*Sheniah's Pov.**Next day=At RSU*
🎶Lalalalalalala...🎶
Busy akong naglalakad ngayon sa Hallway at ninanamnam ang masarap na hangin dahil ngayong araw na toh!!...
Ayy Day Off ko kaya wala akong masyadong pagkakaabalahan ngayon.
'Pero paano ako makakasigurong free nga ako...kung may mga tao paring walang magawa sa buhay?,aishh!'
Napatigil ako sa naisip at napakamot sa noo.
Gee...wala naman siguro,hayy...teka nga??
Nasa'n naba sina Kurt at Zab?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may field.
Pumunta ako sa pinakadulo nun at naupo sa isang bench.
Yes,I prefer to sit in the edge of this field dahil mas tahimik at hindi masyadong nadadaanan o napupuntahan ng mga estudyante.
Well,isa lang naman ito sa nadaanan ko kahapon ng mag-tour ako ng mag-isa.
Dahil bukod sa tahimik ay mapapansin mo ang mapunong lugar na nasa likuran ng Gymnasium.At kung tutuusin ang creepy ngang tignan dahil madilim ang lugar na ito lalo na kapag sapit ng hapon o kapag hindi masyadong nasisikatan ng araw.
Halatang halata ang pagka-misteryoso ng eskwelahan dahil sa mga Lugar,tss.
Sumandal na lang ako sa inuupuan ko at pinikit ang mga mata.
Magpapahinga na lang muna ako dito dahil maaga pa naman at 7:30 ang oras ng klase.
5:45 palang naman kaya habang maaga pa,makapagpahinga man lang ako.medyo napaaga rin ako ng pasok dahil kailangan kong abangan ang pagdating nila Kurt.
Iyon kasi ang sabi nila sa akin para daw makausap ko sila nang walang nakakapansin o nakakahalata.
Tss,ewan ko ba sa kanila kung bakit kailangan ganito pa ang set up ehh.
Habang pinipilit ang sariling makatulog ay hindi nakalagpas sa pandinig ko ang boses sa hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.
'Masyado kang maangas!'
'Huh?..sino naman kaya iyon?'
Napaayos ako sa pagkakaupo at dininig kung saang lugar nanggagaling ang ingay.
'Ako?maangas?...ehh sino bang tanga ang manghahamok sa akin,gayung kung titignan pa lang...ako na ang panalo.'
Sabi pa ng isa pang boses lalaki kaya agad akong lumapit sa pinanggagalingan ng boses.
'Ang lakas talaga ng loob mo Velasquez...baka nakakalimutan mong mag-isa ka lang at walo kami.'
Nang malapitan ko na ang pinanggagalingan ng mga boses ay naroon iyon sa mapunong lugar na nabanggit ko kanina.
Sumilip ako sa isang punong pinagtataguan ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Isang lalaki ang nasa gitna at napapalibutan pa ng pitong lalaki.
Pero ang mas ikinagulat ko ay hawak hawak ng lalaking nasa gitna ang isa pang lalaki habang tutok tutok sa leeg nito ang isang Katana.
Habang pinapanood ang mga pangyayaring ito ay kinakabahan ako lalo pa't lahat sila ay nakahawak ng mga patalim at mag-isa lang yung tinawag nila kaninang Velasquez.
'Tss,mukhang napakababa ng tingin mo sakin ano? Xiuhan Lu...baka nakakalimutan mo kung sinong kaharap mo ngayon?"-sabi nung lalaking nasa gitna na hindi man lang kakikitaan ng takot sa mga taong nakapalibot sa kanya.
BINABASA MO ANG
D-EVIL EYE (1)[The Missing Shadow]
De TodoIn this World,Many people have thier own story and history in thier lives.but in a billion of people in this world...one..is un-explainable. A new world will be create. ..and that is the world of the DEVIL. It is build and Controlled by Mafia's,Gan...