W'sO CHAPTER VII

28 7 0
                                    


Kung ganun tinulungan kami ng spirito nina Rona at Roxy para makatakas sa multong yon,ibig sabihin yong multong malakas ang pwersa ay pinipigilan kami sa aming mission na mahanap si Olivia.Hindi ko man alam ang nangyari nagpapasalamat na din ako kay Rona at Roxy sa pagligtas nila sa amin.

12/28/14
SUNDAY 9AM

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin yong mga taong pumunta sa bahay nina Olivia noon.Mabuti na lang nakaisip si Kent ng paraan para mahanap namin sila , kinuhaan ni Kent ng litrato ang ouija board na dala dala namin at pinost nya ito sa social media para kung may nakakaalam man kung sino ang may ari ay agad sa amin maipagbigay alam. Ilang oras pa lamang ang nakakalipas may nagmessage na isang lalaki sinabi nitong alam nya kung sino ang nagmamay ari ng nasa litrato  napag usapan naming magkita at nalaman din namin na taga rito lang din sya sa lugar namin.

Naghihintay na kami sa lugar na napagusapan namin palinga linga kami kaliwa at kanan dahil baka hindi namin makita yong taong kausap namin. Ilang sandali lang may lumapit sa aming babae at sinabing sya daw yong kausap namin nagtaka ako kung bakit babae ang nakipag kita sa amin eh lalaki naman ang kausap namin. Nagpakilala sya sa amin sya daw si Sarah at sinabi nya sa amin na alam nya kung nasaan ang mga nag mamay ari nong ouija.

Sumakay na kami sa kotse at tinuro nya sa amin ang bahay kung nasan daw yong may ari nong ouija, napansin kong parang daan lang din to papunta sa bahay nina Mrs.Dimalangsala pero dalawang bahay lang ang lumipas at timigil na kami. Ito na kaya yon?Dito na kaya yon?Nandito kaya sila?

Agad bumaba yong babae kaya bumaba na rin kami at pinapasok nya kami sa bahay pinaghintay nya kami saglit at sinabi nyang may kakausapin lamang sya at pumasok sya sa isang kwarto ,paglabas nya sa kwarto apat na sila dalawa silang babae at dalawang lalaki. Umupo sila sa tapat ng kinauupuan namin tinanong ni Sarah kung sino daw yong matandamg katabi ni Carlos sabi ko sa kanya si Mang Carding yon parang naawa naman sya sa kalagayan ni Mang Carding dahil nagsasalita parin ito mag isa ng pabulong at iniikot ang kanyang paningin sa buong paligid.
Tumayo ito at hinawakan ang kamay ni Mang Carding at biglang nag iba si Mang Carding tiningnan nya ng masama si Sarah , hinawakan nya sa magkabilang balikat si Sarah at inuga uga habang tinatanong kung anong ginawa nila.Paulit ulit nya yong tinatanong kay Sarah hindi namin alam kung anong ibig nyang sabihin inalis ni Sarah ang kmay ni Mang Carding sa balikat nya at patakbo umupo sa tabi nong isang lalaki. Takot na takot ito dahil sa ginawa ni Mang Carding at muling nagsalita si Mang Carding.

"hindi nyo dapat yon ginawa,Hindi nyo dapat kinausap ang mga sumakabilang buhay na.Binulabog nyo sila hindi nyo alam kung anong ginawa nyo" seryosong saad ni Mang Carding na talagang ikinagulat namin.
Tiningnan ni Mang Carding isa isa yong apat at itinuro yong isang lalaki.

"ikaw anong pangalan mo?" tanong nito don sa isa saglit nitong tiningnan si Mang Carding at inalis din agad ang kanyang paningin dito "Wyne po" sagot nito ng hindi tumitingin sa amin.

"nakikita mo rin sya diba?" tanong dito ni Mang Carding hindi makatingin si Wyne sa amin at tumango na lang ito sa amin. Parang biglang naging matino si Mang Carding inutusan nito si Wyne na tumingin sa kanya ngunit hindi ito magawa ni Wyne

"tingnan mo ako" sigaw ni Mang Carding kay Wyne umiyak si Wyne dahil hindi na nya alam kung anong gagawin nya "bakit hindi ka saken makatingin, tingnan mo ako" pag uulit pa ni Mang Carding "ayoko,ayokong tumingin sa kahit sino sa inyo" sagot ni Wyne sa amin habang nakatungo "bakit Wyne?" tanong ko dito dahil gulong gulo na din ako sa mga nangyayari "dahil, dahil wala kong makitang mukha,wala akong makitang mukha.Kahit sarili ko wala din akong makitang mukha sa sarili ko" umiiyak na saad nito sa amin at dahil don parang tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa kilabot.

"wag kang matakot nandito ako para tumulong,kaya dapat makipag tulungan ka din.Kailangan mo kaming tingnan isa isa para mahadlangan natin ang dapat mangyari at mailigtas natin ang mga taong dapat iligtas.Wyne ikaw lang ang nakakakita ng ganyan ikaw lang ang nakakaalam kung sino ang mawawala at kung sino ang hindi , pakiusap tingnan mo kami isa isa para mapigilan natin sya" seryosong saad ni Mang Carding unti unti si Wyne lumingon sa amin at tiningnan si Mang Carding at inalis din agad ang kanyang tingin "walang mukha ang matanda pero may mukha ang llaking katabi nya" saad nya at lumingon sya muli sa amin at tumingin kay Jacam  "walang mukha ang babae pero may mukha ang lalaki" kinakabahan ako sa twing titingnan nya kami isa isa paano kung wala akong mukha sa paningin nya? Tumingin sya muli sa akin at kay Pareng David. "may mukha ang pulis na nasa kanan pero walang mukha ang nasa kaliwa"saad nito sa amin.

