W'sO CHAPTER II

52 9 0
                                    


PAST 1
(SATURDAY 8:00am)
10/25/14

OLIVIA'S  P.O.V

Nasa bahay na kaya sina Mommy? Pagkatapos kasi nong birthday nya nong 8 parang di na laging umuuwi sina Mommy sa bahay dalawang linggo ng ako at ang katiwala lang ng bahay ang nandito .Ayoko rin naman umuwi sa bahay hindi ko alam kung bakit pero baka kasi nagseselos lang ako kay Mommy at Tito Tyrone kapag magkasama sila. Ang totoo kasi nyan may relasyon din kami ni Tito Tyrone at may relasyon din sila ng Mommy ko ngayon .Mas nauna ko syang makilala kesa kay Mommy , nong hindi pa sila magkakilala ni Mommy madali lang para sa amin ang magkita kasi madali lang naman gumawa ng excuse kapag pumapasok diba? Lagi akong tumatakas sa klase para lang magkita kami pero ngayon mukhang mahirap na kasi lagi na silang magkasama ni Mommy. Nawawalan na kami ng time para sa isat isa pero nong nakaraang dalawang linggo lang nagdate kaming dalawa  at pumayag si Mommy ang sinabi ni Tyrone na excuse eh para daw maging close kami ng mga magiging anak nya. ang totoo naiinis ako sa excuse na sinabi nya kay Mommy pero sa tingin ko okey na rin yon atleast nagkasama kami.Maraming nagsasabing hindi daw kami bagay pero anong pakialam ko sa kanila hindi naman sila ang nagmamahal kay Tyrone eh kundi ako naman so who cares? Teka kamusta na nga pala ang baby Sister ko na si Carla baka inaaway na naman yon ng anak ni Tyrone na si Oliver. Inis ako sa taong yon alam nya na may relasyon kami ng Papa nya pero inaahas nya ako sa Papa nya o diba ang gulo ng love story naming pamilya.

Boyfriend ko si Tyrone na boyfriend din ng Mommy ko ,ang anak ni Tyrone na si Oliver inaahas ako kay Tyrone at ang Mommy ko naman inaahas saken si Tyrone ang gulo diba?

Si Oliver kasing edad ko lang din sya pero mas gusto ko talaga ang Papa nya,Hay naku namimiss ko na sila.Naglakad lakad muna ako pero malapit lang din dito sa paligid ng bodega ang nilalakaran ko hanggang sa makita ko si Manong Carding ang nagbabantay sa bahay namin.Tinanong ko sya kung nasan sina Mommy baka sakali kasing alam nya kung san sila nagpunta pero hindi sya nagsalita tiningnan lang nya ako at tsaka nagpatuloy sa ginagawa nya pinabayaan ko na lang sya kasi may pagka suplado naman talaga yang si Manong Carding eh.Kaya napagpasyahan kong bumalik na lang muna sa harapan ng bodega at magpahangin.

SAMEDAY
SATURDAY 8:00AM

MONA'S P.O.V

"Mommy tulungan nyo po ako,Mommy tulong please" 
naririnig ko ang boses ng anak ko nagmamakaawa sya sa akin

"anak nasan ka?"
tanong ko sa kanya habang hinahanap kung san nang gagaling ang boses nya

"Mommy tulong"
ang anak ko humihingi ng tulong sa akin hinanap ko kung san  nangagaling ang boses nya hanggang sa makita ko sya sa gitna ng dilim nakaupo sya at umiiyak nilingon nya ako at bakas sa mukha nya ang takot "Mommy tulungan mo ako" saad pa nya at inabot nya sa akin ang kamay nya hinawakan ko ito pero unti unting dumudulas ang mga daliri nya sa palad ko, tila parang may humihila sa kanya sa akin papalayo "Mommy wag mo kong ibibigay ayaw kong sumama sa kanya Mommy,Mommy" yan ang huling salitang nabanggit nya at tuluyan ko na syang nabitawan. Unti unti syang nawawala sa aking paningin at unti unti din syang nilalamon ng dilim wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lang at bigkasin ang pangalan nya habang sya'y unti unting naglalaho.

Tuloy lang ako sa pag iyak at pag sigaw sa pangalan nya ,Anak patawad nabitawan ka ni Mommy pero pangako anak hahanapin kita iyak parin ako ng iyak hanggang sa muli kong narinig ang boses nyang tinatawag akong Mommy tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at nakita ko sya, ang aking anak.Maaliwalas na ang mukha nya napakaganda nya talaga lalo na pag sya'y ngumingiti. Nilapitan ko sya hinawakan ko ang malambot nyang buhok pati narin ang maliit at makinis nyang mukha pinunasan nya ang luha sa aking mga Mata unti unti nyang nilapit ang kanyang labi sa aking tenga at sinabing "Patawad Mommy, Mahal na mahal kita" at tuluyan na syang nawala. Hindi na ako makahinga pakiramdam ko naninikip na ang dibdib ko,hinihingal na rin ako at pinagpapawisan.

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon