third person's
"cap may kumakatok" pagtawag ni dave kay jaemin. siya yung laging kapartner ni jaemin sa mga games
agad naman lumabas si jaemin para salubungin kung sino man iyon. "oy! goodluck! kahit alam naman naming mananalo kayo hahahaha!" pagbati ni mark na kasama ang iba pa nilang mga kaibigan
"salamat, pasok muna kayo" pagpapatuloy nya kila mark sa dug out.
"galingan mo ulit hyung ah nakasalalay libre namin dito char! hahahaha!" pagpapatawa ni jisung pero hindi natuwa si jaemin dahil gagastos na naman sya pag nanalo siya ulit "edi ipapatalo ko na lang"
"hyung! wag ka ganyan! manonood crush mo!" sabi ni chenle kaya agad naman napangiti si jaemin "charot lang ulit" pagbawi nya at muntik na syang sapakin ni jaemin
"gago totoo sinabi ni chenle, manunuod si pres" renjun
"okay magreready na ko! kailangan ko galingan ngayon!" sabi ni jaemin na may kasama pang pagstreching "lumayas na kayo! okay na ko sa mga goodluck nyo, makakalaro na ako ng matiwasay dahil nalaman kong manonood sya"
"cap" pagtawag ni dave
"buti na lang talaga at sinabi nyong manonood sya dahil masusure win namin ni dave yon, diba?" pagpapatuloy ni jaemin
"oo cap pero..." pagaalinlangan ni dave
"ate!" pagtawag ni jisung sa dumating at niyakap nya ito
agad namang humarap si jaemin sa tinawag ni jisung at laking gulat niya ng malaman kung sino ito "oh bakit ka- UY HI MADAM PRESIDENT" gulat na sabi ni jaemin dahil hindi nya alam na nasa pintuan na pala si andeng na may dalang isang supot ng tubig "sorry di kita napansin hehe"
"wag ka magpanic di mo naman sinabi pangalan nya" pang-aasar ni jeno kay jaemin
"water?" alok ni andeng na agad naman kinuha ni jaemin ang mga dala nito
"dito ka pala madam president, kala ko di ka makakaattend hehe" pagtatanong ni jaemin na may halong kilig pero naitago naman nya
"yup, the eb needs me kaya andito ako" simpleng sagot ni andeng "ikaw! jisung panay gala ka ah sumbong kita!"
"ate walang ganyanan!" maktol ni jisung
"char lang! anyway good luck to you and to your partner jaemin. galingan nyo, bye!" pagcheer nya at mabilis na umalis
agad naman napahawak si jaemin sa dibdib nya "kITA NYO YON?! NGUMITI SYA SA AKIN TAS SINABIHAN AKO NG GOODLUCK! PWEDE NA AKO MAMATAY"
"kalma brother, yun pa lang yon pano pag naging kayo na" panggagatong ni haechan na minsan ay kontra kay jaemin pero minsan sang-ayon rin
"ready na ko! wooh! pero teka! jisung! anong ate?! magkakilala kayo?!" pagsisigaw ni jaemin sa loob
"mamaya ko na ipapaliwanag! malapit na magsimula laban nyo!" pag-iiba ni jisung para makaligtas
sa kabilang dako, patuloy pa rin ang pagbigay ng pagkain ng eb sa labas ng gymnasium pero nang sinabi ng isang teacher na magsisimula na ang laro ay sinabihan na ni andeng na pumasok ang ibang eb members sa loob gamit ang walkie talkie
"guys pasok na magstart na yung game, malapit sa main entrance yung pwesto natin makikita nyo rin agad"
pagkatapos ng ilang minuto ay naghiyawan na ang mga manonood. maririnig mo ang mga samu't saring sigaw pero mas nangingibabaw ang sigaw ng school nila andeng. kasunod nito ay lumabas na ang mga players ng parehong paaralan.
"wtf ang gwapo ni jaemin!" unang mga salitang lumabas sa katabi ni andeng nang makitang lumalabas na ang players ng bawat team
"is he good tho?" pagtatanong ni andeng
"gurl! hindi ka kasi nanonood kaya hindi mo alam!" paninisi ni sam kay andeng
"kasalanan ko bang hindi ko gusto ang sports?" pagtatanggol ni andeng sa sarili nya. tumunog naman na ang buzzer, hudyat ng pagsisimula ng laro at ang unang maglalaro ay si jaemin.
pumwesto na si jaemin at hinahanda na ang kanyang bow. he slowly lifted his bow and started aiming the target. the distance is just 20m since indoor archery naman ito pero kung tutuusin, malayo-layo parin ito.
the crowd screamed. jaemin scored 10 on his first attempt kaya tuwang tuwa ang buong crowd ng kingstern, maski si andeng ay pumalakpak ng malakas.
"he's good! mukhang makakapasok tayo sa finals!" pasigaw na pabulong na sabi ni andeng kay sam, dahil hindi sila halos makarinigan dahil sa ingay.
BINABASA MO ANG
Madam President; na jaemin
Fanfictionin which na jaemin, an archery student-athlete, has a crush on andeng, the president of their student council narration + epistolary nct dream na jaemin au started: january 2020 ended: