W'sO CHAPTER XV

33 6 0
                                    

01/01/15
JHONA P.O.V

Napauwi ako dito sa pilipinas dahil nabalitaan ko mula kay Clance na patay na daw sina Sarah,Wyne at Naxcy at yon ay dahil daw sa pagtulong nila sa kasong paghahanap kay Olivia. Nagulat ako ng sobra ng malaman kong patay na sila kaya agad akong nag book ng flight para makauwi dito bblik din naman agad ako sa January 3 sa amerika dahil ayaw ko ng mag stay dito sa pilipinas.

Dinalaw ko ang puntod nilang tatlo nilagyan ko ng bulaklak ang mga puntod nila at pinagtirik ko din sila ng kandila. Mabuti na lang umalis na ako dito sa pinas at tama ang naging desisyon ko na umalis na dito dahil kung hindi ako umalis malamang patay na rin ako. Wala akong ibang masabi at maisip kundi ang sisihin sila. Kasalanan din naman nila kung bakit sila namatay kung hindi na sana sila nakialam eh di sana buhay pa sila ngayon. Umalis na ako dumiretso na hahay ayoko ng aura dito sa simenteryo nakakatakot ang katahimikan dito.

Habang nandito ako sa bahay hinihintay si Clance na dumating para makapag kwentuhan kami tungkol sa nangyari kina Sarah nagbihis muna ako at naghanda ng pagkain habang wala pa sya. Ilang saglit lang may nag doorbell na kaya agad kong binuksan ito ngunit nagtaka ako nong wala naman akong nakitang tao at malamig na hangin lang ang sumalubong sa akin.

Binalewala ko na lang ito at isinara ulit ang pinto. Pabalik na sana ulit ako sa kusina ng biglang may nag doorbell ulit lumapit ulit ako sa pinto at binuksan ito ngunit wala na naman akong nakitang tao. Padabog kong isinara ang pinto dahil naiinis na ako pabalik na ulit ako sa kusina at sa pangatlong pagkakataon tumunog ulit ang doorbell ko. Padabog kong binuksan ito at bumungad sa akin si Clance

"Ano ba Clance tinatakot mo ba ako? Tigil tigilan mo ako sa mga gimik mo huh hindi ka nakakatuwa" inis na saad ko sa kanya
kumunot naman ang noo nya "anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong nito sa akin "nag mamaang maangan ka pa talaga , aminin mo na kasi na pinagtitripan mo ko doorbell ka ng doorbell tapos kapag bubuksan ko na ang pinto bigla kang nagtatago para matakot ako" galit na saad ko sa kanya "ano bang sinasabi mo Jhona eh kakadating ko lang tsaka ngayon lang ako nagdoorbell" paliwanag naman nya sa akin "what ever" maarteng sambit ko at iniwan ko sya sa labas at pinanatili kong bukas ang pinto para makapasok sya.

CLANCE P.O.V

Pumasok na ako matapos iwan ni Jhona na bukas ang pinto. Nagtaka ako sa mga sinabi nyang kanina pa ako nag do-doorbell eh talaga namang kakarating ko lang. Saglit syang pumunta sa kusina upang kumaha ng pagkain ang dami nyang hinandang pagkain para sa akin tapos saglit lang sinabi nya sa akin na pupunta lang daw sya banyo para labhan ang mga maduduming damit nya kaya hinayaan ko na lang sya. Diretso lang ako sa pagkain hanggang sa marinig kong sumigaw si Jhona.

"Clance tulong , bilis tulungan mo ko" sigaw nya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinuntahan ko sya sa kwarto nya at sa Cr nya dahan dahan akong naglakad naririnig kong umiikot ang washing machine sa Cr nya at don unti unti akong pumasok at nakita ko ang mga maruruming damit nya na nakakalat kung nandito ang mga damit nyang madumi ano ang nakasalang sa washing machine?

Unti unti ko itong sinilip nagulat at napatakip ako sa aking bibig ng makita kong si Jhona ang nasa loob ng washing machine at ang maputing tubig na nandon ngayon ay kulay pula na dahil sa kanyang dugo.

Naalala ko ang sinabi ni Mang Carding kay Jhona noong kausap nya ito sa telepono.

"hindi mo sya matatakasan,akala mo ba sa pagpunta mo jan ay ligtas ka na.Nagkakamali ka kasama ka sa mga bumulabog sa kanya kaya hindi ka din nya titigilan kahit saan ka magpunta"

totoo nga ang sinabi ni Mang Carding hindi kami titigilan nong multo dahil binulabog namin ito. Pagkatapos ko yong maisip biglang may tumawa na boses babae sa paligid at dahil don napalingon ako sa may bandang pinto ng kwarto ni Jhona patakbo na ako don sa pinto ng kwarto ni Jhona para sana lumabas ngunit nagsara ito ng kusa at nagkandado kahit nasa loob ako. Sinubukan kong pihitin ang pinto pero hindi talaga ito nagbubukas , ibig sabihin pati ako hindi na makakaligtas?. Ibig sabihin ako na ang susunod dahil ako lang ang nakaligtas sa pangbubulabog namin sa kaluluwa ng kapatid ni Jacam? Walang ibang tao dito sa bahay ni Jhona at wala na akong nagawa kundi ang sumigaw na lamang ng

"TULONG"....…..

   

                           WAKAS...

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

THANK YOU FOR READING MY STORY. KUNG NAGUSTUHAN NYO PO YONG KWENTO KO PAKIFOLLOW PO AKO PARA MAS MARAMI PA PO KAYONG MABASANG KWENTO KO.

MAY ISA PA PO AKONG IPAPUBLISH NA KWENTO NA MYSTERY THRILLER KATULAD PO NITO KUNG GUSTO NYO PONG MABASA YON FOLLOW NYO NA LANG PO AKO. GINAGAWA KO NA PO SYA AT MALAPIT KO NA RIN SYANG IPUBLISH AT HINDI LANG PO MYSTERY THRILLER ANG GINAGAWA KO MAY  STORY DIN PO AKONG GINAGAWA NA IBA ANG GENRE.

PAKIVOTE DIN PO AT COMMENT DIN KAYO KUNG MAY SUGGESTION KAYO.MARAMING SALAMAT PO.

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. 😘😘😘

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon