IKA-LABING LIMA NA KABANATA

328 27 34
                                    

" IKAW ANG DAHILAN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

IKA-LABING LIMA NA KABANATA

"Sabi ko na nga ba eh! Humanda ang mga iyan! No one can hurt my only princess!" Galit na sambit ni Leona este Whitney.

"Oh asawa ko bakit galit na galit ka? Anong problema?" Agad namang tanong ni Niel dahil napatakbo ito palapit sa asawang kulang na lang ay itapon ang hawak na telepono. Pero imbes na sagutin nito ang tanong niya iba naman ang sinabi.

"Hinayaan kong sumama sa nobyo niya ang anak ko dahil gusto kong maalis ang takot sa pagkatao niya pero anong ginawa nila sa kanya? Pinaiyak na pinahiya pa lalo! Humanda ang mga iyan dahil sa akin sila mananagot!" Ngitngit pa rin nitong sabi.

"Wait asawa ko hindi kita maunawaan." Muli ay sabi niya dahil kulang na lang ay lalamon ng buhay ang asawa sa galit na nakikita sa mukha.

"Huwag kang tanong ng tanong kung ayaw mong ikaw ang ibala ko sa baril ko. Ihanda mo ang sasakyan kailangang makausap ko ang mga magulang ni Erick bago tayo uuwi ng bansa. Kausapin mo ang mga anak mong huwag lalampa-lampang tulad mo kung ayaw ninyong kayo ang pagbabarilin ko! My princess is not in good condition at oras na babalik na naman ang pagmumukmok niya'y magsipagtago na sila dahil kahit matagal na akong wala sa serbisyo hahanapin ko sila at pagbabayarin!" Singhal nito saka nag-walked out.

Naiwan tuloy na nakanganga ang pobreng si Niel, it takes a seconds bago siya nakahuma.

"Ito na nga ba sng sinasabi ko noon eh. Pero hindi na bale ang mahalaga'y makausap muna namin ang nobyo niya." Bulong na lamang niya saka dinampot ang car key sa sabitan at cellphone saka nagtungo sa garahe.

Tatawagan na sana niya ang mga anak na nasa trabaho pero si Terrence Niel na ang naunang tumawag.

"Daddy ano bang nangyari bakit galit na galit si mommy?" Tanong nito.

"Ang kapatid ninyo anak iyak daw ng iyak sabi ng lola Queennie ninyo kaya't kailangang mahtravel kami ngayon para alamin ang tunay na pangyayari." Sagot niya.

"Ah sige daddy mag-ingat kayo sa biyahe ako na ang tatawag kay kambal. Kung hindi namin kayo maabutan diyan sa bahay isara n'yo na lamang po total may susi kami." Ani naman ng nasa kabilang linya.

"Yes iho, ikaw na rin ang magsabi sa kambal mo kunh ano ang nangyari dahil may lakad muna kami ng mommy mo bago niya tayo ibala sa baril niya." Sabi naman ng padre de pamilya.

Tuloy ay dinig na dinig niya ang tawa ng anak sa kabilang linya hanggang sa nawala. Saktong natapos silang nag-usap ay siya namang paglapit ng mahal niyang si leona na natuluyan na yatang tigre!

"Let's go!" Aba'y kinarer ang pagkamasungit!

Kaya naman napailing ang pobreng asawa dahil sa kasing lakas na yata ng boses nito ang pagbalibag sa isinarang pinto ng sasakyan.

Sa tahanan ng mag-asawang Queennie at Wayne.

"Tahan na apo huwag ka ng umiyak." Pang-aalo ng una dahil mula pa sa harapan ng City Hall ng umagang iyun ay hindi pa ito tumigil sa pag-iyak.

"Pero 'la baka totoo ang sinasabi ng babaing iyun. I love him 'la hindi ko kakayaning mawala siya sa akin." Sagot nito sa pagitan ng pag-iyak.

"Yes I know that apo, nakausap ko na ang mommy at daddy mo. Magpapabook lang daw sila ng ticket--"

"Pero 'la baka kung anong gawin nila kay Bernard 'la. You know my mom too 'la." Putol ni Eunice sa pananalita ng abuela o ang bunsong kapatid ng lolo Ace Cyrus niya.

"Yes iha we know your mother. Leona pa sng tawag ng daddy mo dahil mas matapang ito kaysa tito BC mo. But let me tell you something apo, your mom is a great woman inside out, she's a professional woman. Hindi iyun nanunugod nang walang pag-iimbistiga. If you don't know she's the advocates of your dad wsy back then in Saudi. "Paliwanag naman ni Wayne.

IKAW ANG DAHILAN SA PANUNULAT NI SHERYL FEE(COMPLETED)Where stories live. Discover now