W'sO CHAPTER XII

25 6 0
                                    

Carlos P.O.V

Pagkatapos magbilang ni Jacam agad kaming tumakbo nauuna sina SPO3 at Mrs.Dimalangsala hindi masyadong makatakbo si SPO3 dahil hanggang ngayon buhat parin nya si Clance at wala itong malay. Sa sobrang taranta namin pumasok kami sa loob ng bahay nina Olivia at doon nagkahiwa-hiwalay kami. Madilim sa loob ng bahay nina Olivia halos wala kaming makita kung saan saan na kami tumatama at doon may nakapa akong isang pinutuan ,binuksan ko ito at pumasok dito.Naupo kami ni Kent sa isang tabi at hindi gumagalaw , pareho na kaming kinakabahan hanggang sa nagsalita si Kent.

"tol ilan tayong magkasama dito?" pabulong na tanong nya sa akin kumunot naman ang noo ko "dalawa" nagtatakang sagot ko sa kanya "kung dalawa lang tayo sino~" hindi na naituloy ni Kent ang sasabihin nya at panay lang ang lunok nya dala siguro ng sobrang kaba

"sino ang ano?" tanong ko sa kanya "sino itong humihinga sa tabi ko?" Kinabahan ako sa sinabing yon ni Kent pero binalewala ko ito at sinabing baka si Mrs.Dimalangsala lamang yon ngunit talagang makulit si Kent

"hindi tol kasama ni SPO3 si Mrs.Dimalangsala" dahil sa sinabi nyang yon kinutuban na ako, walang hiyang buhay naman to oh kapag minamalas ka nga naman.Kabado ka na nga dahil baka mahuli at mapatay ka takot ka pa dahil bukod sa kasama mo may kasama ka pang multo sa loob ng kwarto.Aalis na sana kami ngunit may narinig kaming hakbang ng mga paa at isang boses ng babae na tinatawag kami isa isa.

"SPO3 Hernandez,Tita Mona,Carlos nasan na kayo?" si Jacam yon malambing ang pagkakatawag nya sa mga pangalan namin at nagsalita sya ulit "Kent nasan na kayo lumabas kayo jan" galit na saad nya at nagwawala na din sya. Natatakot na talaga ako hindi ko alam kung anong gagawin namin patuloy parin sa paglalakad si Jacam ngunit tumigil sya bigla dahil dito~

dito sa kwarto may~



may sumisitsit.

"Kent ano ba nagtatago nga tayo diba bakit ka sumisitsit jan? Tigilan mo nga yan" saway ko kay Kent "anong sumisitsit? Hindi ako sumisitsit" sagot sa akin ni Kent kung hindi si Kent yon isa lang ang ibig sabihin nito si Jane yon , yong multong kakambal ni Jacam na mukhang diablo tinutulungan nga pala nya si Jacam para hindi namin mahanap si Olivia.

"wag kang maingay tol may gagawin tayo" pabulong na saad sa akin ni Kent "ano?" tanong ko naman sa kanya "hubadin mo yong suot mong sapatos parehas para hindi nya marinig ang pag hakbang natin, hinaan mo lang din ang iyong paghinga pagkatapos may cellphone ka ba?" nagtaka ako kay Kent kung bakit tinatanong nya kung may cellphone ako nag oo na lang ako tapos sinabi nyang "pahinge ng number mo" nagduda na ako kay Kent kung bakit hinihinge nya ang number ko kaya tinanong ko na sya

"Kent bakla ka ba? Bakit mo hinihinge ang number ko? Type mo ko ano?" sunod sunod na tanong ko sa kanya "sira girlfriend ko nga si Olivia diba paano ako magiging bakla ,basta ibigay mo na lang sa akin" oo nga pala girlfriend nga pala nya si Olivia kaya malabong maging bakla sya.Binigay ko sa kanya ang number ko at pinaiwan nya ang cellphone ko sa kinauupuan namin at dahan dahan kaming lumabas ng kwarto upang tumungo sa kabilang kwarto. Sa sobrang taranta ko medyo lumakas ang pag hakbang ng paa ko at naramdaman siguro yon ni Jacam. Kaya kinuha ni Kent ang cellphone nya at tinawagan ang number ko. Tumunog ito at umilaw kaya agad yong pinuntahan ni Jacam at nakapag tago na kami sa kabilang kwarto. Yon pala ang dahilan ni Kent sa pagkuha nya sa number ko akala ko naman kung ano na.Mabuti na lang matalino tong si Kent kung hindi baka nahuli na kami at namatay na din kami.

MONA'S P.O.V

Nagtatago kami ni SPO3 Hernandez dito sa pangalawang palapag sa kwarto ni Olivia.Tahimik lang kami dito at narinig naming tinatawag kami ni Jacam isa isa , nag aalala ako kina Carlos at Kent dahil nahiwalay sila sa amin sana walang mangyaring masama sa kanilang dalawa.Walang sino mang umiimik sa amin dito at wala ring gumagalaw pero nong may narinig kaming tumunog na cellphone sa baba nagdesisyon si SPO3 na bumaba upang tingnan at hanapin yong dalawa ni Kent at Carlos.Dahil nga umalis si SPO3 pakiramdam ko tuloy mag isa na ako actually may kasama ako dito sa kwarto si Clance pero kasi tulog pa sya ginamit kasi ni Olivia ang katawan nya para makausap namin sya.Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sa anak ko , bakit nila ginawa sa anak ko ito? Mabait,malambing at masunuring bata si Olivia wala silang awa mga wala silang puso. Si Jacam at Tyrone ang dalawang taong pinagkakatiwalaan ko at ng anak ko pero sila rin ang gumawa nito sa kanya.Dahil sa pag iisip ko nagsimula na naman tumulo ang luha ko habang umiiyak ako naramdaman kong gumalaw si Clance gising na siguro sya pagka gising nya agad syang nagtanong

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon