KABANATA 27

12 2 0
                                    

#27

Nagising na lang ako ng may brasong nakayakap sa akin kaya unti-unti ko itong inianggat at tuluyan na akong umalis sa kwarto at naligo. Sunday naman ngayon kaya gusto ko muna magpahinga, nagluto na din ako ng breakfast pero hindi pa rin gising si Ranz.

Nang inihahanda ko na ang pagkain ay lumabas na si Ranz at nakaligo na pala.

"Ba't nakabalik ako dito? Sino naghatid? Tsaka may mga sinabi ba ako kagabi?" Tinarayan ko lang siya at nagsimula ng kumain, bahala siya dyan. Umupo na din ito at kumain kahit na wala naman akong sinabi na kumain siya.

Matapos ko kumain ay inilagay ko ang plato sa lababo ng biglang magring ang phone ko kaya't agad kong pinuntahan.

"Hello?"

"Hey! Pwede tambay kami dyan later? Lunch?"

"Oo naman, magpapahanda na lang ako ng lunch. Saan ba?"

"Room nyo, ako lang naman eh."

"Kami sabi mo kanina."

"May lakad daw pala sila."

"Punta ka na lang dito, si Engr. na daw bahala magluto para sa lunch. Sige bye na at maghuhugas ako ng pinagkainan ko." Ibinaba ko na ang cellphone ko.

"Sino yun? Tsaka anong ako ang bahala magluto?" takang tanong nito kaya humarap ako sa kanya.

"Dito maglulunch kaibigan mo, ikaw na bahala sa foods." Nang matapos ko maghugas ay umupo ako sa sofa at naisipang tawagan si West.

"Hey ma'am."

"Punta ka later dito, lunch."

"Anong meron ma'am, nga pala ma'am musta kagabi?"

"Gusto mo sapak, West?"

"Nakainom ako pero naalala ko ah, ayos na kayo?"

"Hindi."

Binabaan ko na siya ng cellphone at tumayo na ako galing sa pagkakaupo sa sofa. Badtrip talaga kasi, antok pa talaga ako.

"Dito kakain si West at Chris ng lunch, kaw bahala antok ako."

"Antok halos kagigising pa lang?"

"Badtrip ka kasi kagabi." Pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Nahiga na ako at tuluyan na ngang kinain ng antok.

***

Tok tok tok

Natutulog ang tao napa-istorbo. "Ano ba!" sigaw ko dahil sa sobrang pagkainis ko ay napabango ako na nagdadabog at binuksan ang pinto. Nagulat ako na si West ang tumambad sa akin.

Tumatawa tawa pa ito. "Bumalik ka sa loob, ayusin mo ang sarili mo, ang pangit mo. Kakain na tayo kaya pakibilisan lang naman, ma'am." Padabog kong isinara ang pinto dahil sa inis, pumunta ako sa cr. Nakita ko na gulong-gulo ang buhok ko mukha tuloy akong bruha kaya naghilamos din ako at nagmumog. Nagsuklay din ako ng buhok at nagpalit ng damit bago ako lumabas.

Padarag kong hinila ang upuan bago naupo. "Pwede naman kayo kumain na hindi ako kasama ah! Bakit kailangan nyo pa ako gisingin! Puyat ako tapos manbibwiset kayo!" Nanggagalaiti talaga ako sa inis dahil sa kanila.

"Bakit ka ba kasi napuyat?" tanong ni Chris kaya agad na napatingin kaming lahat sa kanya, nag-iwas tingin si Ranz, nakangising aso naman si West, kaya't nag-iwas tingin din ako at naglagay na ng pagkain sa pinggan ko.

"Kain na tayo, lalamig na ang pagkain," malamig kong turan.

Puro trabaho ang pinag-uusapan nila kaya ng matapos kumain ay hinugasan ko ang ibang mga gamit na ginamit maging ang pinggan ko. Bwiset, ay teka nag-iwas siya ng tingin kanina, may naalala kaya siya? Hala! Hindi ito maganda.

Nangunot ang noo dahil sa mga naiisip ko. "Oh f*ck!"

"Ano problema mo?" Nagulat ako sa biglang pagtabi sa akin ni Ranz kaya't muntikan ko pa mabitawan ang baso na hinuhugasan ko.

"Huwag ka ngang nanggugulat!" sigaw ko dito.

"Away mag-asawa ata to, alis na ako may pupuntahan pa ako eh. Salamat pala sa lunch Ranz, salamat Eya." Nagwave pa ito sa amin bago lumabas.

"Alis na ako, namiss ko asawa ko eh tatawagan ko lang, salamat ah." Tuluyan na din lumabas si West.

Matapos ang lahat, iniwan lang nila ako sa napaka-awkward na sitwasyon. Mga walang pakikisama, bakit parang may pinapanigan sila at hindi ako yon.

Ako na ang naghugas at pinapanood lang ako ni Ranz na lalong nakakapagpabwiset sa akin. "Ano bang tinutunganga mo dyan!" sigaw ko sa kanya pero ngisi lang ang isinukli niya. Nang nagpupunas na lang ako ng kamay ay naghugas din siya ng kamay niya, pumunta ako sa sofa at napagdesisyonan ng manood sa netflix.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng lumapit na sa akin si Ranz at naupo sa tabi ko. Ako itong layo ng layo sa kanya tapos siya naman itong lapit ng lapit sa akin.

I signed

"Ano bang problema mo?" Lalo pa itong lumapit sa akin at biglang isinandal nito ang ulo sa balikat ko at yumakap sa baywang ko.

"Hindi na ako lasing ngayon, pwede mo na akong tanungin ng kung anu-ano, sasagutin ko." Nakaramdam ako ng pagkailang pero siguro kailangan ko na din malaman ang mga bagay na hindi ko pa talaga alam.

I bit my lower lips before I sighed.

"Ano nangyari sa atin noon? Bakit humantong lahat ng iyon sa ganoon?" Hindi ko alam kung handa na ba talaga ako pero gusto ko na unti-untiin ang lahat.

Hinaeakan niya ang kamay ko at tila minamasahe niya gamit lamang ang isa niyang kamay. "Nalaman ko na nagpepretend lang si Kath na mahal niya si Ethan, nalaman ko na sinabihan ni mommy si Kath na layuan ako dahil nga sa may fiancee na daw ako at ikaw yon. Nang malaman din ni Ethan ang lahat ay lalo siyang namuhi kay Kath. Ayaw niya na maging sila dahil nga sa akin pero, Kath manipulated everything. I didn't expect na kaya niya iyon gawin pero nagawa niya na eh." He sighed again at tiningnan ako sa mata. "Nang umalis ka sa condo ko, tila nawala ako sa sarili ko tapos nakatanggap pa ako ng sulat galing sa isang school sa US na naglalaman na pwede ako mag-enroll sa school na yun. Dream school ko yun, gusto kita balikan pero kinausap ako ni Kath na bakit kita babalikan kung iiwan din naman din ulit kita. I hate her but that time , she's right. Babalikan kiga pero iiwan din naman pala sa bandang huli so lahat ng yun ay nagawa ko para sa pangarap ko, mas pinili ko ito kaysa sayo."

Para akong nakahinga dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam ang lahat-lahat ng mga araw na yun, ang alam ko lang ay lagi silang magkasama ni Kath bago matapos ang klase nila. Marami akong hindi alam, marami akong impormasyon na hindi alam at makalipas ang ilang taon ngayon ko lang nalaman at malalaman.

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon