KABANATA 28

13 2 0
                                    

#28

Naalimpungatan ako ng dumating si mommy sa condo ko at may mga kasamang helper. "Mommy, what's happening?" tanong ko habang humihikab pa.

"Darating bukas ang fiancee mo dito, at dito siya mag-istay." Parang nawala ang antok ko dahil sa ibinalita ni mommy.

Nang dumating ang araw na darating na siya ay sobrang kabadtripan ang nafefeel ko.

Unang kita ko pa lang sa kanya ay tila napahinto na niya ang takbo ng oras. "Hi." Tanging bati ko bago siya inaya na pumasok.

"Kwarto mo yung nasa left side."

***

"By the way, I'm  Eya Alexa Casco." Ang ganda niya na bagay pa ang pangalan niya sa kanya.

Hindi ko talaga iniexpect na makakasama ko siya sa condo ko, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nila mommy at maging ng parent's niya. "I'm Ranz Casper Guevarra, it's not nice to meet you," ani ko.

***

Sobra ang kulit niya at hindi ko alam kung paano siya sawayin kaya hinahayaan ko na lang dahil nga parang wala na din naman akong magagawa.

Nandito kami ngayon ni Chris sa bahay nila. "Ano pre, hulog na ba?" Agad akong napatingin sa kanya at nangngangalap ng maisasagot. Hulog na ba talaga ako? Hulog na hulog na nga ba?

***

"Oppa?"

"Hmm?"

"Magiging ayos lang ba sayo kung maging si Ethan at Kath?" Napaisip ako bigla sa tanong niya.

Hindi naman na big deal sa akin kung maging official na sina Ethan at Kath. "Oo. Wala naman na akong magagawa kung mahal talaga nila ang isa't isa eh." Magulo talaga ang mga tao noh? Hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto nila basta maging masaya lang ang taong mahal nila isasakripisyo nila kahit yung nararamdaman nila.

"Paano kung ikaw ang mahal ni Kath?"

"Huh?" Takang tanong ko.

"Paano kung ikaw ang mahal niya, ano ang gagawin mo? Tsaka may feelings ka for her so ano?"

"I donno." Paano ko naman kasi sasagutin kong wala na akonb pakialam kay Kath at kay Ethan. Sayo na lang ako may pakialam pero hindi ko naman kayang sabihin.

***

Sinundan ko si Eya ng lumabas siya ng kwarto, nakita ko siya na may niyayakap na lalaki kaya tumikhim ako at napalingon naman silang dalawa sa akin.

"Sino siya?" tanong ng lalaki na malapit ata sa kanya.

"Ahm, bisita!" sigaw niya na tila gulat na gulat.

"West Avellano pre" pagpapakilala ng kasama niya.

"Ranz Guevarra, mauna na ako sainyo para may oras kayo makapag-usap halata naman na miss na miss nyo ang isa't isa." Agad na akong umalis at bumalik sa kwarto niya para matulog pero hindi naman ako makatulog. Sino ba kasi yon?

***

"Kaya ba ayaw mong makasal sa akin dahil sa kanya?" Panimula ko ng dumating pumasok na siya sa kwarto.

"Anong pinagsasabi mo dyan?" Umupo ito at humarap siya sa akin. "Ano na namang pumapasok dyan sa makati mong utak?" Mahiya naman ang utak niya sa utak ko.

"Boyfriend mo yung West na yun kaya una pa lang ayaw mo ng makasal sa akin kaya sabi mo gagawa at gagawa ka ng paraan para hindi matuloy ang kasal natin."

Pinitik niya ako sa noo. "Kaibigan ko lang si West, may girlfriend ang taong yun at wala akong ibang feelings for him. Wala din akong boyfriend, naiintindihan mo? Bakit ka ba ganyan? Dont tell na nag-" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya ng magsalita na ako.

"Nagseselos ako, ayoko din ng nararamdaman ko pero- nagseselos talaga ako AE." Selos na selos na talaga ako, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kaya ang weird. "

HAHAHA, nakakatawa ka oppa, mapagbiro ka talaga."

Tawa siya ng tawa ng bigla ko siyang yakapin. "Huwag mo akong pagtawanan, nagseselos na nga yung tao pinagtatawanan mo pa. Gusto ko akin ka lang, can you be my girlfriend?"

***

"Ranz, yung tanong mo yes sagot ko." Hindi ko alam kung sinasagot na niya ako pero baka mali ang pagkakaintindi ko eh.

"Na huwag ka ng sumimangot?" Pagbibiro ko sa kanya.

Pinipigilan ko ang pagngisi dahil sa expression niya. "Hindi yun."

"Nakakainis ka naman eh, kinalimutan mo agad."

"Joke lang, hindi ka naman mabiro. Umayos ka girlfriend huwag mo akong ganyanin at baka maisama kita sa family gathering namin." Parang ayaw ko tuloy umalis para magkasama kami, naaadik na ata ako sa kanya.

Ngumiti ito na tila nangloloko pa. "Kaya mo boyfriend?"

"Kung pwede lang eh, bakit hindi." Sobrang saya ko na maging official na talaga kami."

***

Nagulat ako ng malaman ko ang lahat. Lahat ng totoo at nangyayari.

"Mahal kita, hindi naman si Ethan ang gusto ko. Pinalalayo kasi ako sayo ng mommy mo eh kasi nga may fiancee ka na daw." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, gusto ko si Kath noon pero mahal ko na si Eya ngayon.

"I'm sorry Kath, mahal ko na si Eya."

***

"Mommy, why did you do that?" tanong ko kay mommy matapos ang pag-uusap namin ni Kath. Sinabi ko ang lahat ng sinabi ni Kath kay mommy.

"I'm sorry, sorry anak."

"Nagpapasalamat din ako sayo, nakilala ko si Eya ng dahil sainyo nakita ko ang babaeng gusto kong makasama habang buhay."

***

"Dream school mo yan, makikipagbalikan ka kay Eya tapos iiwan mo lang din naman siya. Mag-isip ka nga Ranz, career mo muna ayusin mo!" sigaw sa akin ni Kath.

Sobrang nagugulohan na ako pero nanaig pa rin ang sinabi ni Kath, kailangan ko to para sa future, para din ito sa amin ni Eya.

***

Kasama ko ngayon si Ethan. "Hindi mo sasabihin sa kanya?" tanong nito sa akin. Umiling lang ako, iiwan ko din naman siya mas mahihirapan lang siya, maw mabuting pag-aaral na muna niya ang aasikakasohin niya. Kapag bumalik na ako na wala ka pang asawa, kukunin kita.

***

"Kailangan daw ng Engr. na makakasama sa project sa Cavite.  Chance mo na ito, apply ka, bahala ka na." Yan lang ang last message sa akin ni Ethan, kaya ginawa ko din naman.

Oras na para balikan at magpakita na muli ako sayo, magbago man ang lahat pero ang nararamdaman ko para sayo lalo pang naging malalim.

"Im sorry, sana mapatawad mo ako."

 IT'S ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon