KABANATA 34

16 3 0
                                    

#34

Mabuti na lang at may nakita pa kami bukas na store kaya nakabili kami ng damit. Matapos namin makabili ng damit ay bumalik din naman kami agad sa hotel. Pinauna ko siya na maligo dahil sa tinatamad pa ako. Matapos niyang maligo ay halos kaladkarin na niya ako papuntang bathroom dahil sa tinatamad na talaga ako.

Ilang minuto rin ako nagbabad sa bathtub bago napagpasyahan na tapusin ang aking pagligo. Paglalabas ko ay nakita ko na nakahiga na si Ranz sa kama, nasa leeg niya pa rin ang towel at paminsan-minsan ay pinupunasan ang buhok. Nang makita niya ako ay agad ito na sumenyas na lumapit ako sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay nag-Indian sit ako.

Kinuha niya sa leeg niya ang towel at agad na pinunasan ang buhok dahil sa basang basa pa. Ngumiti lang ako sa kanya habang seryosong-seryoso siya sa pagpupunas ng buhok ko.

"Matatanggap ba kaya ulit nila ako? Halos naputol din ang communication ng parents natin sa isa't isa dahil sa mga naging desisyon ko."

Actually ay tama siya, simula ng umalis ako sa condo ni Ranz ay wala na akong balita. Nawalan din ng communication si mama kina tita. "Ako pa rin naman ang magdi-desisyon ng lahat. Gusto ko lang ipaalam sa kanila kasi, they are my family. Sa lahat ng gagawin ko ay kailangan ipaalam ko pa rin sa kanila kahit na ayaw nila." Niyakap na lang niya ako at pinatuyo ang buhok ko after matuyo ay natulog na kami dahil sa pagod.

***

Late na kami ng magising kami, pinagpapalo ko siya ng unan. After namin mag-ayos ng sarili ay agad na kaming nagcheck-out sa hotel. Nagdrive thru na lang din kami, tapos ang pababy niya pa.

Nang makarating kami sa mansion ay mga kasambahay lang ang siyang sumalubong sa amin.

Dinala ko muna si Ranz sa kwarto ko. "Dito ka muna, ako muna kakausap sa kanila. Babalikan kita later, ayon ang laptop ko. Baka kailanganin mo."

He chuckled. "Ayos lang ako dito. Goodluck, huwag highblood. Makinig ka muna, I love you."

"Lakas makapag-boost ng confident ah. I love you too, dyan ka na nga."

Dumiretso ako sa kwarto nila mommy at daddy.

Tok tok tok

"Mommy, daddy?" Nang buksan ni daddy ang pinto ay tumuloy na ako. Lumapit ako kay mommy na nakahiga pa, tagal siguro natapos ang party. Tumabi ako kay mommy bago yumakap.

"Mommy, is it okay with you na, me and Ranz are now official?" Tumabi sa akin si daddy at hinaplos nila ang ulo ko.

"Malaki ka na, alam mo naman na ang mga ginagawa mo," daddy's said.

"You've grown as a beautiful lady and a smart one. I know that you and Ranz have something thingy back when you are with him. I am happy that the two of you are back. I like Ranz for you, actually dati pa." Niyakap ko si mommy dahil sa sinabi niya. Humarap ako kay daddy at yumakap din sa kanya.

I sighed. "Daddy, ba't naging ganoon kagabi si ate? I didn't expect na magagawa niya yun."

"Kausapin mo, stress lang yun. Tsaka tagal mong naging single, akala siguro okay lang yung ganoon. Talk to your sister, magkagalit din sila ng kuya mo. Nagalit ang kuya mo sa ginawa ng ate mo, bahala ka na." Ngumiti lang ako sa kanila bago ako lumabas ng k'warto nila.

Tok tok tok

"Kuya?"

"Ma'am nasa garden po sila ni ma'am Erza kasama si Sir." Dali-dali akong pumunta sa garden.

"Look— Enzo hindi ko sinasadya. I thought she's single. I want her to date somebody, kailangan niya—."

"Wala kang karapatan, she's our sister for pity sake! Ayoko na mangyari yung dating nangyari sa kanya, ate. Please— understand na ayaw ko lang maulit yun!" Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nakatayo sila na magkaharap kaya agad akong lumapit sa kanila at agad na niyakap silang dalawa.

"Tama na— bati na lang kayo."

They both sighed.

"Oo na nga lang, bati na kami. Where's your boyfriend?"

"In my room, may trabaho na ginagawa." Feeling ko kahit nakatulog na siya ay pagod pa rin kasi feel ko pa rin ang pagod.

"I'm really, really sorry. I didn't know, Eya. You probably hate me because of what I've done," malungkot na sabi ni ate.

I don't know pero kagabi galit talaga ako, pero she's always be the coolest ate for me so hindi na. "Okay na yun, ang mahalaga ay ayos na tayo. I don't really want you to be my enemy, ate."

"Ay! Bakit hindi kayo nang-inform na nagbobondinh kayo dito. Kapatid niyo din ako, I have a rights to be here."

"Sino ba naman kasi may sabi na wala kang katapatan?" tanong ni kuya sa kanya in a sarcastic tone.

"You're always harsh on me, kuya. Pasalamat ko hindi ko ginagamit ang pagiging lawyer ko sayo."

"Abogado ka na ba?" banat ulit sa kanya ni kuya.

"Malapit na!"

"Hindi pa rin"

Nagkaasaran na nga ang dalawa samantalang si ate ito nakayakap sa akin. She's so busy in a past few weeks, she also need to rest.

"Ate, take a vacation. You need to rest, you're tiring your self."

"I'm okay, don't worry about me. Business is my thing, I want to give my best to it. Puntahan mo na ang boyfriend mo, I'll get some rest for now."

Dahil sa nangyari ay ito lang ang masasabi ko, family is always family. Kahit na anong mangyari, kahit na anong badtrip mo pa sa kanila, hinding-hindi mo sila matitiis basta may pagmamahal ka sa kanila.

Kahit na magkandaleche-leche pa ang buhay mo basta ang mahala nandyan sila. Yakap at pang-unawa lang nila ay nakakapagpagaan na ng pakiramdam. Family first, sila dapat ang unang prioritize. Walang sino man ang makakagiba sa pamilyang matatag.

Kahit na magkaroon na ng bagong pamilya huwag kakalimutan, ang mga taong bukod tangi uunawa sayo ano man ang pagkakamaling nagagawa nyo.

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon