Sana lahat Idolo

9 0 0
                                    

Yaong isang taong hinahangaan
Sa entablado'y pinapalakpakan.
Isang taong walang inaatrasan
Mga kalaban ay kinakabahan.

Isang pangarap na nais kong kamtin.
Nagnanais bawat tono ay damhin.
Ang bawat galaw ay aking dadalhin
Mapakita lang ang aking mithiin.

Ngunit nota'y mahirap hagilapin
Kahit saang sulok ito'y silipin.
Maski mga galaw, limitado rin.
Tsaka na lang siguro iisipin.

Sino sa tingin mo ang gaganahan?
Kung para sa iba ay kahibangan?
Kung pagbagsak mo ay inaabangan?
Maski sarili'y 'di maintindihan.

Sana lahat ay sinusuportahan.
Sana lahat ay naiintindihan.
Sana lahat pinahahalagahan.
Sana nga lahat ay hinahangaan.

I am Jeane and These are My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon