IKA-LABING WALONG KABANATA

330 31 14
                                    

" IKAW ANG DAHILAN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

IKA-LABING WALONG KABANATA

Nahirapan siya sa paghahanap ng sulat pero tiniis niya ito dahil alam niyang importante ang sulat kaso  wala na yatang mas sasakit pa sa nabasa niya ang nilalaman nito. Parang gusto pa niyang pagsisisihan ang paghanap lalo at ang petsa ng pagkakagawa nito o petsa noong isinulat ay noong nasa kulungan pa ang kanyang ina.

Bernard Frederick, sa oras na mababasa mo ay wala na ako sa mundong ibabaw. Oo anak alam kong mauunawaan mo ang lahat paglaki mo. Ramdam kong kahit makalaya ako'y hindi rin ako magtatagal dahil sa malupit na mundo. Isa lang ang hinihiling ko anak ang magpakabait ka paglaki mo. Huwag mong tularan ang nagawa kong pagkakamali at huwag mo ng isipin ang paghigantian ang ama mo dahil kagaya kong naparusahan dito sa Saudi.

Pinagsisihan ko ang kamalian ko anak na naging sanhi ng pagkakakulong ko pero hindi ko pinagsisihan ang pagkakaroon ko ng anak na kagaya mo kahit kapwa ko Pinoy din ang binagsakan ko. Sa pangalan mo pa lang anak alam kong paglaki mo'y  mauunawaan mo kung bakit Bernard Frederick ang pangalan mo samantalang Ronald ang pangalan ng asawa  ko. Bernard Ibañes ang pangalan ng papa mo pero kagaya kong nakulong at naparusahan pero hindi naka-survived sa parusa niya.

Mahal na mahal ka ng mama anak kaya't ginawa ko ang sulat na ito para mabigyan kita ng babala. Huwag mo sanang gawin ang ginawa ko na nagpadala sa init ng kamunduan para wala kang pagsisisihan sa bandang huli.

Isa pa pala Bernard Frederick anak, alam kong bata ka pa at wala kang mauunawaan pero pagmabasa mo na ang sulat na ito'y maunawaan mo din. Please anak paglaki mo'y iwasan mo ang mapalapit sa pamilya Aguillar lalo na sa siyudad ng Baguio para maiwasan gulo. Kilala ako ng pamilya nila dahil kapwa ko manggagawa sa dito sa Saudi ang kapamliya nilang si Niel Patrick Aguillar siya ang naging kalaguyo ko dito pero hindi siya ang ama mo kundi si Bernard Ibañes kaya kako pagdating ng panahon, paglaki mo iwasan mo ang mapalapit sa kanila para hindi na maungkat ang nakaraan namin ng kapamilya nila. Mababait sila at tama na ang pagkakamali ko upang malagay sa alanganin ang buhay ni Niel Patrick Aguillar  alam kong maliit lang ang mundo at mas alam kong pagdating sa pag-ibig ay mas nagiging maliit ang mundo kaya kako huwag kang makipagrelasyon  paglaki mo kahit sino sa kanila dahil ayaw kong pare-parehas kayong malagay sa alanganin. Alam kong magtataka ka kung bakit ipinagbabawal kong mapalapit ka sa pamilya Aguillar, oo anak ipinagbabawal kong makipaglapit ka kahit sino sa kanila dahil napakabait nila, pinatawad nila ako kaya't nakakahiya nang maungkat pang muli ang tungkol at iyan ang ipapakiusap ko bilang ina mo. Ayaw ko ding malagay sila sa kahihiyan as I am.

Mahal na mahal ka ng mama anak.

Ang nilalaman ng sulat na nagpabuhos sa luha niya. Lalaki siya pero hindi niya napigilan ang sariling umiyak dahil sa nabasang sulat. Mula sa pag-agos ng luha niya sa kanyang pisngi ay nagsimula siyang umiyak hanggang sa napahagulhol siya. Hindi lang iyun dahil umigaw pa siya. He's screaming out loud "why". Why all of sudden. Bakit kailangang magpanagpo sila ng babaing galing sa pamilyang ipinagbabawal ng yumao niyang ina.

"Kung hindi lang dahil sa baliw na babaing iyun hindi ko na sana nalaman ang bagay na ito. Mag-asawa na sana kami ngayon kung hindi dahil sa lintik na hitad! Ngayon hindi ko alam kung paano ko sila haharapin lalo at sigurado akong alam ng mga magulang niya ang tungkol dito. Bakit? Bakit ?" Ang mga katagang iinisigaw.

Dahil sa pagwawala niya'y napasugod din ang mga nakalakhan niyang magulang. Ang mga taong kumupkop, nagpalaki, nagpa-aral sa kanya. Sa madaling salita'y ang mga taong naging dahil sa tagumpay niya. Wala siya sa kinalalagyan niya sa kasalukuyan kung hindi dahil sa pag-ampon ng mag-asawa sa kanya.

"Erick anak?" Pukaw ng Ginang sa kanya samantalang ang ama ay lumapit at pumatay sa kanya na nakasalampak sa sahig.

Pero hindi siya sumagot bagkos ay nagpatuloy siya pagwawala kahit pa sabihing nasa sahig siya.

IKAW ANG DAHILAN SA PANUNULAT NI SHERYL FEE(COMPLETED)Where stories live. Discover now