Part 8: Sunset

113 1 0
                                    

Reschika: Tama na nga yang drama mo! Pati ako naiiyak na eh..

Gabriel: Pasensya ka na ha, matagal ko na kasi tong tinatago eh. Kinikimkim ko lang, alam mo.. simula nung nangyari yun. Gusto ko puro magagandang bagay na ginagawa ko lalo na sa ibang tao. Gusto kong makatulong, gusto kong ma-inspire sila. Alam ko naman kasi na temporary lang din naman ako sa mundong to, may sakit kasi ako.. alam ko hindi na ko magtatagal. May stage 4 cancer ako, sabi ng doktor.. 4years nalang daw itatagal ko. 

Reschika: *Umiiyak* Alam mo, wag ka na mag-alala.. nandito na ako. Ako.. hindi kita iiwan. 

Gabriel: Sinabi rin nila sakin yan.

Reschika: Simula nung una pa lang kitang nakita, alam ko hindi ka katulad sa kanila. Wag kang mag-alala, hayaan mo lang akong alagaan ka. Pangako ko sayo hindi ka na mag-iisa. Promise ko yan. Hinding hindi na kita hahayaang malungkot ulit. Simula ngayon, lagi ka nang ngingiti. Hanggang sa kahuli-hulihan ng 4 years na yon.

Gabriel: Sarado na puso ko. Ayoko ng magmahal.

Reschika: *Pinunasan ang luha sabay ngiti* Ok lang, hindi naman ako humihingi ng kapalit eh. Gagawin ko to kasi gusto ko, wag kang mag-alala.. Hindi naman kita pipilitin na mahalin mo rin ako. Basta, simula ngayon.. birthday mo araw-araw. at ako ang clown mo. :) 

Gabriel: Hindi na tuloy tayo nakapag practice.

Reschika: Ang ganda ng sunset no? Tapos yung agos ng dagat, mga huni ng ibon.. hindi na ko magtataka kung bakit gustong gusto mo dito sa dalampasigan. :) Oh teka, nilalamig ka na pala.. eto jacket oh.. *sinuot kay gab*

Gabriel: Salamat ah.

Reschika: Sabi ko naman sayo eh. :)

"The Days of December"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon