Part 5: Dinner

136 1 0
                                    

"Goodnight Gab. Salamat ulit sa ginawa mo kanina, kahit hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa yun. Sana makausap kita someday ng maayos. Marami kasi akong gustong itanong sayo eh, see you tomorrow. Sweetdreams! :)" - text from Reschika

Mom: Anak, may nagtext sayo

Saglit lang po ma, luto na tong favorite mong adobo eh. Sino po ba nagtext?

Mom: Reschika daw eh, ka-pbb teens mo nak?

Ay hayaan mo lang po ma, oh kain na po kayo. :) 

Mom: Anak, alam mo napagisip-isip ko lang.. bakit hindi ka kaya maghanap ng girlfriend?

Maaaaaaaaaa, alam mo naman po na ayoko na. Saka gusto ko po, ikaw lang babae sa buhay ko.

Mom: Matagal na panahon na rin naman ang nakalipas simula nung nangyari yung aksidente nak eh. Saka isa pa, gusto ko meron ka ring inspirasyon. Kasi napapansin ko lagi ka na lang nakasimangot.

Ok lang ako ma, ako pa. Pero alam mo ma, minsan nakakapagod din pala maging matatag no? Pero lagi kong iniisip, kailangan ko maging matatag para saating dalawa ma. Paano ka na kung wala ako? Sinong mag-aalaga sayo? 

Mom: Pasensya ka na nak ha, alam ko nahihirapan ka na rin mag-alaga sakin minsan. Malas naman kasi eh, bakit pa nangyari satin to.

Tama na ma, ligpitin ko na to ha. Tulog ka na po, iloveyou ma.

Mom: Mahal na mahal ka ng mama, anak.

"The Days of December"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon