W'sO CHAPTER XIII

23 5 0
                                    

Bumaba ako sa unang palapag at pinagsisipa ang bawat pintong nandon at pinapasok ang bawat kwarto pati na rin ang banyo pero wala sila don.

"JACAM,TYRONE LABAS" sigaw kong muli at tumungo ako sa kusina may nakita akong paa sa kabilang dulo ng lamesa dahan dahan akong naglakad at lumalapit don. Tinutukan ko ng mabuti ang taong nakahiga don habang nakatutok din ang baril ko ibinaba ko ang pagkakatutok ng baril ko nong makita ko kung sino ang taong nakaratay sa sahig.

Si Mang Carding ito at wala na rin itong buhay may tama sya ng baril sa may bandang dibdib nya sa tapat ng puso nya.Lalo akong naiyak at nagalit pati ba naman si Mang Carding hindi din nila pinalampas kawawa naman si Carlos ulila na sya ngayon kapag nalaman nyang wala na ang tatay nya sigurado akong masasaktan sya at magdadalamhati sya ng sobra. Walang ginawa si Mang Carding sa kanila ang nais lang nya ay ang tumulong at mahanap si Olivia. Nilapitan ko ang katawan ni Mang Carding umupo ako sa tabi nito at isinara ang kanyang mga mata. Paalam Mang Carding salamat sa lahat ng tulong mo malaki ang naitulong mo sa kaso , wag kayong mag alala tatapusin ko ang kasong to ngayong gabi at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nyong lahat lalo na ang pagkamatay ni Pareng David at ni Olivia.

Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa aking mga mata tumayo ako at magsisimula na muling maglakad ng biglang may narinig akong sumisitsit. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking baril itinutok ko ang flashlight ko sa buong palagid kasabay non ang pagtutok ko rin ng baril. Kung saan saan ko na ito iginagala ngunit wala talaga akong makitang tao. Hanggang sa may narinig akong kung anong tunog sa may bandang kisame tinutukan ko ito at nakakita ako ng mga bakas ng paa unti unti ko iyong sinusundan hanggang sa matutukan at makita ko yong multong diablo na kapatid ni Jacam tumutulo ang dugo sa bibig nya habang nakangiti at nakatingin sya sa akin.

"ikaw, nasan si Olivia? Pakawalan mo na ang kaluluwa ni Olivia" saad ko dito tumawa lang sya ng tumawa at bigla syang humakbang ng isa papalapit sa akin. Habang humahakbang sya paatras naman ako ng paatras hanggang sa bigla na lang bumilis ang pag gapang nya sa kisame kaya napatakbo na ako. Put*ng In* paano ko mahahanap sina Jacam nito kung ginugulo ako nitong multo.Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay tapos may narinig akong nagsalita.

"SPO3 dito bilisan mo" saad ni Mrs.Dimalangsala binuksan nya ang pinto ng Van  matabilis akong tumakbo papasok doon.

