thirty four; andeng's

88 3 0
                                    

fun days are gone and hell week na namin ngayon. the finals is on thursday and friday at buti na lang anim sa walong subject lang namin ang may written exam pero syempre nahihirapan pa rin kami lalo na sa physics at chem.

naging tahimik rin ang en dahil busy kaming lahat sa paghahanda para sa exam. ang huling ganap ay ang bonfire nung nakaraang linggo na which is masaya naman para sa lahat.

for the past few days ay naging kaclose na rin namin ang barkada ni jisung. we even share the same lunch table kapag napangaabot kami. and jaemin? naging close rin kami. sa sobrang close namin ay kaya na nya kong asarin tungkol sa magiging finals niya. sa sports track kasi sya at dalawa subject lang ang magiging written exam nila, sana all diba?

yung mga teachers naman ay nagbibigay sila ng activities para sagutin namin na magsisikbinb reviewer na rin daw. it's an individual activity pero syempre pag naguguluhan magtatanong tanong ka pa rin sa katabi mo kaya medyo nagiging maingay ang classroom.

"okay class pakipasa na lang yan bago matapos ang lunch time" sabi ng prof namin sa chemistry bago sya umalis.

"atat naman magcheck itong si sir, ano di na tayo kakain?" reklamo ng isa kong kaklase

"anong part nyo na?" i asked them para kapag nalate kami ng pasa ay may maganda kaming dahilan. nakatanggap naman ako ng sari saring mga sagot. karamihan ay nasa part four na pero ang iba ay part three pa lang. mahabang solving kasi iyong mga part na iyon dahil balancing at redox ang mga part na yon

"sige, basta pasa nyo sakin ako na bahala magrason" i said na ikinatuwa naman nila. lalabas na sana ako para kumain kaso tinawag nila ako para magpaturo. sinabihan ko na lang sila sam at bianca na mauna na sa canteen at susunod na lang ako at nagprocede nang turuan sila. sa upuan lang sana ako kaso gusto nila sa white board na lang daw. nagmukha naman akong teacher nito...

"redox deng, promise di ko talaga gets" sabi ni alex kaya naman ay sa redox ko sila unang tinuruan.

"ah so bale ganto?" tanong ni macke habang pinapakita nya yung papel nya. tama naman iyon kaya tumango ako sa kanya bilang sagot.

"ulit nga ulit! pano mo malalaman kung redox?" tanong ni lance na sobrang naguguluhan na ngayon

" kapag tapos mo nang lagyan ng oxidation number lahat tas mayroong nagbagong numbers, redox reaction siya. kapag tumaas, reducing agent. kapag bumaba, oxidizing agent" explain ko sa kanya pero mukhang naguguluhan pa rin sya kaya naman ay tumabi ako sa kanya at inexplain lahat na may kasamang solution na pinapakita sa kanya

"pakshet! medyo gets ko na, ulit ulit..." at sinabi nya sa akin kung ano ang naintindihan nya "at ayan! yan na yung final answer?" gets na nya kaya naman ay tumango ako nakipag apir pa sa kanya. sa totoo lang magulo rin talaga itong redox eh kaya kailangan mo talaga syang aralin. mas gugulo pa ito kasi may stoic pa kami pero bukas pa raw iyon sabi ng prof namin.

i checked my watch at sampung minuto na lang ay matatapos na ang lunch kaya naman ay di na ako nag-abala pang bumaba sa canteen kasi alam kong mapapagod lang din ako

sinabihan ko na sila na ibigay sakin kung tapos na sila kaya naman ay binilang ko ang papel na nasa kamay ko. 29... 30... 35 kami sa classroom at hindi ko pa sure kung may absent. tatanungin ko na lang si sam. eksakto naman na papasok na sila sa room ni bianca

"sam, may absent ba ngayon?"

"isa lang so bale dapat 34 ang ipapasa natin" sabi nya at binigay sakin ang papel nila ni bianca. so bale 32 na itong hawak ko plus yung papel ko na muntik ko nang maiwan, 33 na

Madam President; na jaeminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon