Mrs. Ballesteros: Reschika, ano bang nangyayari dito? Bakit bigla nalang nagsuntukan yang dalawang kumag na yan?
Reschika: Eh ma'am, kasi po pinipilit po ako ni David na sumama sa kanya mamayang gabi sa kanila. Ayoko po kasing sumama, ma'am. :(
David: Ma'am! Wag po kayong maniwala dyan! Bakit ko naman iimbitahin yang babaeng yan?
Gabriel: Ma'am, pasensya na po sa nangyari. Pangako ko po hindi na mauulit, ako po talaga ang nagsimula.
David: Opo ma'am! Bigla nalang nya ko sinuntok eh! Ewan ko ba dyan sa lokong yan!
Mrs. Ballesteros: Okay David you may go back to your class. Gabriel sumama ka sakin sa Principal's Office.
Yes ma'am.
*20minutes later"
Reschika: Gabriel! Anong sabi sayo ni Mrs. Ballesteros? At bakit ka nagsinungaling? Bakit mo ginawa yun?
Gabriel: Hindi sya naniwala.
Reschika: Panong hindi naniwala?
Gabriel: Sabi nya, alam nya daw na nagsinungaling ako. Kilala nya raw ako, hindi ko raw kayang gawin yun. Nagtanong lang sya kung bakit daw ako nagsinungaling para takpan yung manliligaw mo.
Reschika: Aba buti naman no! Ang bait bait mo eh! Oh tapos, anong sabi mo? :)
Gabriel: Wala lang.
Reschika: Ha? Bakit wala lang?
Gabriel: Ayoko lang talaga na may napapahamak ng dahil sakin. Ohsya sige, uwi na ko.
---
"Minsan naiisip ko, bakit kaya ganun kabait si Gabriel? Tapos wala pa syang girlfriend. Balita ko dalawa na lang sila nung mama nya magkasama. Hays, sana makausap ko sya ng maayos next time. Gusto ko talaga syang makilala ng lubusan." -Reschika
![](https://img.wattpad.com/cover/2473431-288-k69818.jpg)