"Yong susi,nasan yong susi?" natatarantang tanong ko kay Mrs.Dimalangsala "wala sa akin ang susi na kay Tyrone" saad nya
"lintik naman oh" napamura ako sa sobrang kaba pero agad ko ring kinalma ang sarili ko at agad na sinabi sa kanila ang aking plano "dahan dahan tayong bababa at pupunta sa kotse ko, hindi ko pa nakikita kung san nagtatago si Jacam at Tyrone pero yong kapatid ni Jacam na multo ay nanjan lang sa paligid hinahabol nya ako kanina at malamang ngayon nandito na sya sa labas" habang nagsasalita ako biglang nabasag ang bintana ng van ni Mrs.Dimalangsala sa bandang likuran ni Kent ng dahil kay Jacam may dala dala itong palakol at yon ang ginamit nyang pang basag ng bintana mabuti na lamang at hindi natamaan si Kent. Nawala bigla si Jacam at naisip kong yon na ang pagkakataon para lumabas kami.Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng van at pinauna kong pababain sina Mrs.Dimalangsala at ang mga lalaking kasama nya pinagmamadali ko silang pinatatakbo at pinapapunta sa kotse ko. Ako ang huling bumaba huminga muna ako ng malalim at nagdasal bago ako maglakad. Nakatingin ako kina Mrs.Dimalangsala habang naglalakad ako nagtaka ako kung bakit nanlaki lahat ang mga mata nila at lahat sila ay sinasabing "SPO3 sa likod mo" natatarantang saad nilang lahat nilingon ko ito ngunit natamaan ako ng palakol na dala ni Jacam sa kaliwang banda ng mukha ko mabuti na lamang at daplis lamang ito.Napahiga ako dahil sa ginawang yon ni Jacam at naitapon ko sa kung saan ang baril ko.Papalakulin ulit sana ako ni Jacam ngunit nahawakan ko ang bandang kahoy na bahagi don sa palakol at nakikipaglakasan ako kay Jacam.Ang lakas ng batang ito kahit babae sya ay masasabi kong malakas talaga sya.Nasa ibabaw ko si Jacam nakaupo sya sa may bandang tiyan ko habang nakikipag agawan sa palakol na hawak nya wala na akong maisip na ibang paraan kundi ang saktan na lang si Jacam para manghina ito kaya sinuntok ko sya at don napabitaw sya sa pagkakahawak nya sa palakol at napahiga din sya. Agad akong tumayo tinapon ko ang palakol sa kung saan at hinanap ko ang baril ko. Habang hinahanap ko ito  biglang hinawakan ni Jacam ang paa ko dahilan para madapa ako kaya pagapang akong pumunta kina Mrs.Dimalangsala habang kinakapa ang baril ko sa kung san ko ito nabitwan , sigurado akong dito ko lang din yon nabitawan. Inilawan ni kami Kent gamit ang cellphone nya at don nakita ko kung nasaan ang baril ko agad ko itong kinuha at itinutok kay Jacam pinutok ko ito at natamaan sya sa may bandang tyan. Nabitawan nya ako mabilis akong tumayo at pumunta kina Mrs.Dimalangsala

"sakay ,sakay" pagmamadali ko sa kanila sumakay kami at mabilis kong binuhay ang kotse ko at pinaandar ito habang papalayo kami narinig nami  ang pagsigaw ni Jacam.

"Kent kung hindi ka mapapapunta sa akin sininusumpa ko na kahit sinong babaeng mamahalin mo ay mamatay sa masakit at brutal na paraan. Isinusumpa ko yan" sigaw ni Jacam tiningnan ko si Kent at nakatakip lamang ang kamay nya sa magkabila nyang tenga. Tuloy na ako sa pagmamaneho pero hindi pa kami masyadong nakakalayo sa bahay nina Mrs.Dimalangsala ay nagsalita naman si Clance

"SPO3 nasan po si Jacam?" tanong sa akin kumunot ang noo ko pero tuloy parin ako sa pagmamaneho hanggang sa magsalita naman si Carlos "SPO3 nawawala po si Jacam , wala po sya don sa pwesto nya kanina" at dahil sa sinabing yon ni Carlos nilingon ko iyon para tingnan kung wala nga ba don si Jacam pero hindi ko parin tinitigil ang pagpapatakbo ng kotse ko hanggang sa sumigaw si Mrs.Dimalangsala at Kent "SPO3" sigaw nila pareho napaharap ako sa daan at nakita kong nakabangga ako ng tao. Nabangga ko si Jacam sumuka ito ng dugo at natumba pero bago aya matumba nakatingin lamang sya sa isang tao at yon ay kay Kent.

