag -iisip mo, masaya ako malaman na nagseselos ka dahil alam ko na may nararamdaman ka for me, kausap ko kanina yung pinsan ko 5 years old. Sweetheart tawag ko sa kan'ya kasi ang arte-arte ng batang yun. Kapag may chance ipapakilala kita sa kan'ya in person tiyak na magugustohan ka non."

Yaksss ang kitid ng utak ko, pinagselosan ko lang naman ang isang bata, ay wait hindi pala ako nagseselos ay super tanga lang self...


Nabigla ako ng lumapit siya sa akin at agad akong niyakap paside lang.

"Mauuna na ako sa Manila mamaya, ayoko sana kaso kailangan marami kaming family gathering na dadaluhan at kawawa naman si kuya kung hindi kami magdinner magkakasama. Hintayin na lang kita sa condo, don't worry ako susundo sayo sa airport."


"Okay."

Bumungisngis lang ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Huwag ka ng sumimangot oh, aalis na ako mamaya eh."

"Ranz, yung tanong mo yes sagot ko."


"Na huwag ka ng sumimangot?" May pagkatanga talaga ang lalaking ito kahit kailan.

"Hindi yun."

"Nakakainis ka naman eh, kinalimutan mo agad."

"Joke lang, hindi ka naman mabiro. Umayos ka girlfriend huwag mo akong ganyanin at baka maisama kita sa family gathering namin."

"Kaya mo, boyfriend?"

"Kung pwede lang eh, bakit hindi." Nagulat ako ng kilitiin niya ako kaya tumama yung siko ko sa upuan kaya't nagkagalos ito.

"Oh f*ck, sorry. Tara na sa loob at gagamutin ko, sorry girlfriend. "

"Kasalanan mo to eh," naiiyak kong sabi.


"Saan masakit ikikiss ko?"


Pinalo ko siya sa braso bago kami pumasok sa bahay at ginamot niya ang maliit lang naman na sugat, OA kasi eh.

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon