IKALAWANG KABANATA

325 14 3
                                    

" IKAW ANG DAHILAN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

IKALAWANG KABANATA

"Oh Bernard apo ko bakit ka umiiyak?" Maang na tanong ni Aling Lina ng mabungaran sa harap ng store nila ang apo na umiiyak.

"Ayaw po kasi nila akong kalaro lola. Wala naman po akong kasalanan sa kanila pero bakit ayaw nila akong kalaro." Sagot nito pero umiiyak pa.

"Dito ka na lang sa bakuran apo. Huwag ka ng malungkot. Hayaan mo na sila." Sagot ni Aling Lina pero sng puso'y nadudurog dahil sa awa sa apo.

Ilang taon na rin simula noong sabay na namatay ang anak niya at asawa nito at gano'n na rin katagal na lagi niyang nakikitang umiiyak ang apo niya dahil ayaw nilang kalaro. Anim na taong gulang na ito, nasa unang grado na pero gano'n din lagi itong nag-iisa kahit pa sabihing hindi pinapabayaan ng guro nila.

"Nakakainggit naman kasi sila lola masaya silang naglalaro samantalang nag-iisa na nga lang po ako dito eh parang ayaw pa ng mga tao sa akin." Tugon nito na mas nagpadurog sa puso niya.

"Huwag mong sabihin iyan apo dahil nandito si lola para sa iyo. Kaya sabi ko dito ka na lang para kahit papaano'y makakalaro kita kapag ganitong walang mamimili. Tahan na apo ko, kunin mo sa loob 'yung laruan mong dinala ni tita Macel at tito Bhong." Sagot niya dito.

Hindi nga siya nagkamali, ang malungkot nitong mukha ay agad ding nagliwanag. Patakbo itong pumasok upang kunin ang laruan. Nawala man ang magulang nito pero naging mabait pa rin ang langit sa kanilang mag-lola dahil patuloy silang tinutulungan ng mag-asawang Macel at Bhong. Hindi man buwan-buwan kung magpadala ang mag-asawa ay madalas din naman kahit hindi siya naghihingi kaso kusang-loob nilang ibinibigay ang rason nila'y tulong na lang nila sa kanilang mag-lola.

Gano'n at gano'n ang buhay nilang dalawa. Sa paglipas ng mga taon ay mas lumalala ang pakikitungo ng mga tao kay Bernard.

"Mama wala naman siyang ginagawang masama ah. Bakit ba lagi kayong galit sa tao?" Minsan ay sagot ng kaklase nito. Nasa huling taon na sila ng elementary.

"Ikaw Johnny kapag sinabi kong huwag kang sumama sa malas na iyan sundin mo mung ayaw mong malipat sa iyo ang kamalasan niya!" Sigaw ng ina nito.

"Makapamintang ka mama wagas. Buti sana kung sakit oo nakakahawa saka ano ba ang ipinagpuputok ng ulo mo kay Bernard? Ako na nga lang yata ang sumasabay sa kanya tapos pinagbabawalan mo pa ako?" Muli ay sagot ni Johnny.

Ito lang ang bukod tanging lumalapit sa kanya, labis-labis ang tuwa niya dahil mula sa unang grado ay walang nagtatagal na sumasama sa kanya dahil pinagbabawalan sila ng kani-kanilang magulang. Masaya siyang nakikipagkaibigan ito sa kanya pero ayaw din naman niyang mapagalitan ito dahil sa kanya.

"Sige na Johnny, huwag mo ng sagutin ang mama mo. Mabuti ka nga may mama samantalang ako si lola lang ang nakagisnan ko---"

"Natural! May mama ang anak ko dahil may papa siya, ikaw na malas at salot na hindi alam ng ina mo kung kanino ka nakuha kaya't ayan pinarusahan ng langit kaya't namatay siya! Huwag na huwag mo ng malapit-lapitan amh anak ko dahil ayaw kong magaya siya sa iyong malas ka. Nakakadiri!" Agaw at pamumutol ng ina ng kaibigan niya.

Sakit sa dibdib! Labing-dalawang taong gulang na siya pero lahat ng mga iyun ay nauunawaan na niya.

"Huwag namang gano'n mama saang banda siya nakakadiri? Malinis naman ang tao ah." Salungat ni Johnny sa ina saka mabilis na hinarap ang kaibigan.

"Sige na Bernard kita na lang tayo sa school bukas baka hinahanap ka na ni lola Lina." Sabi pa nito saka tinapik ang balikat.

Magsasalita pa sana ang ina nito pero hinila na nito palayo sa kinaroroonan ni Bernard. Kaya naman bago pa may panibagong manlalait sa kanya'y dumiretso na rin siya ng uwi sa tahanan nilang mag-lola. Minsan napapaisip na rin siya kung bakit gano'n na lamang ang galit at pandidiri ng mga tao sa kanya samantalang malinis naman siyang tao. Taunan pa nga niyang nakukuha ang award na most neat, most punctual, at higit sa lahat ay lagi niyang hawak ang first honor. At gano'n na naman sa taong iyun, kinausap na siya ng principal na papuntahin ang sa school nila ang kanyang lola upang kausapin ito tungkol sa pagtatapos niya. Sa kaisipang iyun ay bahagya niyang nakalimutan ang panlalait sa kanya ng ina ng kaibigan niya. Agad siyang lumapit sa lola niya na abala sa sa pagsasalansan sa paninda nito.

IKAW ANG DAHILAN SA PANUNULAT NI SHERYL FEE(COMPLETED)Where stories live. Discover now