Magmmaneho na ako pabalik sa lugar namin hindi ko akalain na lima na lang kaming babalik sa lugar namin at patay na ang iba naming kasamahan. Sumisikat na amg ara habang nagmamaneho naisip ko na hindi pa pala tapos ang misyon ko dahil kahit na patay na si Jacam hindi ko parin nahahanap ang katawan ni Olivia pati na rin ang isa pa nyang na si Tyrone. Pagkabalik na pagkabalik ko sa lugar namin magrereport agad ako para mabigyan na parangal si Pareng David at mabigyan din sya ng maayos na libing kailangan ko din ipaalam sa pamilya nya na wala na sya. Habang nagdadrive ako naisip ko Carlos tiningnan ko sya sa lahat sya lang at ako ang hindi tulog alam kong may bumabagabag sa kanya kaya nagsalita na ako at tinanong sya

"Carlos ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya tumingin sya sa akin at sinabing "alam ko po na patay na si itay kasi po hindi nyo sya nakasama sa paglabas nyo don sa bahay nina Olivia masaya po akong nabuhay ako pero hindi ko po alam kung paano ako mabubuhay ng wala si itay. Sya na lang po ang meron ako at ngayon mag isa na lang ako gusto ko man lang po sanang makuta ang bangkay nya at mailibing sya ng maayos" umiiyak na saad ni Carlos "alam ko ang nararamdaman mo dahil maging ako man ay nawalan din ng matalik na kaibigan wag kang mag alala hijo sisiguraduhin kong mabibigyan sila ng maayos na libing pagkatapos kong hulihin si Tyrone" saad ko dito.

12/29/14
Monday 8am

Dito muna kaming lahat tumuloy sa bahay nina Mrs.Dimalangsala halos lahat kami ay matamlay at walang ganang kumain.Naghanda pa naman ng pagkain si Mrs.Dimalangsala pero wala talaga kaming ganang kumain kahit si Mrs.Dimalangsala ay wala ding gana pinagmamasdan ko si Mrs.Dimalangsala namumula at namamaga na ang kanyang mga mata kahit kung ako ang nasa posisyon nya sigurado akong ganyan din ang mangyayari sa akin. Mawalan pa nga lang ng matalik na kaibigan ay napaka sakit na para sa akin mawalan pa kaya ng dalawang anak. Unang nawala kay Mrs.Dimalangsala ay ang anak nyang si Olivia sumunod naman ay si Oliver sigurado akong kahit hindi nya tunay na anak si Oliver at anak lamang ito ni Tyrone ay minahal na ni Mrs.Dimalangsala si Oliver na parang tunay nyang anak. Tumayo ako at nagpaalam kay Mrs.Dimalangsala kung san ako pwedeng maligo dahil puro dugo pa ako at gusto ko na rin hugasan ang sugat na natamo ko mula sa pagkakahampas sa akin ng palakol ni Jacam.

Pinahiram muna ako ni Mrs.Dimalangsala ng mga damit ni Tyrone para aking masuot. Naabutan ko silang lahat sa may bandang sala nakaupo lang silang lahat don kaya lumapit ako sa kanila. Paupo na rin sana ako nang biglang may kumatok sa pinto nina Mrs.Dimalangsala. Lahat kami ay napatingin lamang don tumingin ako kay Mrs.Dimalangsala at tinanong ko sya

"may inaasahan ba kayong bisita ngayon?" tanong ko sa kanya gamit ang hindi kalakasan na boses umiling lamang si Mrs.Dimalangsala bilang sagot na wala. Dahil don agad kong kinuha ang baril ko kung saan ko ito pinatong at sumandal ako dingding sa may gilid ng pinto. Pinaalis ko sina Mrs.Dimalangsala sa sala at pinapunta ko silang lahat sa kusina tiningnan ko muna silang lahat bago ko buksan ang pinto.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob at ng mapihit ko na ito biglaan kong binuksan ang pinto at agad na tinutok ang baril dito.

"SPO3" saad ng isang lalaki sa akin habang nakataas ang kanyang dalawang kamay.

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon