IX

13 2 0
                                    

Kabanata 9


Dumating ang first day of school, ako ang nauna magising kaya ako ang nagprepare ng breakfast. Matapos ko magluto ay pinuntahan ko si oppa para gisingin, mukha tuloy akong nanay or yaya na may anak na tamad. Galit na galit si oppa, bakit ko ba daw siya ginising sa kanyang pagkatulog ang OA lang hahaha, sleeping prince lang.


Naka-uniform na rin ako dahil sa pinamadali talaga ni tita ang pagpagawa ng school uniform ko. Parang pang-Korea ang school uniform ko. Ang kyut pero nakakainis kapag magsuot ng maiksing palda.



Dahil nga sa mga flag ceremony pa na nakakatamad matagal pa ako bago nakapasok sa room. Umupo ako sa tabi ng bintana sa ika-apat na row ng upuan.

Hindi ako yung tipo na feeling close kaya ito mukha akong tanga sa isang sulok. Tinatamad ako makipagkaibigan bahala sila kung gusto nila magpakilala sa akin, iwewelcome ko naman sila.


Matapos ang klase ay pumunta na ako sa parking lot, may mga naging kaibigan naman ako pero hindi ko pa sila masyado kilala kaya chill muna ako, mag-isa. Same time naman matatapos ang klase namin ni oppa kaya napagdesisyonan ko siyang hintayin malapit sa sasakyan niya.


Nang makita ko na si oppa ay laking pasasalamat ko, halos 30 minutes na rin kaya ako naghihintay.


"Asan mga kaibigan mo, oppa? Bakit mag-isa ka lang?" Syempre kapag palabas ng school malamang kasama niya mga kaibigan niya.


"May inaayos lang sila, sakay na. Kanina ka pa?"

Tumango ako kasi kanina pa naman talaga ako, nagsasabi naman ako ng totoo. Masakit na nga ang paa ko kasi nakatayo lang ako dito.


Nang makarating kami sa bahay sabi ni oppa sa labas nalang daw kami kakain, nagbihis na ako at inayos ko muna ang mga gamit ko. Tumambay ako sa sala at nagcellphone kasi wala pa namang assignment eh.


Nang lumabas si oppa sa kwarto niya ay tumabi ito sa akin, feeling close na si oppa.


"Kamusta naman first day mo? New friends?" Nagulat ako kaya biglang bumilis tibok ng puso ko.

Makapagtanong 'tong si oppa parang siya ang tatay ko. "Ok naman po, may mga bago naman na akong kakilala pero hindi pa ako sanay sa atmosphere sa room namin, oppa. Ang iba maaarte sana naman may maging friend ako na yung tipong kahit ano hindi aarte."


"Masasanay ka rin. Nga pala kapag tapos na klase nyo text me para alam ko kung naghihintay ka na. Pwede ka rin naman maghintay sa akin sa labas ng school, punta kang mall may malapit naman ah."

Ang dami sinasabi ng lalaking to ni number niya nga wala ako eh. "Oppa, wala akong number mo. Tsaka ayoko nga pumuntang mall na hindi ka kasama."


"Why?" Busanggot na tanong ni oppa.


"Remember fiance kita, ikaw gagastos. Yung allowance ko iniipon ko eh pambili ng mga pangangailangan. Dapat ikaw ang gumastos total andito ako sa condo mo at minor pa kaya ako."


"Bangko mo ba ako? Mayaman naman kayo ah. Ba't ka manghihingi sa akin? Kasalanan ko ba na minor ka pa?"


"Oo, fiance kita eh pero sapat lang ang pera na ibinibigay sa akin ng parents ko dahil gusto nila matuto kami na dapat marunong din kami magtipid. Gutom na ako oppa alis na tayo." Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko.

"Cute," he murmured.

Ako ang pumili ng makakainan namin ni oppa, tumambay din kami sa isang park at nagkuwentuhan.


Nilibre ako ni oppa tapos binilhan niya rin ako ng ice cream kumain din kami ng mga street food. Halos 9 pm na kami nakauwi sa condo niya dahil nga sa tumambay kami sa park. Akala mo naman wala kaming pasok kinabukasan dahil sa pagpupuyat namin.


Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at nagscroll sa fb, namiss ko tuloy dati kong mga classmates ng may makita ako pictures na magkakasama sila. Nagcomment pa ako ng sana all kaya ayon naging gc yung comment section.


Matapos magfacebook ay nagtoothbrush muna ako at inayos ang gamit bago nahiga para matulog na dahil may pasok pa bukas.

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon