W'sO CHAPTER Vl

44 8 0
                                    


12/27/14
SATURDAY

SPO3 HERNANDEZ P.O.V

Dalawang linggo namin hinanap yong mga taong sabi ng anak ni Mang Carding ay nakita nya nong december 13 sa bahay nina Olivia. Nandito parin kami sa lugar namin kasalukuyan paring naghahanap nang bigla akong tawagan ng mga pulis sa Baryo Caparo may nakita daw silang bangkay ng isang dalagitang babae sa ilalim ng poso negro.Agad kong tinawagan sina Mrs.Dimalamgsala para ipaalam sa kanila ang balita.

Pagdating namin sa Baryo Caparo nangangamoy agad yong bangkay nong babaeng nakuha nila sa ilalim ng poso negro. Nilapitan namin ito at laking gulat ko ng makita ko ang babae




bakit ganun?


wala itong~






wala itong MUKHA.

Magkahalong takot at awa ang naramdaman ko, Sino naman kayang gagawa nito sa kanya? Napaka brutal ng pagkakapatay sa kanya tila parang tinanggalan sya ng balat sa mukha.Kitang kita ang mga laman sa kanyang mukha nilalangaw at inuuod na ito ,nakakadiri ito. Kalahating oras pa ang lumipas may nakita na naman silang bangkay ng isang dalagitang babae at katulad nong naunang bangkay wala rin itong mukha. Lumapit ang isang pulis sa akin na taga rito sa Baryo Caparo sinabi nya sa aking hindi lang si Olivia ang nawawalang dalagitang babae dito, bago pa raw si Olivia mawala meron na daw dalawang nawala at 17 years old daw pareho ito kasing edad din sila ni Olivia. Ibig sabihin tatlo silang dalagitang nawawala dito sa Baryo Caparo. Nahanap na ang dalawa , baka isa sa mga bangkay na ito ay si Olivia pero wag naman sana. Mukhang bukod sa paghahanap kay Olivia ay meron pa akong dapat alamin at yon ay kung bakit puro 17 years old na dalagitang babae ang binibiktima nito at kung sino ang may kagagawan nito? Parehas ang pagkakapatay don sa dalawang babae ibig sabihin iisang tao lang ang may gawa nito sa kanila.

Pina DNA test ang dalawang bangkay at don nalaman na ang bangkay ay sina Rona Belle Majestra at Roxy Monte Silva nakahinga ako ng malalim pati na rin ang pamilya at kaibigan ni Olivia dahil may pag asang buhay pa si Olivia at maaaring mahanap pa namin sya pero sa ngayon kailangan na muna namin bumalik sa lugar namin para hanapin yong Clance at Wyne pati na rin  yong tatlo nilang kasamang babae.

Sumama na rin sa amin sina Mrs.Dimalangsala pauwi tutulong na rin daw sila sa paghahanap para mas mapadali ang paghahanap at dahil nga malayo itong Baryo Caparo don sa lugar namin inabot na naman kami ng gabi at dadaan na naman kami don sa lugar kung saan ako minulto takot man ako dumaan nilakasan ko na lang ang loob ko. Lumunok muna ako ng laway bago ko diniretso ang pagmamaneho  , wala namang nangyari kaya napahinga ako ng maluwag hindi pa kami nakakalampas don sa lugar kung saan ako pinaglaruan ng multo.Tahimik lang ang lahat kaya medyo kumalma ako pero nabasag ang katahimikan ng magsalita si Carlos ang anak ni Mang Carding

"Sir, Bukod po kay Jacam sino pa pong kasama nating babae?" tanong nito sa akin lumingon ako sa kanya at sinabing sina Mrs.Dimalangsala at Carla yong kapatid ni Olivia na baby" Kahit nasa kabilang kotse sila , sila ang sinabi ko na kasama pa naming babae para hindi ako matakot pero talagang makulit si Carlos at nagsalita na naman.

"eh diba po nasa kabilang kotse sila?" tugon pa nya sa akin tumango ako sa kanya at nagsalita syang muli "eh sino po itong babaeng nakakalung sa kandungan ni Jacam?" sabay turo nya kay Jacam na nasa katabi lang nya . Kinabahan at natakot ako sa sinabing yon ni Carlos kaya nilingon ko si Jacam wala akong nakitang babae na nakakalung dito , tinanong ko si Jacam kung ok lang ito dahil baka natakot sya sa sinabi ni Carlos tumango naman ito. Namumutla at pinagpapawisan na sya dahil sa kaba. Tiningnan ko si Carlos nakatingin din sya sa akin at hindi kumukurap sinabi ko sa kanya na wala namang babaeng nakakalung kay Jacam tapos ningitian ko sya, at mas lalo akong kinabahan at natakot sa sinabi nya sa akin.

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon