" IKAW ANG DAHILAN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEEIKA-WALONG KABANATA
"Mommy can I ask you something?" Tanong ni Eunice sa ina, isang gabi na hindi siya sinundo ni Erick dahil may out of country metting ito.
"Sure Princess, ano ba iyun?" Balik tanong ni Whitney sa nag-iisang anak na babae.
Kaso kung kailan nasa harapan na siya(Eunice) ina ay saka pa umurong ang dila.
"Oh iha akala ko ba may itatanong ka kay mommy?" Muli ay tanong ni Whitney dahil nanahimik ang anak na nagsabing may itatanong.
"Hmmm mommy way back then noong kapanahunan ninyo ni daddy, paano mo po nasabing mahal mo siya?" Sa wakas ay nasabi din dalaga ang ilang linggo na ring bumabagabag sa kanya.
"Halika dito princess sa tabi ni mommy." Sagot ni Whitney sabay tapik sa mismong tabi.
Sumunod naman ang dalaga, umusog ito sa mismong tabi ng ina saka parang bata na yumakap dito.
"Way back then iha your dad was not my first love. He was a half Filipino and half American. He was the owner of Grand Prix race track here in Los Angeles. As well as your dad, I'm not his first love. Dahil sa kagustuhang kong makaranas ng ibang buhay I went to Saudi Arabia as a housemaid pero alam mo naman si mommy kapag may inaapi ay madaling iinit ang ulo. Well to make the story short, sa Saudi Arabia kami nagkita ng daddy mo although parehas naman kaming Filipino. Sa tanong mo kung paano ko nasabing mahal ko siya? Well habang-buhay kong tatanawin kina daddy Terrence Christopher at papa Ace Cyrus na pinakasal na pala nila kami noon pa man when we're still at our young age dahil dumating ang panahon na nanligaw sa akin ang daddy mo. If you remember our home in Ilocos Sur sinundan ako ng daddy mo doon at doon kami nagkakilanlan husto. Kapag hindi ko siya nakikita namimiss ko siya, kapag nandiyan naman siya'y masaya ako lalo na kapag nasa tabi ko kahit pa sabihin nating mag-asawa na kami ng matagal before we known what's the truth. Bakit iha umiibig na ba ang dalaga ko?" Sa hinaba-haba ng paliwanag niya'y nagawa pang isingit ang pagtatanong.
Sa narinig ay kumalas ang dalaga saka tumingala sa ina.
"Hmmm I miss him mommy pero wala naman po kaming relasyon upang e-demand na dalawin ako. Masaya po ako everytime na magkasama kami pero natatakot ako na baka magaya lang ako sa ibang babae na umiiyak dahil sa lalaki. Is this love mommy?" Tanong nito na halatang may takot sa maaring isagot ng ina. Ang mga mata'y nangingislap kahit pa sabihing dim light from side tables lamang ang nagsisilbing ilaw.
Dahil nakatingala ang dalaga sa ina'y kitang-kita niya ang pagsilay ng ngiti sa buong mukha nito.
"Yes darling. Sabi mo masaya ka kapag magkasama kayo, sabi mo nami-miss mo na siya kaso natatakot ka dahil baka matulad ka sa ibang babae na umiiyak dahil sa pag-ibig. Ganito iyan Abigail Eunice anak, ang pag-ibig ay hindi lang puro kasiyahan. Walang relasyon na hindi dumadaan sa pagsubok although sa iba't-ibang paraan nga lang. Wala namang mawawala kung sumubok ka sa larangan ng pag-ibig. I'm not joing to say anything againts him instead bakit hindi mo subukan na mahalin din siya? Masasagot ang katanungan mong iyan kapag ikaw na mismo ang makakaranas. If you love him go ahead darling answer him and enjoy your life as a beautiful lady. Don't be afraid on what may cause. Sabi nga ng daddy mo we will cross the bridge when we get there." Pahayag ni Whitney.
Samantalang sa narinig ay napangiti ang dalaga bagay na nagpalitaw sa kanyang kabilaang dimple, ang matang kahit gabi'y nagniningning ay gano'n din. And she's about to answer mother when her father showed up too and speak up.
"Tama ang mommy mo anak, dalaga ka at dapat maranasan mo din ang mahing tunay na dalaga as your cousins does. Hindi ko naman sinasabing maging matapang ka masyado as your Aguillar's cousin na mas matatapang ang mga babae kaysa ang mga lalaki what I want to point out is expose yourself to the beauty of the world we are living in. Saka mo na iisipin ang maaring ibunga ng pakikipagrelasyon mo anak ang mahalaga'y maging masaya ka din. Tingnan mo si Crystal Angela may mga anak na samantalang halos kaedad mo lang siya." Sabi nito.
YOU ARE READING
IKAW ANG DAHILAN SA PANUNULAT NI SHERYL FEE(COMPLETED)
Storie d'amoreDrama, Romance genre. Buhay pag-ibig ng taong nagpabulag sa galit, maling akala.