Kamusta?

8 0 0
                                    

Kamusta ka na?
Ang tagal din nating hindi nagkita.
Okay ka lang ba?
Parang ang lungkot ng iyong mga mata
Parang pinipilit lang tumawa.

Gusto mo ng yakap?
Nandito ako handang sumalubong sa'yong yakap.
Gusto mo ng sandalan?
Nandito lang ako kahit kailan.
Nandito lang ako, ika'y pinagmamasdan.

H'wag kang mag alinlangan.
Nandito lang ako kung iyo'y kailangan.
Tingnan mo aking mga mata
Sana'y iyong makita
Ang aking patuloy na pagsinta.

Kamusta na, aking mahal?
Ganoon na ba katagal?
Parang kahapon lang nung tayo'y naghiwalay ng landas.
Nakita din kita ulit sa wakas.
Inaamin ko, ikaw parin ang minamahal.

H'wag ka sanang magulat
Sa aking isiniwalat.
Pero alam kong hindi ito ang dapat
Kasi ako sayo'y hindi karapatdapat.
Kaya paalam na, ito siguro ang nararapat.

I am Jeane and These are My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon