twenty seven; andeng's

91 3 0
                                    

gaya ng pinangako ko na kakain ay nandito na kami para kumain ng korean bbq. nandito ang buong eb, buong archery team na nanood kanina at syempre di ba papahuli itong mga kaibigan ni jisung. nang nalaman kasi nila na manlilibre ang eb ay kinulit na ako nitong ni jisung na sasama raw sila. pumayag na lang rin ako kasi ayaw ko nang kulitin nya pa ako kahit na dagdag palamunin lang sila charot

"ate, libre mo kaming lahat diba?" pang-aasar ni jisung. lakas naman ng loob ng palamunin na ito

"oy kayong dumagdag lang ang ililibre ko mga palamunin kasi kayo eh" sabi ko habang inaayos ang pag-upo ko. natawa naman silang lahat dahil sa sinabi ko at yung mga dumagdag na kaibigan ni jisung ay panay bow at pasalamat sakin nung narinig ang salitang libre "jisung dito ka sa tabi ko umupo" utos ko sa kanya at pagkaupong pagkaupo nya ay binatukan ko sya

"coach kayo na po magdecide kung unli pork or beef" sabi ni nico

"pwede bang pareho?" sabi ng coach ng archery

"edi both po" sabi ni nico at sinabi na sa attendant nitong korean bbq place ang order. hindi naman nagtagal ay dumating na rin naman yung mga meat na lulutuin. nakaupo kami sa isang mahabang table at isa ako sa nakatapat sa grill kaya matic nang ako ang magluluto. sa kaliwa ko nakaupo si jisung sa kanan ko naman ay si jaemin at nakatapat ako kay sam, bianca at nico.

nagsimula na akong ilagay sa grill ang mga meat at habang hinihintay iyon na maluto ay tinanggal ko ang pickled radish sa plato ng mga side dish ko at inilipat sa plato ni sam paboritong side dish nya kasi iyon. once the meat is half way cooked ginupit ko iyon into bite pieces para mas madali iyon kainin.

"gusto nyo ba ng alak?" i asked

"pwede ba coach?" tanong ng isang player ng archery habang nakatingin sa coach nila

"ngayon lang ah!" sagot ng coach nila at naghiyawan naman ang mga players pati na rin ang mga katapat ko. tch basta alak talaga

"grabe miss ko na alak!" sigaw ni nico na ikinatawa ng lahat

"tangek miss mo lang ang libreng alak" pangbabara ko sa kanya at hinayaan na silang umorder kung ilang alak ba ang gusto nila habang ako ay nilalagay sa plato ni jisung ang ibang lutong grilled meat pero kumakain rin naman ako

"umiinom ka madam?" tanong ni jaemin sakin habang naghahanda ng wrap sa palad nya

"hindi pero nagpapainom ako" sagot ko at tumawa. pwede naman kasi iyon, madalas ako magpainom sa mga pinsan ko dahil request nila, di ko rin naman sila pinipigilan basta during that inuman its either coke or yakult ang iniinom ko

"eh si jisung pwede ba uminom?" tanong nya ulit at tumingin naman ako kay jisung

"hindi, ayaw ko umakay ng lasing pauwi" pagjojoke ko ulit na ikinatawa nya at tinuloy nalang namin ang pagkain

"let me get your attention please!" pagsigaw ni haechan. nalaman ko mga pangalan nila kasi nagpakilala sila nung nagpasalamat sila kasi nga ililibre ko sila

"ingay naman haechan! sakit sa tenga!" balik ni chenle sa kanya

"sshh! ako muna!" panimula ni haechan "at dahil nandito tayo para magcelebrate, cheers muna tayo!" sabi niya at tinaas ang baso nya na may lamang soju, ginaya rin namin sya at sabay sabay kaming nagkampay. it really became a celebration kasi ang ingay ng table namin, lahat masaya dahil sa championship na nakamit ng archery team at sigurado rin ako na may mas sasaya pa bukas sa bonfire.

"game! game! game! laro tayo!" pageepal ulit ni haechan "subuan nyo katabi nyo ng kbbq! left and right ah!" pagannounce nya at tumawa "may kasamang picture to ah! yung kaliwa muna" dagdag nya pa ulit

lahat naman ay sinakyan yung palaro nya kaya naman ay gumaya na rin ako. dahil si jisung ang kakain nito, lahat ng sauce ay pinaghalo ko sa wrap. nilagyan ko rin ito ng kimchi pero niliitan ko lang yung portion ng meat. babawi ako sa pagpapalibre nya sakin

"game na jaemin ikaw na!" sigaw ni haechan

ako yung nasa kaliwa ni jaemin kaya ako yung susubuan ng wrap. medyo malaki yung ginawa nyang wrap kaya medyo nahirapan akong kainin ito lalo na't maraming meat ang nakalagay. nang makarecover na ako sa pagkain ay sinubuan ko na ng wrap si jisung. nakatingin ako sa kanya habang kinakain nya yung ginawa kong wrap at naghihintay sa magiging reaksyon nya

"ay! bat puro sauce lang natikman ko! ate naman eh!" reklamo nya na ikinatawa naming lahat

"subukan mong bumawi sakin di ko babayaran kinain mo at ng mga kaibigan mo" pagbabanta ko sa kanya

"game yung kanan naman!" sabi ni haechan, host ba sya ng kainan na ito?

i also started to make a wrap para dito sa katabi ko. same lang ito nung kay jisung kaso rinamihan ko ng maanghang na sauce. it's now jisung turn to feed me. sinamaan ko muna sya ng tingin bago ko kinain yung wrap. wala namang kakaiba sa wrap kaya nagprocede na akong pakainin si jaemin. hinihintay ko ang magiging reaksyon nya...

"hala ang anghang madam! bakit mo naman ako ginanto!" reaksyon nya pero tinawanan ko lang sya but i offered him my glass of soda which he accepted kasi kailangan nya

the rest of our mini celebration became fun, ang daming kinwento ng archery team na halos katarantaduhan lang rin. naging magaan naman ang loob naming eb sa kanila kasi eto ang unang beses na makakasama namin sila, i mean ako... ay unang beses ko talaga. it's a chaos now dahil may kasamang alak na kaya i decided to send them all home. nagtext na rin kasi si taeyong hyung sakin kaya nagyaya na rin akong umuwi.

"wala bang may gustong sumabay samin ni jisung?" i asked nung nasa labas na kami

"si jaemin sasabay raw" pagprisinta ni jeno sa kaibigan nya

"okay, eh kayo sam?"

"kay nico na kami sasabay, mas convenient sayo" sabi nya sa akin at nagbeso para magbabye

nagpaalam na rin kaming lahat sa isa't isa at pumasok na ko sa sasakyan. pumasok na rin si jaemin at jisung sa loob kaso nagmukha akong driver kasi silang dalawa ay sa gitna umupo kaya naman ay pinalipat ko yung isa sa harap. medyo malapit lang naman ang kinainan namin sa bahay kaya mabilis na byahe lang ito.

Madam President; na jaeminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon