Gabriel: Kumain ka na?
Reschika: Oo :) Ikaw?
Hindi pa eh, saglit lang ha? Iinitin ko lang yung adobo.
Sure.
*15minutes later*
Mom: Bakit hindi pa kayo naguumpisa? Alam ko kung saan maganda mag practice nak. :)
Saan ma?
Mom: Sa dalampasigan, dalin mo tong jacket para mamayang gabi pag nilamig kayo dun.
Reschika: Salamat po tita. :)
-----
Gabriel: Dito ko lagi tumatambay tuwing december 7.
Reschika: Ahhh, ang ganda dito. Mapayapa, walang istorbo.. walang maingay. Bakit tuwing sa araw na to?
Mahabang storya.
Pwede ko bang malaman? Teka.. hindi mo sinasabi sakin pilay pala mama mo? :( Anyare?
Naaksidente kasi kami.
Ha? Kailan pa? Magkwento ka naman oh.
Sige, pero wag mong ikkwento sa iba ha.
Promise. :)
December 7, 2004 yun. Birthday ni papa. May girlfriend ako nun, masayang masaya kami nung mga panahon na yon. Hanggang sa nagkayayaan na mag roadtrip. 5 kami nun sa kotse, si papa, mama, ate, ako.. pati si louisse, yung gf ko.
"Baby, salamat sa araw na to ha. Ang saya saya ko dahil nakasama kita pati family mo. Iloveyou!" - Yan ang kahuli-hulihang sinabi nya nung gabing yun.
May batang biglang tumawid, umiwas agad si papa para hindi masagasaan yung bata.
Nahulog kami sa bangin.
Sinugod agad lahat kami sa ospital, pero nung nagkamalay ako.. kami nalang ni mama ang buhay.
Naputulan si mama ng paa, pero salamat sa Dyos nakaligtas parin sya.
Si papa, ate at louisse..
Reschika: *Pinunasan luha ni gab*
Iniwan na nila ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2473431-288-k69818.jpg)