W'sO CHAPTER lll

43 9 0
                                    

Sa gitna ng pag uusap nila SPO3 Hernandez at pamilya Dimangsala biglang may kumatok sa pinto ng bahay at pumasok ang isang binatang lalaki na si Kent ang boyfriend ni Olivia.

"Magandang araw po sa inyo Tita Mona" magalang na pagbati nito sa Ina ni Olivia.

"Magandang araw din sayo Kent" pagbati din ni Mona sa binata "itatanong ko lang po sana ulit kung may balita na po ba kayo kay Olivia?"
agad na tanong nito kay Mona "wala pa nga hijo sa katunayan nga nyan ehh pinabukas ulit namin yong kaso , ipagpapatuloy ko ang paghahanap sa kanya kaya may pulis dito. Sya nga pala SPO3 Hernandez ito po si Kent boyfriend ng anak ko Kent si SPO3 Hernandez ang bagong pulis na tutulong sa atin sa paghahanap kay Olivia" pagpapaliwanag ni Mona sa binata kinamayan naman ng binata ang pulis.

"Magandang araw po sa inyo SPO3 Hernandez" pagbati ng binata sa pulis "Magandang araw din, kung ayos lang sa iyo maaari ka bang makausap para sa ilang katanungan tungkol sa iyo at kay Olivia kailangan kasi namin ng impormasyon para mas madali nating mahanap ang girlfriend mo" paliwanag ni SPO3 sa binata tumango naman ang binata na nagsasabing pumapayag ito.

"Matagal na ba kayong magkasintahan ni Olivia?" tanong ni SPO3 sa binata " isang buwan at dalawang linggo pa lang po kami ni Olivia" sagot ng binata

"Saan kayo nagkakilala ni Olivia?"-SPO3 Hernandez

"magkabatch po kami ni Olivia pareho po kaming firts year college sa school ng Baryo Caparo magkaiba po ang aming classroom at magkaiba din po ang aming course"-Kent

"kasama ka ba sa outing na sinasabi ni Mrs.Dimalangsala nong kaarawan nya?"-SPO3 Hernandez

"hindi po ako kasama , hindi po ako pinasama ni Olivia dahil family bonding daw po yon at hindi daw po ako kasali don. Nirerespeto ko naman po yong kagustuhan nya kaya sinunod ko sya"-Kent

"lumipat na ang pamilya ni Olivia dito, lumipat na rin ba ang pamilya mo dito kaya malaya kang nakakapunta dito?"-SPO3 Hernandez

"hindi po , sa Baryo Caparo parin po ako nakatira pumupunta punta na lang po ako dito para makibalita tungkol kay Olivia at tsaka baka po kasi hanapin ni Olivia ang pamilya nya don sa Baryo Caparo ako na lang po ang magsasabi sa kanya kung sakali man pong maghanap sya kina Tita Mona" pagpapaliwanag ni Kent sa pulis

"kelan mo huling nakasama si Olivia?" - SPO3 Hernndez

"nong october 9 po mga 11:30 na ng gabi" saad ni Kent sa pulis

"san kayo nagpunta?"-SPO3 Hernandez

"actually po nakita ko lang po sya sa diskuhan may kasama syang isang lalaki napa away pa nga po ako bago ko sya makasama lasing na kasi sya nong makita ko sya at binabastos na sya nong lalaking katabi nya, hinahalikan na sya sa leeg kaya kinuha ko sya at don nagsimula ang gulo sa loob nong club" at kinuwento nya ang buong pangyayari nong gabing nakasama nya si Olivia

FLASHBACK
10/9/14 (Thrusday)
11:30PM
KENT P.O.V

Nakita ko si Olivia nakaupo at umiinom , may katabi syang lalaki at hinahalikan sya sa leeg.Lumapit ako sa kanila at hinila ko si Olivia papunta sa akin.

"What's your problem?" galit na tanong nong lalaking katabi nya

"anong what's my problem? eh binabastos mo yong girlfriend ko" sagot ko don sa lalaki

"girlfriend? Si Olivia pumatol sayo?" natatawang sabi saken nong lalaki nagtitimpi ako ng galit dahil ayaw kong magsimula ng gulo

"bakit ano bang problema saken?"medyo maangas na tanong ko don sa lalaki kasi parang namemersonal na sya

Where's Olivia?? (Dead or Alive) COMPLETED✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon