W'sO CHAPTER VIII

32 6 0
                                    


Balak sanang tingnan ni Naxcy ang kanyang anino ngunit pinigilan ito ni Mang Carding

"sinong may itim na panyo sa inyo?" agad na tanong nya

"wala po akong itim na panyo" sagot ni Sarah

"kahit ano basta itim, itim na tshirt" saad pa ni Mang Carding kumuha si Wyne sa kanyang bag ng itim na tshirt at binigay iti kay Mang Carding itinaklob ito sa ulo ni Naxcy para magkaroon ito ng anino. Pinagpalit din ng kasuotan si Naxcy at ibinaon ito para daw maiwasan ang dapat mangyari kay Naxcy.Sumakay na kami sa kotse para magtungo sa Baryo Caparo dinaanan muna namin sina MrsDimalangsala sa kanila ay sabay sabay na kaming bumiyahe.

PAST PART 2
10/11/14

OLIVIA'S P.O.V

Nasan ako?Bakit ang dilim?Nasan si Tyrone? Kanina lang nasa restaurant kami at kumakain.Naalala ko sinabi sa akin ni Tyrone na may kakausapin lang syang client kaya lumabas sya saglit sa restaurant at sinagot yong tawag panay ang sulyap nya sa akin para masigurado kung ok lang ako tapos ilang saglit lang bigla syang tumingin sa akin ng may gulat at pag aalala sa kanyang mukha. May kung sinong nagtakip ng bibig ko unti unting lumabo ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay ang huli kong nakita ay tumatakbo si Tyrone papunta sa akin at yon na ang huli kong naaalala bago ako mapunta dito.

Anong nangyayari?Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at paa, bakit parang nakagapos ako?Natatakot na ako hindi ko na alam ang gagawin ko takot ako sa dilim.Sana mahanap ako agad ni Tyrone. Sinusubukan kong sumigaw ngunit tangging ungol lang ang lumalabas sa aking bibig hanggang sa may nagsalitang isang lalaki.

"gising ka na pala, nagugutom ka na ba? Hindi kasi natuloy ang pagkain mo kanina don sa restaurant kaya naisip ko na baka gutom ka" saad nito sa akin hindi ko makita ang kanyang mukha dahil tanging liwanag lamang ng buwam ang nagsisilbing ilaw namin pero alam ko ang boses nya. May dala syang pagkain susubuan nya ako habang sinasabi nyang "nganga Olivia,sige na wag ka ng mahiya ako ang nagluto nito para sayo" pinipilit kong ngumunga pero hindi para kainin ang pagkain na dala nya kundi para sumigaw at humingi ng tulong pero bakit parang habang pinipilit ko eh sumasakit ang labi ko
at may isa pang babae ang dumating tapos nagsalita sya.

"oh bakit sinusuyo mo pa yan? Gawin mo na yong pinapagawa ko sayo. Wag mong sabihing hindi mo kaya" matapang na saad nya don sa lalaking kausap nya "hayaan mo muna akong makasama sya kahit sa huling sandali lang" pakiusap nong lalaki don sa babae "hay baliw ka na talaga jan sa babaeng yan, sige hahayaan kita pero dapat pagbalik ko nakapag desisyon ka na" tapos umalis yong babae lumapit sa akin yong lalaki at hinimas nya ang mukha ko habang umiiyak at bumubulong sa akin
"patawad Olivia,patawad hindi ko gustong gawin to.Lagi mo sanang tandaan na Mahal na mahal kita" tapos hinalikan nya ako sa aking pisnge.Naguguluhan na ako ano bang nangyayari?Ilang saglit lang bumalik na ulit yong babae "sapat na siguro yong oras na binigay ko sayo , magagawa mo na ba?" tanong muli nito don sa lalaki umiyak yong lalaki at umiling iling "pakiusap wag mong sasaktan ang pamilya ko hahayaan kita kung anong gusto mong gawin sa kanya hindi rin ako magsasalita gagawin ko din kung anong gusto mo basta wag mo lang sasaktan ang pamilya ko" pagmamakaawa nito don sa babae narinig ko ang paghinga ng malalim nong babae tapos sinabi nyang "oo na,umalis ka na nga tatawagin na lang kita kapag ikaw na" umalis na yong lalaki. Naiwan ako at yong babae dito sa lugar na to.

"kamusta Olivia ok lang ba ang pakiramdam mo? Nakakapagsalita ka na ba?Alam mo kasi hindi ka na talaga makakapag salita dahil tinahi ko yang labi mo para di ka makasigaw"
Nagulat,natakot at naiyak ako sa sinabi nya.Bakit?Bakit kailangan mangyari saken to?Ano bang kasalanan ko?

"salamat don sa lalaking kasama ko sa pagpaplano nito dahil sa kanya kaya naging matagumpay ito, wag kang mag alala Olivia mahal na mahal ka nya at hindi ka nya kayang saktan agad kaya wala kang ibang choice kundi ang tanggapin na lang na ako muna ang magpapahirap sayo.Wag kang mag alala Olivia dahan dahan ang pagpatay na gagawin namin sayo para damang dama mo paglalaruan ko muna ang buong katawan mo" saad nya natatakot na ako para sa buhay ko at kung anong gagawin nya sa akin.

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon