Mom: Kailangan ba talaga kasama ako nak?
Gabriel: Syempre naman ma, walang mag-aalaga sayo dito. Saka isa pa, maganda sa baguio. Mag e-enjoy ka dun. :)
Mom: Eh ikaw? Mag e-enjoy ka kaya dun?
Reschika: Ako na pong bahala dun tita. :) *Sabay kindat kay Gab*
Mom: Hahaha, oo nga pala. May clown nga pala si Gabby ko.
Gabriel: Maaaa? -.-
-------------------------------------
*Kinabukasan*
Reschika: Good morning Gab! :)
Gabriel: WAAAA!? Anong ginagawa mo dito sa kama ko!? :O
Reschika: Hahaha, nakatulog ka kasi bigla kagabi habang naghahanda tayo ng mga gamit nyo para mamaya. Eh diba hindi nga makalakad si tita, binuhat kita dito. =)))
Gabriel: Ha!? Kaya mo ko!? AT TEKA?? Bakit iba na damit ko!?
Reschika: Pinalitan kita ng pantulog mo. Sobrang fit kasi nung pants mo kagabi, alam kong di ka makakatulog ng maayos pag di ka nagpalit, so yun. :) Wag kang mag-alala! Patay naman yung ilaw wala akong nakita. XD
Gabriel: Sigurado ka ha?
Reschika: Oo naman! 10am na mamayang 3pm alis natin, pagluluto ko kayo ni tita ng breakfast. :) Ano gusto mo?
Gabriel: Kahit ano basta walang lason ha. =)) Haha jk.
![](https://img.wattpad.com/cover/2473431-288-k69818.jpg)