"ngayon tingnan mo naman ang mga kasama mo" utos ni Mang Carding dito huminga muna sya ng malalim bago nya tingnan si Sarah at umiyak sya ng sobra "wala ,walang mukha si Sarah" saad nya nagulat naman si Sarah sa sinabi nya at mukhang takot na takot sunod syang tumingin don sa isa pang babae "wala ,wala ka ring mukha Naxcy" at hinilamos nya ang kamay nya sa kanyang mukha tapos pinunas nya ang kanyang mga luha bago sya tumingin don sa lalaking kasama nya "may mukha si Clance" maikling saad nya.

"ngayon tingnan mo naman sa salamin ang sarili mo" saad ni Mang Carding agad na tumanggi si Wyne dito "hindi , ayoko,hindi ko kaya" nag iiyak na saad nya "kailangan Wyne kung gusto mong mailigtas ka rin namin kailangan maming malaman kung anong nakikita mo sayo baka nagbago na yon ngayon" pag kombinsi ni Mang Carding dito kumuha si Sarah ng maliit na salamin at itinapat ito kay Wyne. Huminga muna si Wyne ng malalim pagkatapos ay tumingin sa salamin tinitigan nya ang sarili nya sa salamin at humagulhol ng iyak.

"wala, wala parin akong mukha. Hindi ko parin makita ang mukha ko.Tulungan nyo ko ayoko pang mamatay ,ayokong mamatay" hindi mapakaling saad ni Wyne. Kung ganun si Carlos,Kent,Ako,at Clance lang ang mabubuhay at sina Mang Carding,Jacam,Pareng David,Sarah,Naxcy,At Wyne ang mamamatay? Bakit ganun hindi ko akalaing may mga buhay ang mawawala ng dahil lang sa paghahanap kay Olivia.

"diba lima kayo? Nasaan pa yong isa?" tanong ni Mang Carding "lumipat na po sila ng Amerika don na daw po sila maninirahan" sagot ni Sarah.

"may paraan ba para makausap natin sya?" tanong ni Mang Carding "may binigay po sa akin ang katiwala nilang numero baka po makausap natin ni Jhona kapag tinawagan natin yon" agad na tinawagan ni Sarah ang numerong binigay sa kanya at may sumagot na isang babae.

"hello sino to?" tanong nong babae sa kabilang linya"Jhona si Sarah to" pagkatapos yon sabihin ni Sarah iba na ang sinabi ni Jhona sa kabilang linya "Sarah ano ba? Tigilan nyo na ako kaya nga nag ibang bansa na ako para hindi na ako madamay sa inyo" naiinis na saad nito at dahil don inagaw ni Mang Carding ang telepono kay Sarah "hindi mo sya matatakasan,akala mo ba sa pagpunta mo jan ay ligtas ka na.Nagkakamali ka kasama ka sa mga bumulabog sa kanya kaya hindi ka din nya titigilan kahit saan ka magpunta" sagot dito ni Mang Carding "hindi totoo yan ligtas ako dito bahala na kayo" saad nong babae sa kabilang linya at ibinaba na ang tawag.

"akala siguro nya ay ligtas sya dahil nandon sya,nagkakamali sya masamang spirito ang kalaban natin dito kaya susundan sya nito kahit saan sya magpunta. Bakit ba kasi ginawa nyo yon? Hindi iyon basta basta nilalaro ,hindi nyo tinapos ang pakikipag usap sa kaluluwa at higit sa lahat pinakawalan nyo sya kaya sinundan nya kayo at nadamay ang ibang tao.Hindi nyo alam kung anong ginawa nyo" galit na saad ni Mang Carding

"pasensya na po akala po kasi namin hindi totoo ang mga ganun at kwento kwento lang kaya naisipan naming gawin" paliwanag ni Naxcy kay Mang Carding

"di bale na , kailangan natin pumunta sa lugar kung saan nyo ginawa ang spirit of the glass at tapusin ito kailangan natin itong ulitin para maisara ang koneksyon na inyong binuksan at para makaligtas tayo sa kanya.Tutulungan ko kayo kung paano gawin yon pero kailangan nating mag ingat dahil maaaring may pumigil sa atin o magkatotoo ang mga nakita si Wyne maaaring may mamatay sa atin tara na bilisan nyo at baka abutin pa tayo ng gabi"

Kumuha ng mga gamit sina Sarah kasama ang mga kaibigan nya at kami naman naghihintay na lang dito sa labas tinawagan ko si Mrs.Dimalangsala para paghandain at isasama namin sila sa Baryo Caparo.

Naghahakot na ng mga gamit sina Sarah ng may mapansin sya don sa isang babaeng kaibigan nya. Napataklob sya sa kanyang bibig at tinawag nya ito.

"Naxcy" tawag nya dito lumingon ito kay Sarah at tinanong ito "Bakit Sarah?"

"Yo-yong ulo mo" nauutal na saad ni Sarah kumunot naman ang noo ni Naxcy at nagsalita ulit si Sarah

"yong ulo mo sa anino ~














Nawawala"

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon