My Book of Life

8 0 0
                                    

Isang aklat
Na mahirap ibuklat.
Mga mata'y nakamulat
Ngunit 'di maintindihan ang nakasulat.

Sa bawat pahina
Tila nanghihina
Hindi makahinga
Isip ay walang pahinga.

Hindi alam kung ano.
Puso'y nagsusumamo.
Hindi alam kung bakit.
Puso'y bugbog sa sakit.

Sa bawat kakaibang salita
Sa bawat tonong nililikha
Tila may gustong magpakita
Tila may gustong magsimula.

Nais mang ipaalam
Ngunit walang may pakielam.
Walang nakakaalam
Mas mabuting walang nakakaalam.

Nais nang tumigil
Parte ng sarili'y pumipigil.
Puso'y nanggigigil
Bibig ay nagpipigil.

I am Jeane and These are My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon