Chapter 14

5 0 0
                                        

Chloe Pov's

"Let's go." Lanze said to me with a poker face

"Tara, tas ano Lanze kain na rin tayo tas bili tayo ng pagkain para may baunin tayo mamaya habang namamasyal tayo." sabi ko kay Lanze na nagpapacute

"Okay." sagot ni Lanze sa akin

Ang ikli ikli niya talaga magsalita pag ako ang kausap niya, swerte talaga ni Ana sa kanya, pero nakaka bwct rin siya kase panira siya ng pag-iibigan namin ni Lanze.

"Ms. can you please lead the way to us  to undergarmets section." sabi ni Lanze doon sa saleslady

"Okay sir just follow me." sabi naman nung saleslady na nagpapacute kay Lanze, akala mo naman kung maganda

Pagkadating namin sa section ng mga underwear andoon pa din yung saleslady, di na namin siya kailangan pero andito pa rin, nagpapacute lang ito kay Lanze eh nakooo, style mo bulok ateng saleslady.

"What is your cup size Chloe." tanong ni Lanze sa akin

"36-A color black kunin mo." sabi ko kay Lanze

Kase naman itong si ateng saleslady di kami tinatantanan ni Lanze kaya sinusundan ko siya.

"Ma'am may tanong po ako sa inyo."
sabi ni ateng saleslady sa akin

"Ano naman iyon." sagot ko sa kanya sabay irap

"Eh ma'am kaano-ano niyo po si sir?" tanong ni ateng saleslady sa akin

May balak pa atang ligawan ni ateng saleslady si Lanze, kota na ako kay Ana na kaagaw ko kay Lanze, dadagdag na naman ito bwct.

"Asawa ko siya, bakit?" sabi at tanong ko kay ateng saleslady

"Wala naman akala ko kase single pa si sir." sagot sa akin ni ateng saleslady

"Asawa niya na ako tsaka alis ka nga dito di ka na namin kailangan." sabi ko kay ateng saleslady ng nakakainis

Umalis naman kaagad yung saleslady sa harap ko.

"Chloe try it in the fitting room." sabi ni Lanze sa akin

"Huwag na, okay na yan tsaka bilisan natin tumatakbo ang oras." sabi ko kay Lanze

"Okay if that's what you want." sabi ni Lanze sa akin

"Lanze, hmmm i remember wala akong dalang cash or atm na pangbayad sa mga yan." sabi ko kay Lanze

Shit nakakahiya wala akong pambayad, kinuha kuha pa kase ni Roxanne yung bag ko bwct.

Di nakinig sa akin si Lanze tsaka dirediretso lang si Lanze ng lakad habang papunta sa counter.

"It's on me Chloe you don't have to pay for it." sabi ni Lanze sa kin

"Okay, thank you." sagot ko kay Lanze

Alangan naman na umangal pa ako eh sa wala talaga akong pambayad.

"Chloe, go to the cr and wear this i wait here for you." sabi ni Lanze tsaka inabot yung paperbag sa akin

Pagkapasok ko ng cr tinignan ko yung mga bra na binili ni Lanze, taena bakit ang daming binili ni Lanze eh hanggang hapon lang kami dito sa tagaytay, tapos bumili pa siya ng mga underwear ko putek. May balak pa atang mag stay ng matagal dito si Lanze, pabebe pa siya baka gusto niya lang ako makasama ng matagal HAHAHA.

Pero malabo may fiance na siya, at si Ana yung bwct.

Makapag bra na nga, basta mag eenjoy lang muna kame ni Lanze ngayon ng walang panirang fiance.
Pagkalabas ko ng cr nakita ko kaagad doon sa labas, pinagtititigan na siya ng mga babae dito sa cr pero wala pa rin siyang pakialam.

BWAHAHAH loyal kase si Lanze sa akin sabi ko sa sarili ko HAHAHA.

Kunware mag-jowa muna kame ni Lanze ngayon HAHAHA tsaka di naman siguro malalaman ito ni Ana.
Pakialam ko doon kahit malaman pa niya.

"What took you so long Chloe, your wasting our time." sabi ni Lanze sa akin

"Tapos na nga eh tsaka tara na punta tayo skyranch excited na ako sumakay  ng mga rides doon." sabi ko kay Lanze na parang batang tuwang tuwa kase makakasakay na ako ng mga rides sa skyranch

Pagkalabas namin ng mall nagutom ako bigla kaya sinabi ko kay Lanze na kain muna kame sa malapit na karinderya.

"Chloe is the food here is safe." tanong sa akin ni Lanze

Kanina pa siya tanong ng tanong kung malinis raw ba yung mga pagkain, arte talaga nito, sabagay laking mayaman eh kaya di niya alam na may gantong kainan. Pero ako paborito ko itong mga karinderya lagi kase kame nila Roxanne at Angela kumakain sa kainan sa kalsada malapit sa condo, tsaka suki na kame doon kaya unli sabaw kame lagi doon hahahha.

"Manang pa order nga ako nga tatlong kanin, pancit, igado tapos adobo." sabi ko kay manang

"Yun lang ba ineng?" tanong sa akin ni manang

"Lanze ano sayo?" tanong ko kay Lanze

"Di ba umorder ka na?" sabi ni Lanze sa akin

"Akin lang yun Lanze tsaka mauubos ko yun, order ka na lang." sabi ko kay Lanze habang nakangiti

Gutom na gutom na kase ako kaya dinamihan ko na yung order tsaka si Lanze naman ang magbabayad kaya susulitin ko na.

"Manang isang kanin po tas adobo." sabi ni Lanze kay manang

"Sige mga anak seserve ko na lang, upo na kayo." sabi ni manang sa amin

Pagka-upo namin ni Lanze wala pa rin nagsasalita sa amin, di pa rin niya talaga ako kakausapin hanggang dito.

Na serve na yung pagkain namin pero wala pa rin nagsasalita sa aming dalawa.

"Lord thank you for this morning and Lord bless all the food that were going to eat this lunch."

"Amen." sabay na sabi namin ni Lanze

Nagulat ako kase sinbayan niya pala akong magdasal. Pero okay na rin yun atleast magkasama kame kumain ngayon. Makasama ko lang siya ngayon masaya na ako.




______________________________________
Author's note: Hi mga bb's kung may typo man mag comment lang kayo para ma edit ko hehehe iloveyouall bb's.
   -lexxx







Chasing That BoyWhere stories live. Discover now