Joseph: Oh nandito na pala si Gab eh! Haha, tamang tama dating nya.
Carlo: Yun! Gab may sasabihin kami sayo, haha. Alam mo ba, kinuha ni Mrs. Ballesteros banda natin para sa upcoming program dito sa school. Ayos diba?
Nice, kumpleto na naman tayo diba? -Gab
Oo, pero sabi ni ma'am kailangan daw natin ng babaeng vocalist bukod sayo. May kilala ka ba?
Hmm, wala eh. Pero sige susubukan ko maghanap. Mahirap din kasi maghanap ng babaeng vocalist na babagay sa boses ko eh. (Sabay lingon sa paligid)
Sige salamat bro, nga pala yung tinext ko sayo kaninang umaga. Maghanap ka na ng gf mo, malulungkot ka na naman pag nag baguio tayo sa pasko, haha.
Oo nga! Nandyan naman si Reschika oh, tignan mo nga sya.. kanina pa titig ng titig sayo habang kumakain hahaha.
Kayo talaga, alam nyo namang ayoko na mag-gf eh. Mabubuhay ako ng wala nun, hangga't nabubuhay pa ko.. si mama lang babae sa buhay ko.
Sa bagay, dalawa na nga lang pala kayo ng mama mo. Talaga tong si Carlo AYAW NA NGA KASI NYA MAG-GIRLFRIEND ANG KULIT MO TALAGA.
Sino kayang nagtext sa kanya? Pinapasa mo na naman sakin kalokohan mo Joseph haha.
Ohsya sige na tama na. Papasok na ko, late na ko eh.
Sige brad!