Unang araw ng Pebrero

7 0 0
                                    

Gusto kong magwala!
Gusto kong humiyaw!
Ayoko na!
Ayoko na!
Gusto ko nang kumawala!

Bawat salitang binibitawan
May mga luhang pinipigilan.
Bawat luhang naiipon
Mula pa sa maghapon
Bakit pakiramdam sa sarili'y patapon?

Anong silbi mo?
Anong pakinabang mo?
Bakit hindi mo alam?
Bakit wala kang pakielam?
Hindi ko alam!

Nakakabaliw!
Hindi ko alam kung paano maaliw.
Ako'y naguguluhan!
Hindi ko alam ang patutunguhan.
Ni hindi ako makakita ng masisilungan.

Mga pangarap na mananatiling pangarap.
Mga panaginip na mananataling panaginip.
Paano ba ang tamang pangangarap?
Paano ba magising sa panaginip?
May tamang paraan ba?

Pwede mo bang ituro sakin ang paraan?
May alam ka bang ibang paraan?
Kahit saan, handa kong daanan.
Kahit na ano, handa kong pagdaanan.
Pakiusap, ituro mo lang sakin ang daan.

Pwede ko bang mahingi ang iyong tulong?
Pero wag mo sanang isigaw.
Ayos na sakin ang pabulong.
Wag ka naman sanang sumigaw.
Nanghihingi lang ako ng tulong.

Hindi ko parin alam kung paano.
Naaasar na ako!
Paano ba to?
Naguguluhan na naman ako!
Nalilito na naman ako!

Pakiusap, tulungan mo ako.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Hindi ko alam kung nasa tama pa ba ako.
Bakit ko ba to nararamdaman?
Dapat ko ba tong maramdaman?

Naguguluhan parin ako!
Ang daming pumapasok sa isip ko!
Hindi ko alam kung anong uunahin.
Hininga na ba'y pipigilin?
Ano ba dapat ang piliin?

Pangarap sa ilalim ng katotohanan.
Katotohanang laging nasa ibabaw ng pangarap.
Kailan ko ba to mapagtatapat?
Parang puro na lang katangahan.
Puro na lang pagpapanggap.

I am Jeane and These are My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon