The Days of December Part 1

283 2 0
                                    

Gabriel: Ang ganda ng mga bituin.. Minsan naiisip ko, ano kaya ang nakatadhana sa kanila? Saan kaya sila napupunta? oh di kaya.. san kaya sila bumabagsak? 

Reschika: Hindi ko rin alam, siguro ginawa sila para magsilbing ilaw at gabay para sa atin. Yun nga lang, masyado silang malayo para abutin. 

Gabriel: Teka, ako ba yang tinutukoy mo? Haha, alam mo ang swerte ko sayo. Kasi tanggap mo pagkatao ko, kung ano man ang nakaraan ko. Wag kang mag-alala, sa susunod na disyembre.. sigurado handa na ako magmahal ulit. 

Gabriel: Reschika, mahamog na. Ayaw mo pang umuwi? Wag ka dyan matulog. Uy, gumising ka na.. kung ayaw mong buhatin kita dyan. Haha, ang kulit mo talaga. Sige na nga, tatabihan na kita dito sa damuhan ha? Alam mo namang hindi kita kayang iwan eh.  Kahit saan pa yan, basta kasama kita. Goodnight Reschika.

----------------

December 2009

Hay nako, isang boring na araw na naman. 

"Goodmorning Gab! Have a nice day :)" - text from Reschika.

Haha, kailan kaya magsasawa tong babaeng to? Wala atang araw na hindi sya nag-text simula nung nagkakilala kami. Akala nya siguro gusto ko sya. Pero okay na din to, at least napapangiti agad ako pag gigising ako sa umaga. 

"Oy Gabriel Maniego Cruz, december na! Wala ka parin balak mag-gf? Haha anak ng kwek-kwek naman oh. Maghanap ka na para may partner ka sa outing natin. Nga pala, nasa school ako ngayon. Kita tayo mamaya sa canteen after lunch. Text back asap." - text from Joseph (Bestfriend ni Gab) 

 "Aww, december na pala. Ang bilis ng araw, parang kahapon november 30 pa lang ah. Sige brad ligo lang ako." 

Mom: Oh anak, mag-ingat ka ha? Yung mga gamot mo baka kinalimutan mo na naman.

Naks naman, kaya labs na labs kita mama eh. Wag kang mag-alala, hindi ko kinalimutan. Pasok na ko ma, pahinga ka naman po. Bye ma, loveyou! *kisses her forehead*

"The Days of December"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon