IKA-LABING ANIM NA KABANATA

311 26 12
                                    

" IKAW ANG DAHILAN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

IKA-LABING ANIM NA KABANATA

"Iyan ang totoo Mr and Mrs Aguillar. Ang pamilya nila ang pinakamalakas na supplier namin sa aming negosyo." Pang-aamin ni Don Agustin.

"At iyan ang dahilan upang pumayag kayong ipa-deport nila ang anak ninyo gano'n ba?" Mariing tanong ni Leona este Whitney.

"Yes Mrs Aguillar." Tugon naman ng Donya na mas nagpainit sa ulo ng leona.

"At sa tingin n'yo ba Don Agustin, Donya Leticia ngayong deported na ang anak ninyo'y itutuloy nila ang pagsupply sa inyo? Sa tingin n'yo ba titigilan na ng anak nila ang anak ninyo? Mga negosyante kayo pero hindi kayo nag-isip ng tama bago ninyo pumayag sa deal ninyo." Patuyang saad ni WP.

Kaya sumabad ang asawa.

"Asawa ko naman--" Ayusin mo ang pananalita mo nais sanang sabihin pero pinutol nito

"Kung wala kang alam sabihin kundi ang pigilan ako sa sinasbai ko'y umuwi ka na at daanan ang ticket natin." Putol pa ni Whitney sa asawa na pinanlalakihan ng mata.

"Ahm mawalang galang lang Mrs Aguillar, bakit pala ninyo alam ang tungkol sa deportation ng anak namin?" Tanong naman ni Donya Leticia .

Dahil dito'y muling bumaling ang leona sa mag-asawa na tumawa pa talaga na halatang nang-iinsulto. Wala siyang pakialam dahil anak niya ang saklaw! Ipadeport nila ito ng ilang beses ay wala silang maririnig mula sa kanya kung hindi lang din damay ang anak niya.

"Tinanggap n'yo kami sa tahanan ninyo, kausap sa mga pangalan namin pero hindi ninyo alam kung bakit alam namin? Sa akala n'yo ba makikialam ako sa bagay na iyan kung hindi dahil sa anak ko? Oo alam na alam ko ang tungkol diyan dahil tumawag ang mga biyanan ko sa Pilipinas kung saan naroon ang anak kong ipinahiya ng babaing binuntis ng anak ninyo. Tama! Ako ang ina ng kasintahan ng anak ninyo. Oras na malaman kong totoo lahat ang ibinibintang nila sa kanya'y mananagot kayong lahat sa akin dahil anak ko ang sangkot!" Mariing sagot nito.

"Asawa ko dahan-dahan lang makakapagsalita ka namang hindi sumisigaw." Awat dito ni Niel saka hinarap ang mag-asawa.

"Tama ang asawa ko Mr and Mrs Montefalcon kami ang magulang ni Abigail Eunice na kasintahan ni Bernard Frederick o ang ampon ninyo kaya namin alam ang tungkol sa deportation. Uuwi kami ng bansa upang kumustahin ang anak namin pero hindi ibig sabihin na hanggang dito na lang ang usapan natin. Kung may maitutulong kami sa inyo'y sabihin n'yo handa kaming tutulong."Aniya sa mga ito.

"Deported ang anak ninyo at ibig sabihin niyang any moment from now ay maaring darating na siya but my point there is sa pagbalik niya dito I'm sure babalik din ang mag-anak kaya't mag-ingat kayo dahil maaring nag-iisip na naman sila ng kontra laban sa inyo and I'm sure ang anak ninyo ang target at ang kumpanya ninyo ang alas nila. In case na gipitin kayo'y magreport kayo sa police para maaksyunan iyan. Mag-ingat kayo sa pinagkakatiwalaan ninyo. And as my husband's said, uuwi kami pero kung may maitutulong kami'y huwag sana kayong mag-alinlangang magsabi sa amin. For now iiwan muna namin kayo dahil dadaan pa kami sa ticketing booth." Sabi naman ni Leona.

"I don't know what to say Mrs Aguillar pero hayaan mong magpasalamat ako. Huwag kayong mag-alala dahil babalitaan namin kayo sa kaganapan." Sagot ng Donya.

"Wala kang dapat ipagpasalamat Mrs Montefalcon dahil ginagawa ko lang ito para sa prinsesa ko. Sige mauna na kami." Tugon nito saka naunang tumayo.

Hindi na nila hinintay na makasagot ang mag-asawa, matapos silang magpa-alam ay lumabas na sila at nagtungo sa sasakyan at muling umuwi

"Tama nga sila hon, wala naman tayong dapat ikabahala sahil stable ang asset ng kumpanya pero tayo na rin ang nagpabagsak into deportation sa anak natin. Ngayon ko lang napag-isip-isip na kahit magpull-out sila sa atin ay makamakuha pa naman tayo ng ibang supplier." Ss wakas ay nasabi din ng Don na sinang-ayunan ng asawa.

IKAW ANG DAHILAN SA PANUNULAT NI SHERYL FEE(COMPLETED)Where stories live. Discover now