Andito ako ngayon sa bahay nila Lanze, sinama ako ni Lanze doon manonood daw sila ng movie ni Mia, mag iinsist sana ako kaso pinilit niya ako kaya andito ako ngayon at pilit nakikisama sa kanila.
"Chloe anong gusto mong panoorin?" tanong ni Mia sa akin
"Kahit ano na lang, kayo bahala." sagot ko kay Mia
"Okay." sagot ni Mia sa akin sabay ngiti
Andito kame sa guest room nila Lanze, ang akward shit di ako makagalaw ng maayos dito tsaka parang ako lang yung panira dito sa movie date nila.
"Lanze andito na yung meryenda niyo." sabi ng mama ni Lanze sabay pasok sa room
"Thanks ma." sabi ni Lanze sa mama niya
"Mia please feel at home iha, and don't starve yourself while watching the movie Lanze and Mia." sabi ng mommy ni Lanze
Parang hangin lang ako dito, di nila ako napapansin tsaka alam ko naman na hindi ako gusto ni tita lana mommy ni Lanze, kase magkalaban ang mga kompanya namin.
"Mom andito rin si Chloe, sinama ko siya dito sa bahay para manood kami ng movie." sabi ni Lanze kay tita lana
"Hmm hi po tita, glad to see you again hehehe." sabi ko kay Lanze
"Hi." sabi niya sa akin sabay talikod
Kung di lang talaga mommy ni Lanze ito di ko ito kakausapin eh, hirap talaga mag pa good shot sa mga magulang ni Lanze.
"I wait for you to eat our dinner downstairs." sabi ni tita lana tsaka labas ng guest room.
Parang gusto ko na lang umuwi, di ko feel kasama si Mia tsaka ang sweet sweet pa nilang dalawa kulang na lang langgamin sila. Uuwi na talaga ako di ko ma carry mag tagal pa dito, bahala sila sa buhay nila.
"Lanze Mia uwi na ako hinahanap na ako ni mommy." sabi ko sa kanila
Nirason ko lang na hinahanap ako ni my para maka-uwi na ako.
"What's wrong Chloe, are you bored?" tanong ni Lanze sa akin
"Hindi naman kaso lang hinahanap na talaga ako ni my." sagot ko kay Lanze
"Wait i call tita mayi." sabi ni Lanze sa akin
Shit naman tatawagan niya pa si my.
"Huwag na Lanze tsaka gagawa pa ako ng assignment kaya uuwi na ako kayo na lang ang manood ng movie, nextime na lang ako manonood kasama niyo hehhe." sabi ko sa kanila
"Okay, hatid na lang kita sa labas para maihatid ka ni mang ben." sabi ni Lanze sa akin
"Huwag na Lanze tsaka walang kasama si Mia dito." sabi ko ulit sa kanya
"Okay lang ako dito tsaka hatid mo na siya Lanze sa hintayin kita dito." sabi ni Mia
"Huwag na talaga Lanze dito na lang kayo tsaka magpapasundo na lang ako." pilit na sabi ko sa kanila
"Okay, just text me if nakauwi ka na." sabi ni Lanze sa akin
"Sige, bye nextime na lang, enjoy kayo." sabi ko sa kanila sabay labas ng pinto
Pagkababa ko ng hagdan nakita ko yung mommy ni Lanze, magpapaalam na rin ako sa kanya baka sabihin niyang wala akong respeto.
"Hmm tita lana uwi na po ako." sabi ko sa mommy ni Lanze
"Buti naman at uuwi ka na, matatanggalan na rin ng peste dito sa bahay." sagot ni tita lana sa akin
"Una na po ako tita lana, salamat po." sabi ko na lang ka tita lana
"Chloe nextime huwag ka ng pumunta dito sa bahay, tsaka kung gusto mo si Lanze hindi kita gusto para sa kanya, knowing you na spoiled brat, sarili mo lang iniisip mo, and never rin kitang magugustuham sa anak ko." sabi ni tita lana sa akin tas umalis sa harapan ko
Kusa na lang tumulo yung mga luha ko ng sinabi niya iyon, alam ko naman na hindi niya ako gusto para sa anak niya, pero sana huwang niya naman ipamukha sa akin iyon, ang sakit kase sa puso eh.
Tumakbo na ako palabas ng bahay nila Lanze habang umiiyak pa rin. Tumigil lang ako sa katatakbo ng napagod na ako. Napaupo na lang ako sa tabi ng kalsada sabay hagulhol ko.
"Ang hirap talaga mahalin ni Lanze and daming hadlang tangina." sigaw na sabi ko sa kalawakan
Habang umiiyak ako umulan ng malakas.
Iba rin talaga oh, nakikisabay pa talaga itong kalangitan sa nararamdaman ko. Naglalakad na lang ako habang umuulan, basa na rin naman ako kaya maglalakad na lang ako.
Pagkalabas ko ng village nila Lanze pumara na ako ng taxi para mak-uwi na. Malayo yung sa amin dito kaya kailangan kong mag taxi.
"Saan po tayo ma'am?" tanong sa akin ni manong
"Sa Villegas vilage po tayo manong." sagot ko kay manong
Tumango lang si manong sabay paandar ng sasakyan.
Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay nagbayad na agad ako kay manong sabay baba sa sasakyan.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay nagtaka agad si nanay kung bakit basang basa ako.
"Anak bakit naman basang basa ka umuwi, dapat man lang nagpasundo ka para hindi ka naabutan ng ulan." sermon sa akin ni nanay
"Okay lang ako nay tsaka pwede po ba sopas na lang po ang lutuin niyo sa akin, pakilagay na lang po sa kwarto ko nay salamat." sabi ko kay nanay belinda
"O siya sige lulutuan na kita, maligo ka na rin at magbihis para di ka lagnatin bukas." sabi ni nanay sa akin
Tumango lang ako sabay akyat na papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko naligo na agad ako para makapag pahinga na ako.
"Chloe eto na yung sopas kumain ka na." sabi sa akin ni nanay
"Opo nay mamaya na po lagay niyo na lang diyan." sagot ko kay nanay
Naalala ko nga pala wala pa si my.
"Nay wala pa po ba si mommy?" tanong ko kay nanay
"Di muna siya makakauwi ngayon anak may kailangan daw siyang asikasuhin." sagot ni nanay sa akin
"Sige po nay pahinga na rin po kayo." sabi ko kay nanay
"O siya sige baba na ako, basta kumain ka bago ka matulog." sabi ni nanay sa akin
Tumango lang ako sa kanya, sabay labas niya ng kwarto ko. At di ko namalayan na nakatulog na ako ng hindi pa kumakain.

YOU ARE READING
Chasing That Boy
أدب المراهقينHi everyone my name is Chloe Rivera, and yes mayaman kame kaya nga nasa akin na lahat ng gusto ko, pero may isa akong hiling na hindi matupad tupad at iyon ay mahalin ako ng taong mahal ko. Okay naman noon nung mga bata pa kame, kaso nga lang sa isa...